Chapter 7: Sylvia

52 5 0
                                    

AMYTIS POV

" Ouch . Oh well eto lang ang sasabihin ko sa'yo . Tigilan muna kami ni Jayson. If you ever find yourself in the wrong story then leave "

Gusto ko siyang kalbohin . Durugin. Sabunotan pero tama siya hindi ako yung mahal ni Jayson .

Si Sylvia , siya yung mahal ni Jayson.

Si Sylvia Lorenzo ay kilala bilang leader sa Mighty Morphins.

Ang Mighty Morphins ang number one na high class sa fraternity . Sisterhood lang ang pwede. Meaning all girls lang . Pero takot sila kay Amazonian Mermaid.

Syempre ako si Amazonian Mermaid .

Wala akong sinalihang frat kasi pang jejemon lang yan .

Kasi ayoko .

Ayoko maging katulad nila , tsaka maalala ko lang si Jessica.

Enough of that, dramaness.

BACK TO REALITY .

Tibitigan ko siya. Alam kong natatakot siya. Like duh?! Ang stupid talaga. Halata namang natatakot siya.

"Alam mo, Bear this in your tiny mind, What is beauty if your just a third party. Opsss ! May beauty ka ba talaga eh if I know retoke na yang mukha mo. Tsss

Haha wala siyang masabi. Speechless ! Pag si Amytis naging Amazonian Mermaid, Di lang yun ang aabotin mong Bruha na Panget ka.

"Morphina, tara na. Baguging Amazonian Mermaid na si Amytis." sabi ni Veronica.

"Oo nga Morphina, tara na" sabi naman Hanna.

Si Hanna and Veronica ang mga alipores niya, friends ir should I say mga kasama niya sa paglalandi ng mga lalake dito. Eww !

Naglakad siya palayo pero dahil hindi pa ko tapos, hinila ko siya tsaka sinuntok. Napaupo siya sa sahig.

Oo, marunong akong sumuntok kasi tinuruan ako ni kuya Sven. Para daw self-defense.

Nakita kong may dugo sa labi niya. Opssss. My bad. Hahaha.

"Anong nangyari dito ?! Babe okay ka lang ?!" Yung boses na yun. Alam kong sya yun. Si Jayson. Ang taong minahal ko ng husto na sinayang lang.

Bigla akong nanlumo sa nakikita ko. Oo gusto kong umiyak pero parang ayaw ko rin at the same time. Kasi yung pag iyak sa harapan ng maraming tao ay senyales na you're weak.

May biglang nanghila sa kamay ko at niyakap ako mula sa likod. Pag angat ng ulo ko, si Mark, siya yung yumakap sa'kin.

"Pare, pakisabi dyan sa girlfriend mo na kung may problema siya sa'kin, ako yung harapin niya di yung dinadamay niya yung shota ko." OUCH ! Akala ko si Jayson yung pinakahuling magsadabi nun pero mali nanaman ako. Parang biglang may kumirot sa puso ko.

"Bago mo sabihin yan sa girlfriend ko, alamin mo muna ang nangyari." Ang sexy ni Mark nung sinabi niya 'yun. Ay, ERASE ERASE. Ano ba yan !

"Tara na." Hinila ako ni Mark. Gusto kung umiyak. Nakakapagod talaga maging malakas lalo na kung kaharap mo 'yung taong minsa'y naging lakas mo.

Pumasok kami sa isang office. Umupo siya sa sofa, sinandal biya yung ulo niya tas pumikit.

"Pwede ka nang umiyak." Umupo ako sa tabi niya tas niyakap yung mga paa ko. May likidong umagos sa mata ko tapos sinundan pa ng isa hangang sunod-sunod na.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

"Tapos ka na?"  Ay palaka! Akala ko tulog siya. Psh.

"Th...Thank You" Ewan ko sa bibig ko ba't nasabi ko 'yun.  Actually siya yung unang tao na nakakita sa'kin na umiiyak ako. Except kuya, dad abd mom syempre. Di nga ako nakita ni Jayson umiyak eh.

"Last na yan ha, huwag ka ng umiyak para sa kanya." Tapos he smiled and ginulo yung hair ko. Napangiti na rin ako. He's a good boy talaga.

Tapos yung ngiti niya, nakakainlove. Nakakainlove ?! What a joke.

"Halika na Oy, may klase pa tayo." hinila niya ko.

Hobby nya talagang manghila ng kamay lalong lalo na kung sa'kin. Aish. My precious hands.

Nung nasa room na kami, pinagtitinginan kami ng mga classmate namin. Teka diba dapat wala silang reaksyon na nandito kami. Ay baka kumalat na yung issue about sa'kin tsaka sa bruha na panget na 'yun. Eh ang dali pa namang kumalat ng chismis sa school na 'to.

Umupo na kami sa upuan namin. Alangan namang sa sahig diba.   

Binitawan na ni Mark yung kamay ko at kinuha ang Math Book niya.

Ay kahit kailan talaga ang boring niya. Dumating na si Mr.Math .

Kahit anong focus ko sa lesson namin hindi pa rin mawala sa isip ko si Jayson . Kung ano yung ginagawa niya ngayon , kung okay lang ba siya , kung masaya ba siya kay Sylvia.

" Oy, lunch na" What a frog ! Swimming with my one thoughts again . Huhu

"Ah okay" tumayo agad ako at kinuha ang Louis Vuitton bag . Bigla akong hinila ni Mark. Aish.

Nasa parking lot kami ngayon. Ba't ba kami andito? Baka dito siguro siya mag-aaral sa lessons namin. Bwahah . Ang Manong niya talaga. 

Binuksan niya ang pintuan ng Ferrari 599XX. WOW JUST WOW ! May taste din naman pala tong si Mark eh !

See? Almost 98% ang mayayaman dito sa East Windsor and unfortunately 2% are scholars.

Yup and kapag scholar ka dapat parang Google ang utak mo . 

Dito rin sa East Windsor , every Monday is a Fans day . Syempre kaming mga Superior Students ay busy sa pagtatago that day. 

Superior students ang tawag sa mga students dito sa East Windsor na kasali sa THE FAMOUS. Ang THE FAMOUS naman ay isang website . Doon magvovote ang mga students kung sino ang kanilang pipiliin na top 10 most influential student and most trendy fashionista's.

Enough of that and back to reality .

"Saan tayo pupunta?" Di man lang sumagot ! This is why I HATE boring people they always do the same thing kaya like talking less to somenone. This is so F !

"Ipakilala kita kay Mama" After abcdegjkl years , ayan nag salita si Mark The Boring Guy. 

Wait...... 

"Ano?!" Baliw ba siya? Now as in now? Ay hindi bukas pa bukas . Aish ! 

My Boyfriend is BoringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon