Guy #1: Top 1-Where it all started

0 0 0
                                    


Feb 2019 - Where it all started

Dear Byul,

Hay byul. Nakakatawa dahil nagsusulat ak ngayon sayo. Ang totoo ilang beses ko pinagisipan kung isusulat ko ba to o hindi. Pero mukang isusulat ko nga.

Ganto kasi yan feel ko nagkakagusto na ako kay JV. DIbaaaaaa! Di ko na alam. Ako si Rhaine halos one year na akong walang crush. Okay na ako sa mga kpop kpop na yan lalo na kay Kim Taehyung tas biglang ganto.

Pano ba nagsimula? Hmm halos di ko na maalala. Ahh! Alam ko na tuesday yata yun or thursday. May test kami dun sa next subject namin at eto si ako nalimutan magdala ng folder. Kailangan daw kasi kapag wala, wala kading exam. At dahil ang school ko ay isang special heatlth science high school at may authority talaga ang prof dun ay syempre naghanap ako.

Una nagpaki ako nun kay Athena kasi nga may meeting sila nun for immersion(?) di ko na malala at kami ganun din. Nung papunta na ako sa room mga siguro 30 minutes before 1. Nakatanggap ako ng text galing kay athena. Sabi nya wala daw syang nabilhan kaya agad agad akong tumawag kay francis. Buti sumagot sya, sabi nya wala daw sya pero yung kaklase nya daw na si JV meron. Kaya ayun nagtanong ako kung pwede bang mahiram tas umoo naman sya kaso nasa wang daw sila. At dahil desperada ako HHAHAHAHAH naglakad takbo ako makapunta lang sa huilding na yon kahit malayo.

Kilala ko naman talaga si JV . I've known him dahil sa kaklase nya na si Aby dahil kasama ko sya mag duty dahil parehong kaming scholars. Sya nagsabi sakin na top 1 daw yun ng batch namin. Kaklase nya din si Francis na kaklase ko dati pa nung grade 11. We've known each other din dati pero yuyuko lang sya bilang pagbati. Just that yun lang.

Its funny na at that time na pinuntahan ko sya para mahiram yung folder may kakilala na ako na mayroong crush sa kanya, si phoebe. I was actually investigating about dun sa isa pang top 1 na kaklase ko dahil feel ko crush sya ni athena kahit may jowa sya. Nafefeel ko lang kasi lagi nyang sinasabi. And then nung araw na malaman ko na sinabi ni phoebe na "bi" daw si Roby is yung araw din na nalaman ko na crush nya pala si JV. At nakakatawa pa wala akong paki nun dun sa JV na yun dahil kahit magkakilala kami wala naman akong paki sa kanya.

Nakarating ako sa wang at inakyat yung third floor kung nasaan sila. I was deeply heaving dahil sa pagod ng nakita ko sila. I went to them at ngumiti. Nagpapaalam din ako na kung pwede hiramin umoo naman sya at binigay agad sa akin. At that time before ako umalis napatingin ako sa hawak nya it was a bible. And then I was astound. A guy holding a bible. Noong panahon na yun akala ko nag babible study sila kung saan natatawa ako dahil si iciss hindi naman ganon.

At that time I was only thankful sa kanya. Wala akong masyadong na feel except sa paghanga na he was a good guy. He was friendly, makadiyos, matalino and humble. And that was the first time in many times we've met I had interest in his being.

Road to the ONEWhere stories live. Discover now