My Silent Love

524 14 6
                                    

I hurried my way to Coffee Beans, ang coffee shop na tambayan ng barkada for four years already. Umuna na sila sa akin dahil pinatawag pa ako ni Dean Corpuz about sa standings ko at sa possibility ng pagiging Magna Cum Laude ko. Hindi na ako hinintay ng tatlong bugok kong kaibigan dahil mauubusan na daw sila ng mga college girls na dumadaan sa tapat ng coffee shop. Tsk. Mga chickboy nga naman.

"Naman, Jethro Yap! Akala namin bukas ka pa dadating. Madami ng mga college girls na taga- St. James at Lourderette ang dumaan." sabi sa akin ni Ibz pagkaupong pagkaupo ko.

Inabot ko ang cup ko ng cappucino. Apat na taon na naming gawing apat na mag-sight seeing at magpa-cute sa mga college girls na nadaan. Kaya nga naging favorite spot namin dito sa coffee shop itong labas. Oo, inaamin ko, nag-eenjoy din naman ako sa ginagawa naming pagsa-sight seeing. Nature na naman ng mga boys na mga-hunting ng girls, kaya lang hanggang sa patingin tingin lang ako. Magaganda naman nga sila pero kulang sa 'dating' eh..May something na kulang.. May mga girls na shy type at laganap naman ang mga flirt at on the go..

My last relationship was when we were in second year college. Si Mich, ang representative ng College of Fine Arts sa Miss University. We had a fun and good relationship until i found out that she's going out with a guy from the basketball team. I didn't confronted her like yung inaway ko siya. I just asked her kung anong ibig sabihin ng nabasa kong text nung guy sa cellphone niya. She said sorry and she can't lie to me anymore because i'm a good guy. Yeah, i think i'm a good guy dahil hindi naman ako nagalit sa kanya kahit sineryoso ko siya during our relationship. Kung sinabi niya lang ba naman agad sa akin na gusto niyang gawin ang 'act' na yun eh di sana pinagbigyan ko siya. It just that na iginalang ko lang naman kaya siya kaya hindi ako nag-initiate ng tungkol sa bagay na yun. I didn't grieved. Maybe she doesn't deserve my love. She's not worth it, obviously. After Mich, hindi na ako nanligaw ulit. Hindi dahil sa nadala ako kundi dahil sa gusto ko na yung sunod na baabeng mamahalin ko ay yung "the one" na. Gusto kong seryosohan.. Yung worth keeping for..

"Oh-lalala.. Dude, may anghel." siko sa akin ni Duke. Hindi ako sumagot dahil busy ako sa paglalaro ng Fruit Ninja sa cellphone ko.

"I think nasa heaven na tayo.." sabi naman ni Brent.

Napapailing na lang ako. Pagdating talaga sa mga girls, nagiging makata ang dila ng mag ugok na ito. They remained silent kaya napatingin ako sa kanila. They are all looking at one particular direction.. Sinundan ko ang tinitingnan nila..

Okay. Shock was understatement..Feeling ko nalaglag ang panga ko.. I was mesmerized by the beauty before our eyes.. May isang girl kasi na anglalakad papunta sa coffee shop. She's wearing a sun dress na bagay na bagay sa kanya. May nakasalpak ng earphones sa magkabilang tenga niya. Her left hand is gently stroking her hair dahil sa nadadala ito ng hangin while her other hand is handling a book which i read The Notebook by Nicholas Sparks nung mapalapit siya.

Pumasok na siya sa loob ng coffee shop. Doon ko lang napansin na nahigit ko pala ang paghinga ko. Can't blame myself. That girl is simply breathtaking.. I let out a sigh at saka ko na lang naalaala na naglalaro nga pala ako. I cursed when i sliced the bomb. Game over.

My Silent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon