#3 - The Romeo & Juliet Case

639 21 1
                                    

It was Sunday at 2 o'clock in the afternoon. Usually kapag ganitong wala akong magawa, nakapuwesto lang ako doon sa paborito kong spot, umiinom ng paborito kong inumin at nagbabasa ng paborito kong aklat. Nagpunta muna ako sa kusina upang kumuha ng milk tea sa fridge, saka naupo doon sa sofa. Lumagok muna ako ng milk tea, bago umpisahan ang pagbabasa. Kaya lang pagbuklat ko, may bagay na nalaglag mula doon sa librong hawak ko. Marahil nakaipit yun sa pagitan ng mga page ng librong ito. Dinampot ko sa sahig kung ano man yun.

Isang maliit na sobre. Ticket sa isang play. Ang walang kamatayang "Romeo & Juliet". Saan nanggaling 'to?

Mayamaya lang, biglang nag-ring yung phone ko doon sa aking kuwarto. Kaya nagpunta ako doon upang sagutin ang tawag.

"Unregistered number? Sino kaya to?" Then I press the answer key sa screen ng phone ko.

"Hello, Sig. Ikaw ba 'to?" Ang sabi nung nasa kabilang linya.

"Yumi? Napatawag ka. Ikaw ba yung nag-ipit ng ticket dun sa libro ko?"

"Wow, ang galing mo naman! Paano mo nalamang ako nga ito? Tsaka yung sa ticket paano nalaman na ako ang naglagay nun sa libro mo?"

"Madali lang naman makilala at matandaan ang boses mo. Isa pa mag-classmate tayo, member ka ng theater club, kaya hindi impusible na ikaw din ang nagbigay nitong ticket. So meaning, you're inviting me. And that's reason why you're calling me to make sure na makakapunta nga ako. Am I right?"

"Ang galing. Tama ka! Bilib na talaga ako sayo. Para kang dectective kung magsalita. Sorry kung ngayon ko lang nasabi kasi kahapon hindi kita nakau-..."

"Oo sige, don't worry pupunta ako. Nakakahiya naman kung hindi ko pauunlakan ang imbitasyon mo. Isa pa binigyan mo na nga ako ng ticket eh."

"Thanks talaga Sig ah? Ako yung gaganap na lead actress dun. Kaya gusto kong mapanood mo ko. Mamaya na yun 4PM aasahan kita."

"Welcome. See you later. Okay?"

"Sige, kita na lang tayo mamaya. Salamat ulit ah? Bye." At doon na natapos ang aming usapan.

Pagpatak ng 3:30PM nagpunta ako patungong University dahil doon gaganapin yung play.

Dumating ako sa Auditorium mga bandang 3:55PM kasi dumaan muna ako sa isang convenient store para bumili ng snacks. Mga mahigit isang oras din matatapos ang play kaya dapat lang na may naka-ready akong pagkain. Doon ako naupo sa may bandang unahan dahil pang-VIP yung binigay na ticket ni Yumi sakin. Ito kasi yung naka-reserved na seat para sakin na naka-indicate mismo dun sa ticket. Halos mapuno ang buong Auditorium. Narinig ko nga nung makailan lang usap-usapan ng mga estudyante ang play na'to. Sikat kasi yung lalaking gaganap bilang Romeo. Si Dylan Echavez, isang A.B. Fine Arts student, hearthrob dito sa University. Kaya siguro maraming dumalo sa play na'to dahil sa mga taga hanga nya. Kung ganon, sya pala yung makakapareha ni Yumi.

Mayamaya ay biglang humawi yung napakalaking pulang kurtina sa entablado. Iyon ang hudyat na mag-uumpisa na ang palabas.

Nung malapit na sa ending part, maraming naiyak sa eksena. Tragic ang ending ng kuwento. Mayamaya lang natapos na ang palabas, nagsilabasan ang lahat ng characters sa stage at sabay-sabay na nag-bow. Nagpalakpakaan naman ang mga audience.

Inabangan ko si Yumi na lumabas sa backstage para i-congratulate sya, dahil successful ang naging kinalabasan ng play.

"Hi Sig!" Kumaway sya sakin matapos nyang makita ako. Kaya nilapitan ko sya agad.

"Ano kamusta yung acting ko? Okay ba?"

"Best actress ka nga eh. Congratulations! Ang galing ng performance mo kanina. Nadala yung mga audience sa acting nyo."

Moriartea One-shot EntriesWhere stories live. Discover now