Pagtapos ng graduation ay agad tumakbo si Sharmaine papunta kay Dennis para yakapin ito . Tuwang tuwa syang pinagmamalaki sa kasintahan ang bunga ng paghihirap nya . Sa tabi naman ang ina nitong nakangiti . Kita sa mata nito ang kasayahan sa nakamit na tagumpay ng anak .
Naalala lahat ni Sharmaine ang masasayang alaala na kasama nya si Dennis. Ang college sweetheart nya na pinaramdam sa kanya lahat ng pagmamahal na gusto maramdaman ng babae . Pinakita sa kanya kung pano ang lahat ay magiging magaan basta magkasama sila sa ngalan ng pag ibig.
Sobrang pag sisisi ang nararamdaman ngayon ni sharmaine habang iniinda ang mga pasa at galos sa katawan. Hindi nya akalaing ganto ang kahihinatnan nya .
Isang tipikal na college student si sharmaine bago nya nakilala si dennis . Nagkakilala ang dalawa sa online dating site. Naging mag kasintahan . Ginagawa nila lahat ng bagay na ginagawa ng magkasintahan ngayon. Hanggang sa nag bunga ang pagmamahalan ng dalawa. Takot na takot si sharmaine ng malaman ito. Hindi pa sya handa . Handang maging ina at asawa. Noong pinaalam nya ito sa ina ay naiyak nalang ito. Ang akala na makaka ahon na sila sa hirap ay naudlot . Nagiyakan sa bahay nila . Ang mga tiyo naman niya ay nagalit. Pinilit nilang ipakasal si sharmaine sa kasintahan para di matakbuhan.ni dennis ang responsebilidad.
Walang nagawa ang dalawa kundi pumayag. Di nagtagal nag sama sila sa iisang bubong doon nakita niya ang tunay na ugali ng asawa .Nawala ang ka sweetan nito . Wala na yung dating pagmamahal na pinaramdam ng asawa sa kanya.
Habang malalim na nag iisip biglang pumasok ang asawa na lasing , naghahanap ng ulam. Binigay ni sharmaine ang tuyo na ulam noong umaga ngunit nagalit ang asawa. Nagsawa na sa araw araw na tuyo. Wala ng magawa ang babae kundi malungkot dahil ito lang ang kasya sa perang binigay ng asawa galing sa pag construction.
Hindi naman makahanap ng trabaho ang babae dahil buntis ito at maselan.Sa galit ng asawa nagwala ito. Binalibag ang plato sa mukha ng asawa. Saktong natamaan ang mukha nito. Humihikbi nalang ang babae sa araw araw na pananakit at sigaw ng asawa. Sising sisi sya sa naging desisyon. Hindi naman iyon ang pangarap nya .
Kinagabihan ay nilagnat si sharmaine . Ginising nya ang asawa para magpabili ng gamot . Di sya pinansin neto. Nanginginig na sa lagnat si sharmaine at sinasabi sa asawa na sobrang init ng pakiramdam . Tumayo ang asawa at kumuha ng tubig na may yelo bigla itong binuhos sa asawang nanginginig para daw mawala ang pag iinarte nya. Nanghihina si sharmaine at sobrang humagulgol . Pumunta ito sa kusina at nagdasal. Kumuha ng papel at nagsulat kahit hirap na hirap . Gumawa ng liham para sa ina na nabigo nya . Sa mga tiyo at tiya na nagalit sa kanya. At lalo sa asawa na sobrang minahal nya.
Di kinaya ni sharmaine ang lahat ng pahirap kumuha ito ng kutsilyo. Habang humikbi at paulit ulit na humihingi ng tawad sa Diyos at anak nilaslasan nya ng madiin ang sarili. .Ilang minuto pa ay nawalan na ito ng hininga. Nagkalat ang dugo sa paligid , sabay pikit upang matulog ng mahimbing at payapa.
Kinabukasan ay pinagkaguluhan ng kapit bahay si sharmaine habang yakap ito ng asawang umiiyak. Nagtatanong ng dahilan sa pag papakamatay nito at paghingi ng tawad.
Natatawa na nga lang ako sa kumpol ng mga tao e. Ngayon sila naawa sa babae kung kailan wala na. Samantalang noong buhay pa ito ay wala manlang ni isang tulong dito . At lalong nakakatawa ang asawa nito samantalang alam naman ng lahat na eto at ang pananakit niya ang dahilan ng papakamatay ko. Ako nga pala si Sharmaine Devon Chua . At eto ang buhay ko .
YOU ARE READING
Nasa Huli Ang Pag sisisi (OneShot) (Completed)
Short StoryUso ang teenage pregnancy, pre marital sex , at socioeconomic problem. Pano kaya ito hinarap at sinulusyunan ng isang babae na maagang nakaranas neto .