Chapter 4

28 0 0
                                    

Chapter 4

After a month magkasama padin sina Jacob at Bobby, nagaalmusal sila ng mga oras na yun. "Pa, anong oras uwi mo mamaya?" tanong ni Jacob kay Bobby. "Gagabihin ako eh." sagot ni Bobby. "Sige...." 'dingdong' pinutol ng tunog ng door bell ang usapan nila ni Jacob. "Wait lang ah." sabi ni Jacob kay Bobby upang buksan ang pinto, ng mabuksan ni Jacob ang pinto... "MA?" dumating bigla ang mama ni Jacob galing america. Pumasok ito ng walang ano-ano. sa gulat ni Bobby sa pagdating ng mama ni Jacob. "Hello po tita." Bati ni Bobby. "So anong meron at nandito ka padin sa pamamahay ko?" nagtaka si Bobby sa tinanong ng mama ni Jacob napatingin si Bobby kay Jacob na nasa likod ni Elizabeth "Di ko po kayo maintindihan....." 'PAK' isang malakas na sampal ang sumalubong kay Bobby "Ma!?" sigaw ni Jacob ng makita niya ang pagsampal ni Elizabeth kay Bobby. "That's for what you've done to my son. now get out of my house." hindi nakaimik si Bobby yumuko na lamang at tumulo lamang ang mga luha niya sa mga sinabi ni Elizabeth. "Ma ano bang sinasabi mo!?" sagot niya kay Elizabeth. "Don't start with me now Jacob." nanlilisig ang mga mata ni Elizabeth sa galit. "Mom, mahal ko si Bobby!" sagot ni Jacob kay Elizabeth. lumapit si Jacob kay Bobby, "Hindi mo siya pwedeng paalisin dito." dagdag pa nito "Ano bang hindi mo naiintindihan Jacob?" tanong ni Elizabeth kay JAcob. "Kayo, kayo ang hindi ko maintindihan, akala ko ba mahal niyo ko. kung mahal niyo ko hahayaan niyo kong lumigaya. at si Bobby lang ang makakapagbigay sakin non!" pagtatanggol ni Jacob kay Bobby sa mama niya. "Mahal kita, kaya nga ginagawa ko to para mapabuti ka. ako pa ngayon ang nakikita mong masama?" sagot ni Elizabeth. "Hindi ko sinabing masama kayo, ang akin lang sana maintindihan niyo kami ni Bobby." paliwanag ni Jacob. "NO..." Singit ni Bobby sa usapan nila Jacob. "Tama ang mama mo Jacob. siguro hindi nga ako ang para sayo. mas mabuti pa ngang umalis nalang ako." wika ni Bobby. "Hindi, wag ka nang umalis. dito ka lang." awat ni Jacob kay Bobby habang umiiyak. "Kaylangan mong mapabuti." lumakad si Bobby papunta sa kwarto nila. "Pa, ano bang ginagawa mo?" tanong ni Jacob kay Bobby habang umiiyak. "Aalis na lang ako dito para hindi na kayo magaway ng mama mo." nang makapagimpake si Bobby. "Tama yang ginagawa mo. Ayokong makita o malaman na nakikipagkita ka pa kay Jacob." napalingon si Bobby kay Elizabeth. "Opo tita. pinapangako ko po sa inyo." sagot ni Bobby habang tumutulo ang mga luha. "Bobby!!" sigaw ni Jacob. at dumeretso nalamang si Bobby palabas ng condo unit ni Jacob ng umiiyak.

Jacob's POV:

Sa nangyari ngayong umaga parang ayoko ng mabuhay gusto ko nang magpakamatay, "Well Jacob, how are you doing now?"- Mama. tanong sakin ni mama. "Ma!? ano bang mga pinagsasabi mo, nahihibang ka na ba? pinalayas mo yung taong nagpapaligaya sakin tapos itatanong mo sakin kung how am I doing. Bullshit!" hindi ko na alam kung anong meron kay mama. 'PAAK' isang malakas na sapal ang humampas sa pisngi ni Jacob. "Hindi ako makapaniwalang nanggagaling sayo yang mga salitang yan. After what I've done for you."-mama "Ako ang hindi makapaniwala sa inyo. Kaya niyong saktan ang anak niyo at ang taong mahal niya. sana hindi nalang ikaw ang naging ina ko. mas mabuti pa ang magulang ni Bobby natanggap kami." tinalikuran ko si mama at lumabas ako ng unit. "San ka pupunta ha? Pupuntahan mo yung baklang yon ha?"-mama "Oo pupunta ako sa baklang yun na kaya akong pasayahin na kayang gawin lahat ng hindi mo kayang gawin para sakin!" hindi ko alam kung ano tong mga lumalabas sa mga bibig ko, ngunit kaylangan kong ipagtanggol si Bobby at pupunta ako sa kanila upang pabalikin siya dito.

:End of POV

Sa kabilang banda nakarating na ng bahay nila si Bobby.

Bobby's POV:

Siguro mas maganda nadin tong ginawa ko (nagdoorbell) siguro mas maganda nading magkalayo kami ni Jacob. (Bumukas ang pinto.) "Oh Bobby anong ginagawa mo dito?"-Mama Nathalie. "Pumasok ka at parang uulan na." pag anyaya sakin ni mama papasok ng bahay. "Anong nangyari?" tanong sakin ni mama, di ko alam ang isasagot ko sa kaniya. "Wala ma." di ko alam pero nung sinabi ko yung mga salitang yun bigla nalang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata. "Wala ma, Wala ma, Wala... Wala ma" huhuhuh nilabas ko nalang ang sama ng loob ko sa pagiyak habang nakaupo sa sofa. tumabi sakin si mama at niyakap ako. "Shhhh. tigil na anak, ganyan talaga kaylangan mong masanay, misan sa pag-ibig hindi ka palagi masaya kaylangan mo ding masaktan para mapabuti ang isa saniyo." sa mga sinabi ni mama lalo akong napaiyak. hagulgul na ang iyak ko sa pagkakataong to kaylangan kong ilabas ang nararamdaman ko. nagkwento ako ng nangyari sa bahay nila jacob but hindi yung exact na nangyari.

*Dumating ang mama ni Jacob. nahuli niya kaming nagtatalo sa isang bagay at umiiyak na si Jacob ng makapasok siya ng bahay. nagtalo din kami ng mama ni Jacob.. at nagdesisyon nalang ako na maghiwalay kami ni Jacob.*

Tanghali ng tumunog ang door bell. bumaba ako ng kwarto upang buksan ang Pinto. Ngunit bago pa man dina ko maka baba ng hagdan ay nakita ko si mama na nasa pintuan na, tumingin siya sakin at sumenyas nalaman ako na wala. at maya maya pa ay sinara na niya ang pinto. sa pagharap niya ay parang tumamlay si mama. "Ma ano pong sabi ni Jacob." tanong ko sa kaniya. "Hinahanap ka niya. pero sabi ko wala ka, pumasok sa trabaho." ika ni mama sakin na para bang may gusto pa syang sabihin. "Ano pa po ma?" kinulit ko sya upang sabihin niya. "Bob, alam mo, Malakas ang ulan sa labas"-mama minsan din ko maintindihan tong mga sinasabi ni mama.

:End of POV

Jacob's POV:

Shet umulan pa, ano ba to bala na. Wala pa atang Taxi, ano ba naman bala na talaga maglalakad nalang ako papunta sa kanila. Kahit malayo kakayanin ko. Basta mapabalik ko lang si Bobby. (Nang makarating sa bahay nila Bobby). Tanghali na shet! Baka galit sakin si tita Nathalie sigurado ako kinwento na ni Bobby yung nangyari sa bahay. Tatanggapin ko nalang ang galit ni Tita sakin basta. kahit hindi na ko tanggapin ng mama ni Bobby makapagApologize manlang ako sa nagawa ni mama kay Bobby, (Pinindot ang doorbell.) ang lamig na grabe kinakabahan pa ko, (Bumukas ang pinto) "Oh Jacob anong ginagawa mo dito?"- Bati sakin ni Tita Nahtalie. "Uhhmm, Tita sorry po talaga di ko po sinasadya. ako na po ang humihingi ng pasyesya sa inyo at kay Bobby. sana po mapatawad niyo po ako. ako po kasi talaga ang may kasalanan." kaylangan ko talagang mag aplologize sobrang hiyang hiya na ko kay tita. "Okay lang yun sakin nu kaba. naiintindihan ko kung bakit."-Tita Nath, sobra talaga ang patience ni tita sobra pang bait. "Uhhhmm, Tita andiyan po ba si Bobby? gusto ko po sanang magsorry sa kaniya sa nangyari kanina." tumingin sa loob ng bahay si Tita Nath, "eh. anak dederetsyahin na kita ah, andito talaga siya sa loob ng bahay kaso ayaw niya muna kasing makipagusap. sorry ha." masakit man yung ginagawa ngayun sakin ni Bobby, "ah sige po tita marami pong salamat. "pumasok ka muna, antayin mo lang siya lumabas ng kwarto para makapagusap kayo."-Tita Nath "Uhhmm, punta nalang po ako dito sa ibang araw marami din po kasi akong gagawin. Salamat po ulit tita." hayaan ko muna siya, baka magalit din siya sakin kapag nagpumilit pa ko. wala narin naman akong babalikan sa bahay dito nalang muna ako sa labas ng bahay nila. bala nang magkasakit ako.

:End of POV

Nakaupo si Jacob sa may side walk habang nagpapaka basa sa ulan. inaantay niya na lumabas si Bobby sa bahay nila, ngunit hindi padin ito lumalabas.

Sa loob naman ng bahay. ay nasa kwarto si Bobby habang ang mama niya ay naghuhugas ng pinggan na pinagkainan nila.

Bobby's POV:

Bwuset naman kasi bakit kasi walang bintana dito sa kwarto ko di ko tuloy makita kung nasa labas pa ba si Jacob, kasi naman si mama minsan ang gulo kausap eh. nakaalis na kaya yun? baka nga nakauwi na yun eh. may payong kaya yun? sana naman meron minsan tanga tanga pa naman yun alam na ngan makulimlim hindi magdadala ng payong, madali pa naman yung magkasakit, wait lang lalabas na nga lang muna ako, teka baka kasi andun pa yun eh. (Bumaba) "Ma may payong ba tayo jan na malakilaki?" tanong ko kay mama "Oo andun sa may sala kuhain mo kulay blue yon!"-mama huh? maylagayan ba dun ng payong? bala na.

:End of POV

Sa Labas naman ng bahay nila Bobby ay nandoon padiin si Jacob, gayun din ang malaks na ulan.

Jacob's POV:

LAlabas p kaya si Bobby? siguro hinddi na talaga. ano ba naman to, nilalamig na ko, sige bala na, sa susunod nalang ako pupunta dito. sa hotel nalang muna ako matutulog, tsk oo nga pala wala akong dalang pera. tsk dun na nga lang kala Joseph kaibigan ko naman siya siguro pwede ako dun. kaso masungit kasi yung mama nun eh. kala Malet kaya, tsk masyado naman msuspetya mama nun. tsk bala na kahit saan nalang basta may matulugan lang ako. (tumayo at naglakad ng nakayuko). "Bat ka nag papabasa sa ulan." isang lalaki ang nagsalita sabandang kanan ko at pinapayungan ako di ko nalang ito pinansin at yumuko na lamang ako sa sobrang lungkot ko a dismaya sa nangyari.

:End of POV

Magkakaayos pa kaya sina Bobby at Jacob? san naman kaya matutulog si Jacob? Sino naman kaya ang lalaking nagpayong kay Jacob?

Untitled Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon