Mahal naaalala mo pa ba yung mga panahong
magkasama pa tayong dalawa
Yung mga akalang pinapasaya mo ako tuwing
pumapatak ang aking mga luha galing saking mga mata,
Kasi mahal kung hindi mo naaalala ,pwede bang
hayaan mo akong ipaalala sayo kung gaano ako
nasaktan nung nilisan mo ako ng walang paalam, at
pagbilang ko ng tatlo malaya kana
Una-unang luhang pumatak galing saking mga mata
nung ako'y ipinagpalit mo sa kanya
Pangalawa-pangalawang dahilan kung bakit ako nasasaktan,
nasasaktan dahil sabi mo pa nga mahal
Ayuko na pagod na ako hindi ko na kaya,suko na ako
Ikatlo-mahal pwede bang bago mo ako iwan tumingin ka
muna sa mga mata ko at saka mo sabihing ayaw mo na
Baka kasi ito na rin yung "Time" para sabihin ko sayong
"MALAYA KANA"
YOU ARE READING
Spoken Poetry #loveHurts BY:GBlue29
Poetrytungkol sa mga nagmahal,magmamahal at mamahalin na wala paring for-ever hanggang ngayon,,,basahin nyo nalang to promise makakarelate kayo at mararamdaman nyo talaga ang love kung paano ka magpaparaya para lang sumaya sya.......