CRUSH AKO NG CRUSH KO, WEH? (Edited Version 1.01)

1.2K 22 7
                                    

Crush Ako Ng Crush Ko, Weh?
(OneShot)

written by:
Masimple101

enjoy reading ! heart heart <3
~

CRUSH AKO NG CRUSH KO (Edited Version 1.01)
A Short Story By: maSimple101

Note: May ilang pagbabago dahil edited na. Enjoy reading!

---
Uso ang magkaroon ng 'crush' sa mga single. Kahit wala kang love life basta meron kang crush eh kikiligin ka na ng bonggang-bonga!

Sabi nga ng iba, much better ang crush life kaysa sa love life kasi sa crush life daw, 'no break ups.'

Hindi rin!

Kasi ayon sa quote na status ng classmate ko; "Uso na ang mag-move on kahit hindi naman naging kayo." I agree. Minsan talaga, ito ang kinahihinatnan ng mga nasa crush life. Mas okay na nga sakin ang ma-friend zone, kasi kahit masaklap atleast may linyang komukonekta sa inyo which is yung friendship nga pero kapag nasa crush zone ka ay... Waley! Hanggang tingin at sulyap ka lang at kadalasan ang malupit pa eh hindi ka nag-eexist sa mundo niya.

Crush zone. Mahirap bigkasin at mahirap lalong maramdaman. One sided madalas kaya crushed na crushed din ang puso mo sa saklap ng ganitong pagkakataon. Kaya nga pumatok ang "Bakit hindi ka crush ng crush mo?" diba? Kasi maraming nakarelate. Kasi ako oo, baka nga pati ikaw, hindi ba?
Kaya minsan kung iisipin mo, hindi pala gano'n kadali ang salitang 'crush'. 'Yung tipong hindi pa nga nagiging sayo, nasasaktan ka na agad.

Wala ngang break ups, may heart breaks naman. Kaya dapat, huwag mong ikabit ang salitang 'crush' sa LOVE. Kasi, aasa ka at anong ending? Masasaktan ka. Ang saklap 'no bes?

Kaya ako, I don't take that seriously. Crush lang 'yan, maliit na bagay!

****
"Dear crush, as long as you stay single, I'm fine." Basa ni Jeriel sa isa sa mga post na nakita niya sa facebook. Agad na napairap si Carly sa narinig niya sa kanyang bestfriend. Panay kasi ang parinig nito sa kanya kanina pa.

"Pwede ba bebhest, tigilan mo na nga ako." Tila bored na sabi niya saka bumuntong hininga. Kanina pa kasi ito nangungulit tungkol sa nararamdaman niya sa bali-balitang taken na daw ang long time crush niya.

"Eh kasi, umamin ka na! Parang hindi mo naman ako bestfriend niyan eh." Pangungulit pa nito. Muli siyang napairap saka ito binalingan.

"Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan? Okay lang talaga sakin. Crush ko lang naman siya. Ano namang magagawa ko kung may girlfriend na siya? Wala. Kundi maging masaya para sa kanya. Tss. Parang hindi naman kita bestfriend niyan eh." Balik niya rito. Natawa naman si Jeriel sa panggagaya niya ng linya.

"Pero alam ko nahu-hurt ka, diba? Jusme, mula grade seven ata crush mo na 'yun eh, three years bes! Tatlong taon kang umasang mapapansin ka niya! My-Gawd!" Tila hindi parin ito kumbinsido sa mga sinabi niya.

"Hurt? Haha, patawa ka talaga bebhest! Crush ko lang siya okay? Crush is paghanga, 'yun lang 'yon! NO deeper feelings." Pagpapaliwanag niya.

"Aysus! Hindi na uso 'yang 'Crush is paghanga, minsan nawawala.' Sus! Ako pa niloko mo." Pangangatwiran parin ni Jeriel.

"Ewan ko sayo, stop this nonsense. Bahala ka kung ayaw mong maniwala sakin. Gutom na ko, tara na sa canteen." Aya niya saka tumayo.

"Okay fine! You win! Ilibre mo nalang ako para matahimik na ang ibang bahagi ng isip ko. Hahaha. Para hindi ko na isiping broken hearted ka. Hahahaha"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRUSH AKO NG CRUSH KO, WEH (EDITED VERSION 1.01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon