"Hello eowyn? Umiiyak kaba?" Naglalakad ako papuntang euphoric para kumain sana pero biglang tumawag si eowyn ang bestfriend ko.
Humihikbi siya sa kabilang linya. As usual problema na naman sa boyfriend niya yon.
"Magsalita ka nga! Para kang timang! Hikbi ka ng hikbi!" Singhal ko.
Naiinis talaga ako sa babaeng to. Napakatanga! Kahit bestfriend ko siya napakatanga talaga niya. Alam naman niyang niloloko na siya ng harap harapan ng boyfriend niya sige pa rin ng sige ang gaga! Ay nako kaya ayokong mag lovelife eh!
"B-beeesssssst? Kita tayo sa bar moo" humahagulgol sa iyak na sabi niya then she hung up.
'Bastos!'
Sumakay na ulit ako sa kotse papunta sa bar na pag mamay ari yeah mayaman ata ako no?🙄 "Grind Bar" ang pinangalan ko. Ilan taon nading nakatayo yon. Actually nag invest din si eowyn don ee. Sinimulan naming itayo yun nung nakagraduate na kame ng college dalawa.Nagkakilala lang kame nung 1st year college ako siya ang unang naging close friend ko boyfriend na niya noon si mark.. naging kpop fan ako dahil sa kanya
Kada magkakaroon ng concert dito ang mga kpop group hindi namin pinalagpas yon. Kasama din namin manood yung boyfriend niyang si mark dahil kpop fan din yon...
Nakarating nako sa tapat ng bar. 7pm palang ng gabi kaya konti palang ang tao. May guest kami ngayon na boy band sikat sila dito sa pilipinas. Hindi ko sila kilala at hindi ko pa sila nakikita. Yung assistant ko kase ang nagbayad sa kanila para daw marami kaming costumer..
Pumasok nako sa loob at binati ako ng mga staff ko.
"Good evening mam ella andun po si mam eowyn sa VIP room nagwawala ho" anang ng aking staff na si nayeon. Maganda si nayeon half korean siya at matagal na siyang nagtatrabaho dito.
"Ahh sige thank you. Ikaw na muna bahala dito" yun lang at dumiretso nako sa VIP room malapit sa stage ng bar.
Ng makapasok ako ay bumulaga saken ang nakahandusay sa sahig na si eowyn na nag iiyak habang hinahampas ng unan ang kanyang mukha.kaagad ko siyan nilapitan at kinuha ang unan
Booogsshh!!!
"Aray! Bakit mo ko pinalo ng unan?? Hindi kana naawa saken best" sigaw ni eowyn saken. Hinampas ko siya ng unan mukha siyang tanga.
"Di nalang nagpasalamat! Para di kana mahirapan! Ako na hahampas sayo best! Lalakasan ko pa kung gusto mo" inirapan ko siya at umupo na sa sofa . Sumunod naman siya.
"Oh anong nangyare?? Mukha kana namang naluge! Sabi ng kase ibr--"
"Break na kami ni mark . Nakipagbreak na siya saken kanina. Nakabuntis daw siya" seryosong sabi ni eowyn.
Bahagya akong nagulat at nagtatalon sa tuwa
"YEHEEEEEEEEEEEYYYY! FINALLY!!!!!!! " tuwang tuwang sigaw ko.
"Hoy! Ella! Bwiset ka talaga! Tuwang tuwa kapa diyan! Nakakainis ka!" Umiiyak na sabi niya.
Napatawa ako at nilapitan agad siya para yakapin.
"Best alam mo kaya ako natutuwa dahil wala ng mananakit sayo. Hindi kana iiyak dahil wala ng manloloko sayo.. hindi kana magpapakatanga best hindi na!" Natatawang sabi ko
"Bwiset ka talaga eh no! Best tulungan mokong mag move on ahh?" Niyakap niyako ng mahigpit at natawa
"Lage naman kitang tinutulungan! Matigas lang talaga ulo mo! Ano inuman tayo??" Tumango siya at nagtawanan kaming dalawa..
BINABASA MO ANG
Once Upon A Fan Night Stand
Teen Fiction"First story ko po ito so sana po maintindihan niyo🙄😊😂" Si eowyn ay may long time boyfriend na nagngangalang "mark" parehas silang kpop fan at niloko lang siya nito dahil nakabuntis ang kasintahan niya. At makikilala niya ang isang lalaking makak...