Eight years old..
Sa murang edad ko, hindi ko pa alam ang pasikot sikot sa lugar na hindi ko pa alam. Kaya malaking tanong sa akin kung nasaan na ako ngayon.
Hinahanap kaya ako nila mommy? Ng mga kapatid ko? Ni daddy? Sigurado ako alalang alala na sila mommy, dahil basta basta na lang ako bumitaw sa pagkakahakahawak nila sakin upang hindi ako mawala, at dahil sa dakilang makulit ako bumitaw ako kasi may nakita akong kanais nais sa mata ko, sinundan ko yun hanggang sa tuluyan kong napansin na wala na sa tabi ko yung mga magulang ko, na nawala na ako.
Iyak ako ng iyak nun hanggang sa may lumapit saking babae, tinanong ako kung bakit ako umiiyak? Ano daw bang pangalan ko? Nasaan yung mga magulang ko?
Umiling lang ako ng umiling habang umiiyak sa harap nya, natatakot. At parang naintindihan nya ang aksyong ginawa ko.
Pinatayo nya ako at pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pagtulo.
"Wag ka ng umiyak, hahanapin natin ang mama mo. Alam mo ba kung saan ka nakatira?"
Kahit sa musmos na edad na yon, naalala kong kapag umaalis kami ng bahay ay nay sinasabit ang aking daddy sa leeg ko na itinatago nya sa loob ng blouse ko.
Kinuha ko iyon at ipinakita sa ale.
"Ah, baby. Malapit ka lang pala dito. Halika na't hahatid kita sa bahay nyo."
Sa oras na yun, tumigil ako sa pagiyak dahil alam kong makikita ko na sila mommy. Alam ko ring hinahanap na ako ngayon.
Excited pa akong napatalon sa sinabi nya't niyakap s'ya. Pinayuko ko pa sya at hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Salamat po"
Ngumiti sya sa akin at niyakag na akong umalis.
Nakikita ko na ang bahay namin at excited kong itinuro sa ale yun. Inihinto naman nya ang sasakyan sa harap ng bahay namin.
"Sorry baby, hindi na kita maihahatid sa loob. Nagmamadali rin kasi si ate. Kaya mo na bang pumasok magisa?"
"Opo ate, maraming maraming salamat po sa tulong. Pwede ka po bang mayakap ka ulit?"
Tumango sya. Senyales na pumayag sya. Dali dali akong yumakap sa kanya at humiwalay. Binuksan nya para sakin ang pintuan ng sasakyan nya at inalalayan akong bumaba.
"Maraming salamat po ulit, ate." Ngumiti ako sa kanya at kumaway bago ko tuluyang binuksan ang gate ng bahay at pumasok.
Excited akong naglakad papasok ng bahay. Hindi muna ako gumawa ng ingay upang masurpresa ko sila sa aking pagdating.
Nakaranig ako ng ingay sa sala. Siguro nagpapanic na sila dahil sa kakahanap sakin.
Handa na ang aking ngiti upang magpakita sa kanila. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay nagkakagulo sila. Nagkakagulo.
Nagkakagulo hindi sa paghahanap sa akin, sa panic. Kundi dahil sa saya. Saya dahil sa hawak na sanggol ni mommy. Na pinagkakaguluhan ng tatlo kong mga kapatid. Na nilalaro nila daddy.
"Daddy? Mommy?" Tawag ko sa kanila. Gulat na napatingin silang lahat at sakin ngunut sandali lamang dahil napalitan ng ngit at saya ulit ang kanilang ekspresyon.
"Oh anika, san ka ba galing? Namamasyal lang tayo kanina, hawak hawak ka namin ng daddy mo ngunit bigla ka na lamang nawala. Pero nevermind that, tignan mo ang nakita namin, may bago na kayong kapatid." Sobrang saya ng pinapakita nyang muka sakin ngayon. Samahan pang lahat sila ay nakangiti sakin ngayon.
Nagtaka ako, kapatid? Panong nangyari yun? Tanda ko pang sabi sakin ni daddy noon ay kapag magkakaroon na ako ng kapatid ay lalaki muna ang tiyan ni mommy bago ko makita ang magiging kapatid ko.
Pero hindi naman lumaki ang tiyan ni mommy. Papaano nangyare.
"Aampunin na natin sya, hindi ba ang cute cute nya, anak?" Ngiti pa sa akin ni daddy.
"May bago na tayong kapatid, anika."
"Hindi na ikaw ang bunso."
12 years old..
" Mommy, may family day pong gaganapin sa school sa susunod na araw." Excited kong sabi pagkarating na pagkarating ko sa bahay. Nakita ko pang buhat nya ang kapatid ko na inampon nila mommy, na natutulog sa kandungan nya ngayon.
Ngunit ang hindi ko inaasahan ay sinamaan nya lamang ako ng tingin.
" Wala ka bang nakikitang bata ka? Nakita mong natutulog ang anak ko, hindi ba? Hindi ba pwedeng ipamamaya na lang iyan? Hala, kararating mo lang ay iyan agad ang bungad mo sa akin. Ang ingay ingay mo."
"P-po?
"Magpalit ka na doon ng damit. Huwag mo kaming istobohin dito, natutulog ang kapatid mo."
Natulala at napatango na lang ako kay mommy.
Tumalikod ako at naglakad na paitaas. Nasalubong ko pa si daddy at sinabi rin sa kanya na may pag ka excuted.
"Sa susunod na lang, anak. May sakit ang kapatid mo."
Nawala ang mga ngiti sa aking mga labi sa oras na yun. Nanubig ang mga ko't walang ng tigil sa pagpatak ang ang mga ito.
Nagpatuloy ako sa pagpunta sa kwarto. Nasalubong ko pa ang babaeng kapatid. Magsusumbong sana ako ngunit nilagpasan lamang ako nito. Hinayaan ko at naisipang sa lalaking kapatid na lamang magsumbong.
Ngunit pagdating ng kwarto nito ay wala ito. Ayaw ko namang makipagusap sa isa ko pang kapatid na babae dahil lagi na lamang akong inaaway nito.
Napagpasyahan kong sa loob na lang ng kwarto ko ibuhos ang mga luha ko.
'Wala ng susunod, daddy e.' Iyak ko pa.
BINABASA MO ANG
All I Wanted
ChickLitYung gustong gustong mabuhay, sila yung kinukuha. Bakit kapag yung gustong mawala, sila pa yung nagtatagal sa mundo? Bakit?