Almost

8 2 0
                                    

"Pano nya nagawa sakin to, Kobe? Huhuhu," basang basa na ng luha ang iyong mga mata.

"Sabi ko naman kasi sayo eh. Walang mabuting idudulot sayo 'yang si Mateo."

"Pero Kobe sabi nya... sabi nya di .. di nya ko sasaktan.."

"Sabi nya. Naniwala ka naman."

"Eh kasi.. kasi.."

"Ganyan lang ang mga yan. Akala mo kung sinong santo sa umpisa. Pag nakuha na loob mo, ayun, akala mo sinilihan ang pwet at palipat lipat na ng pugad."

"HAHAHAHA baliw"

"Natawa ka pa talaga ha", sabi ko sabay tawa din ng mahina.

"Kung magsalita ka kasi parang hindi ka lalake"

"Iba lang talaga ako sa kanila."

Tinignan kita nang bigla ka nalang tumahimik.

"Alam mo ikaw..."

"Oo na. Tanga na ako"

"Hayaan mo tutulungan kita."

Parang kailan lang nung pinapagaan ko pa ang loob mo dahil sa walang kwenta mong ex. Parang kailan lang ako ang sandigan mo sa tuwing hirap na hirap ka na.

"Huy wag ka na ngang malungkot. Ang pangit mo na nga nakasimangot ka pa."

"Sige, asarin mo pa ako."

"Shy, ang pangit kasing tignan na halos araw araw nakabusangot ka. Namimiss ko na tuloy yung bestfriend ko", malungkot kong wika.

"Namimiss ko narin yung dating ako."

"Hayaan mo, tutulungan kita."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon