Chapter 2 XRYTOL EWINS ELUDIO&REDSON FORD DOMINGUEZ

19 1 0
                                    

Chie's POV

Natulala pa ako don at boom bigla akong nahulog sa upuan.Sus!Panaginip lang pala yun.Kainis,naman.Pero atleast hindi pa nila ako ngayon pinansin no.Classmate ko kaya sila and lahat ng lalakeng classmate ko ay nasuntok ko na especially the two of them at ang nakakainis nilang isa pang kaibigan. Si Tredle Rock Instantino. Back to the story, si Xrytol Ewins Eludio.Siya ang 6 consecutive crush ko.Pero hindi ako yung tipong stalk ng stalk sa crush niya,ah.Naging crush ko lang siya dahil sobrang talino niya,well,gwapo rin siya,gentleman(minsan),at mabait rin naman.Hahaha,alala ko pa nung Grade 5 kami nagpipila kasi ako sa may cr sa room namin kasi gagamit sana ako kaso inunahan nung isa ko pang classmate si Xrytol.Siya kasi yung first na nakapila tapos ako atsaka si Antrie.Tapos sabi niya ako nalang daw yung mauna,o diba gentleman?Meron pang isa, nandon kami sa auditorium at late na akong nakarating tapos wala nang upuan ayon ako yung pinaupo niya dun sa inuupuan niya.Syempre,nagthank you ako.Ayon!!Kilig moments!Hahaha.

    Pero,si Redson Ford Dominguez.Siya ang crush ko na bestfriend ni Xrytol.Hindi ko din alam kung bakit ko sya naging crush eh sobrang nakakainis sya.Kabaligtaran siya ni Xry.Hindi sya gentleman,ubod sya ng hangin,nakakaasar,lagi akong pinagtitripan.Pero ang hindi nila pinagkaiba,gwapo din sya pero hindi yun ang basehan eh tsaka ewan ko ba!Crush ko parin siya pero hindi ko sya 6 years crush.Tanging si Xrytol lang talaga ang nag-iisa sa puso ko.Pwe!Corny ko na.Kebata-bata ko pa.Hahahaha.

     Eto na ang katotohanan,naglalakad na ako pagkatapos ng break time namin ng,

"ARAAAYYYY!!!!!!"sigaw ko,nadapa kasi ako.

"Andchie?Ok ka lang ba?Gusto mo tulungan kita?"sabi ni X-xrytol?Kinusot kusot ko muna mata ko para masigurado na hindi ako nananaginip na naman pero totoo nga si Xrytol yun.

"Ah,Lenlen?"sabi ni Xrytol.Wah!Nakakahiya baka napansin niya yodo titig ako sa kanya.

"S-sige.S-salamat,ah."sabi ko then inalalayan niya akong tumayo pero bigla akong natumba ulit dahil sobrang sakit ng paa ko dahil lang sa paagkadapa ko na yon.Ano ba yan!Hindi kasi ako nag-iingat.

"Ihahatid na lang kita sa clinic,Lenlen."sabi niya then,

"AAAAHHHHHHH.BITIWAN MO KO, IBABA MO KO."sigaw ko.Nabigla kasi ako nung binuhat niya ako nung parang sa mga movies.Yung bridal carry.

"S-sorry.B-bakit?P-pasensya ka n-na ah."sabi ni Xrytol na nauutal?Teka.Ba't sya nauutal?Tsaka ngayon lang nagsink in sa isipan ko yung sinabi niya kanina.

LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.LENLEN.

Tinawag niya akong Lenlen!!!!!!!

"N-nako.Sorry ah.Nabigla lang kasi ako nung binuhat mo ko."sabi ko.

"Ok.Akala ko ano na eh."sabi niya ghen naglakad ulit siya papuntang clinic.

*CLINIC*

"Iwan muna kita,Lenlen,ah?May klase pa kasi tayo eh.PE.Pero mukhang hindi ka makakapasok.Written test ka na lang.Ako na magsasabi kay Sir."sabi ni Xrytol sa kin.Aw,concerned sya.Hahaha.

"Sige,ok lang,Wins.Salamat sa paghatid mo sakin dito sa clinic,ah.Bye!"sabi ko tapos umalis na sya.

"Uiieeee.Dalaga na ang inaanak ko."sabi ni Ninang sakin.Siya kasi ang nurse sa school eh.

"Ninang.Pinagsasabi nyo po? Bata pa po ako no."sabi ko kay Ninang habang ginagamot sugat ko.

"Hahaha.O sya sya.Mahiga ka na muna jan at tatawagan ko papa mo.Ok?"sabi ni Ninang at iniwan na ako don.

.

.

.

.

.

.

.

Nakatulog pala ako.Tiningnan ko relos ko,4:30 na.Ensaktong labasan namin.Umalis na ako sa clinic at nagpaalam kay Ninang at kukunin ko pa gamit ko sa room.

"Hi,Andchie."sabi ni Red sakin.

"Ano ba,Redson?Wala ako sa mood makipagdebate ngayon sayo.Ok?Pwede bang bukas mo nalang ako kulitin?"sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako nandito para asarin ka eh, g-gusto s-sanang kitang tanungin kung ok ka l-lang ba?S-sabi kasi ni Xry sakin na hinatid ka nya papuntang clinic."sabi ni Red.Biglang-bigla ako don.Si Red?Isang Redson Ford Dominguez may paki sakin?

"Kung nagtataka ka kung bakit ako may paki dahil yun sa"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.........

"GUSTO KITA."

A/N: Hi. Nagustuhan niyo ba tong chapter na to?Well,hindi ako nagustuhan ng crush ko in real life.Ang ibig kong sabihin na parang true story dahil nagkakacrush ako sa magbestfriend at yung isa crush ko for 6 years at inis din ako sa isa.Hahaha.Teka,ba't ba ko nag shashare?Anyways, please comment po kahit wala ng vote pero mas maganda rin kung may vote.Haha. Love you mga readers koooooo!!!!!!! ~~~Amy

MY CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon