Untitled Love Story

60 0 0
                                    

Synopsis

Ang problema ay parang malakas na hangin, hindi mo mapipigilan at kailangan mong harapin pero ang malakas na hangin ay kusang tumitigil at matatapos din.

"MA?" dumating bigla ang mama ni Jacob galing america. Pumasok ito ng walang ano-ano. sa gulat ni Bobby sa pagdating ng mama ni Jacob. "Hello po tita." Bati ni Bobby. "So anong meron at nandito ka padin sa pamamahay ko?" nagtaka si Bobby sa tinanong ng mama ni Jacob napatingin si Bobby kay Jacob na nasa likod ni Elizabeth "Di ko po kayo maintindihan....." 'PAK' isang malakas na sampal ang sumalubong kay Bobby "Ma!?" sigaw ni Jacob ng makita niya ang pagsampal ni Elizabeth kay Bobby. "That's for what you've done to my son. now get out of my house." hindi nakaimik si Bobby yumuko na lamang at tumulo lamang ang mga luha niya sa mga sinabi ni Elizabeth. "Ma ano bang sinasabi mo!?" sagot niya kay Elizabeth. "Don't start with me now Jacob." nanlilisig ang mga mata ni Elizabeth sa galit. "Mom, mahal ko si Bobby!" sagot ni Jacob kay Elizabeth. lumapit si Jacob kay Bobby, "Hindi mo siya pwedeng paalisin dito." dagdag pa nito "Ano bang hindi mo naiintindihan Jacob?" tanong ni Elizabeth kay JAcob. "Kayo, kayo ang hindi ko maintindihan, akala ko ba mahal niyo ko. kung mahal niyo ko hahayaan niyo kong lumigaya. at si Bobby lang ang makakapagbigay sakin non!" pagtatanggol ni Jacob kay Bobby sa mama niya. "Mahal kita, kaya nga ginagawa ko to para mapabuti ka. ako pa ngayon ang nakikita mong masama?" sagot ni Elizabeth. "Hindi ko sinabing masama kayo, ang akin lang sana maintindihan niyo kami ni Bobby." paliwanag ni Jacob. "NO..." Singit ni Bobby sa usapan nila Jacob. "Tama ang mama mo Jacob. siguro hindi nga ako ang para sayo. mas mabuti pa ngang umalis nalang ako." wika ni Bobby. "Hindi, wag ka nang umalis. dito ka lang." awat ni Jacob kay Bobby habang umiiyak. "Kaylangan mong mapabuti." lumakad si Bobby papunta sa kwarto nila. "Pa, ano bang ginagawa mo?" tanong ni Jacob kay Bobby habang umiiyak. "Aalis na lang ako dito para hindi na kayo magaway ng mama mo." nang makapagimpake si Bobby. "Tama yang ginagawa mo. Ayokong makita o malaman na nakikipagkita ka pa kay Jacob." napalingon si Bobby kay Elizabeth. "Opo tita. pinapangako ko po sa inyo." sagot ni Bobby habang tumutulo ang mga luha. "Bobby!!" sigaw ni Jacob. at dumeretso nalamang si Bobby palabas ng condo unit ni Jacob ng umiiyak.

Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon