"Nak, gusto mo ba to?""Nak, may pasalubong ako sayo"
"Nak, mahal na mahal ka ni mommy"
"Nak, sabihin mo lang kung anong mga gusto mo. Ibibigay ni mommy, okay? Ayaw ni mommyng nagagalit ka"
"Nak, kamusta school mo? Wala naman bang problema? Kung magkaroon man, magsabi ka lang kay daddy , wag kang mahihiya"
"Nak, diba paborito mo to? Masarap to tiniran kita para lang sayo kasi alam kong masasarapan ka dyan kasi paborito mo yan."
"Nak, bakit malungkot ka?"
"Nak, bakit ang saya mo yata ngayon? May nagpapasaya ba sayo kaya ka ganyan kasaya?"
"Nak, pwede bang payakap?"
"I love you, anak"
I can't, this is too much, too much. Parati na lang ba? Kailan kaya magiging ako yung bida? Kailan nyo ko tatanungin ng mga ganyang bagay? Maghihintay pa ba ko ng matagal? Kailan? Manonood na lang ba ako palagi sa isang tabi habang sinasabi nyo yan sa paborito nyo? Naghihintay kung kailan nyo mapapansin at tatanungin? Bakit? Kailan?
BINABASA MO ANG
All I Wanted
ChickLitYung gustong gustong mabuhay, sila yung kinukuha. Bakit kapag yung gustong mawala, sila pa yung nagtatagal sa mundo? Bakit?