Stalker (One Shot) Complete

99 3 0
                                    

Stalker (One Shot)

by: Ahron_Mariñas

Ch.1-Meet Her.

Hay. Ang gwapo niya talaga.

Heto na naman ako't parang tuod na titig na titig parin sa picture ni Tristan na ginawa ko pa talagang wallpaper ng cellphone ko.

Siguro kung nakakatunaw lang ang sobrang pagtitig ay nagawa ko na.

Bakit ba may mga taong sobrang pinagpala at binigyan ng ganitong mukha?

Samantalang ang mga kagaya kong pinagkaitan ng kapalaran ay nananatiling hindi nakikita o napapansin ng mga tulad nyang binigyan ng sobrang biyaya.

Kailan kaya niya ako mapapansin? Posible kaya?

Eh?! Ano bang pinagsasasabi ko, eh ni hindi nga niya ako kilala. Hmmpf.

Ako nga pala si Lyvia Santos.

Senior, at ito na ang huling araw namin sa hayskul.

Yep. Today is my graduation day, at sobra talagang lungkot ang nararamdaman ko dahil ito na rin ang huling araw na makikita ko ang mga taong kumumpleto ng hayskul days ko.

Especially ang taong naging inspirasyon ko kung bakit ako laging ginaganahang pumasok sa skul.

Ewan ko ba pero talagang malakas ang tama ko sa kanya.

Sa halos araw-araw na pagtitig ko sa kanya mula sa malayo ay hindi ko inaasahan na mas lalalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kung nung una ay kontento na ako makita ko lang ang kahit repleksyon man lang niya.

Ngayon ay hindi matatapos ang araw ko hangga't hindi ko man lang napapakinggan ang napakagandang boses niya mula sa pakikipag usap sa mga kaibigan niya.

Masakit para sakin pero kailangan kong tanggapin na kailangan ko ng iwan ang mga bagay na nakasanayan ko na.

Dumating ang oras ng pamamaalam, gusto ko sana syang lapitan pero ano namang sasabihin ko?

Srsly? Hindi ko alam.

Pero kung sa inaakala kong ito na ang huling araw ng pagkikita namin ay nagkamali ako.

Hanggang sa dumating ang araw ng first day college ko.

Stalker (One Shot) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon