[6] *With Him ^___^* Part 2 / *Jealousy*

240 5 0
                                    

Chapter 6 *With Him ^___^* Part 2 / *Jealousy*

[Alva’s POV]

“Alam mo ba…Alam mo ba na favorite place namin ang Park?” sabi ko kay Zian

Nakatingin lang ako sa mga taong nandito.

“B-bakit naman?” Zian

Tumingin ako sa kanya at ngumiti pagkatapos humarap ulit ako.

“Kasi sa Park kami palagi nag-pipicnic. Sa Park din unang nagkita si Mom and Dad. Kaya madalas kami pumunta ng Park.” Nakangiti kong sabi

Bumalot muli ang katahimikan sa aming dalawa.

S’ya na din ang bumasag sa katahimikan, “Hmm…A-alva. M-may t-tanong sana ako sa’yo.” Parang nag-aalinlangan pa s’ya

Lumingon ako sa kanya, “Ano?”

“A-asan ba y-yung p-parents mo?”

Nagulat ako sa tanong n’ya at napa-iwas ng tingin.

Unti-unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mata ko.

I bit my lower lip para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Buti naman at nakisama sila.

“P-patay n-na y’yung parents k-ko.” Nauutal na sabi ko

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napayuko s’ya at humarap na din sa harap.

“S-sorry.” Mahinang sabi n’ya

Ngumiti lang ako, “Okay lang.” at pagkatapos bumuntong hininga ako

Napatingin ako sa isang pamilya na masayang magkasama sa may bandang dulo ng Park.

Nagpapabili ng lobo yung batang babae sa daddy n’ya. Habang ang kapatid na lalaki nito at buhat-buhat naman ng mommy n’ya.

Binili naman s’ya ng daddy n’ya ng lobo at tuwang-tuwa na kinuha ito sa tindero. Pagkatapos binuhat na din s’ya ng daddy n’ya at naglibot na sila sa Park.

Napangiti ako ng mapait, kasabay noon ang pagpatak ng luha sa kaliwang mata ko.

**

“Daddy! Daddy! Look that balloon! Waaah! Isn’t it beautiful? Please buy me that balloon daddy? Please? Please?” nakapuppy-eyes na sabi ko

“Hahaha! You’re so cutee baby! Okay, daddy will buy you that balloon!” sabay pisil n’ya sa cheeks ko

“Yeheey!” nagtatatalon ako sa tuwa

**

“Hey! Alva, you okay?” nag-aalalang tanong ni Zian

Pinunasan ko yung basing pisngi ako at ngumiti ng pilit sa kanya.

“Oo naman ‘no! Bakit naman magiging hindi?!” siniyahan ko pa yung boses ko

Mukhang hindi pa din s’ya convince sa palusot ko. =_=

“Tara!” sabay hila n’ya sa kamay ko patayo

“Huh? Bakit?” nagtatakang tanong ko

“Tara! Kunin natin yung kotse ko! May pupuntahan tayo!” sabay hila sa’kin kaya wala na akong nagawa

**

@ Star City

“Kyaaaaaaaaaa! Zian! Ang ganda ditoooo!” tuwang-tuwa na sabi ko habang tinitignan yung paligid

He chuckled, “Hahaha! Sabi na nga magugustuhan mo dito! Dapat nga sa EK kaso malayo eh. Kaya dito na lang.”

Hindi ko na lang s’ya pinansin at tinignan na lang ang paligid.

My Girlfriend is A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon