Sorry talaga! (One-shot story)

79 5 3
                                    

Situation : Mahal na mahal ni babae si lalaki, simula dati ay mag kaibigan na sila. Pero one day came to their life and changed it all.

Si Migy -- ang lalaking tinutukoy.

Si Shey -- ang babaeing tinutukoy.

Pero si Shey ay nahulog kay Migy dahil na rin siguro sa sobrang tagal ng pag kakaibigan nila na mula bata pa ay mag bestfriend na sila at sa sobrang lapit nila sa isat isa.

End of the week, linggo.

Si Migy at si Shey ay mag kasama sa isang park.

Gawain na kasi nila yun eh.. yung tuwing end of the week lumalabas silang dalawa lang at pumupunta sa ibat ibang lugar. 

Bonding nilang dalawang mag kaibigan yun para may magawa silang dalawa.

"Migy, ang ganda ng panahon ngayon ano? Parang di uulan sa buong linggong to!" Sabi ni Shey kay Migy na may magandang feeling.

"Oo nga eh! Sana di nalang to mag tapos! Itong araw na to na mag kasama tayo!" Sagot ni Migy.

"Sana araw araw ganito nalang ang ating buhay, yung nakikita nating maganda ang langit, tahimik ang paligid, kahit na may mga tao, yung makikita sa mga batang nag lalaro ang bakas ng kaligayahan, yung nag k-kwentuhan tayo --" Hindi na pinatapos ni Migy si Shey at niyakap niya si Shey.

"Masyado ka nang madrama, Shey, naiintindihan ko naman eh, ganyan din ang nararamdaman ko, masaya lalo na pag kasama kita."

Pumunta sila kainan dun malapit sa dulo ng park.

"Wow! Ang ganda naman ng fountain dito! Ngayon ko lang nakita to!" Sabi ni Shey.

"Kaya nga dito ang pinili kong lugar na puntahan natineh at ngayon lang tayo nag punta rito eh ! Kaya ngayon mo lang makikita yan!" Pilosopong sagot ni Migy at tumawa silang dalawa.

Umorder na sila ng kanilang kakainin.

Dalawang order ng tid-dalawang mushroom soup, rice, porkchop at hotdog.

Bali tag isa sila, equal ang distribution, hating kapatid kung baga.

Nung medyo malapit na silang matapos sa pag kain.

"Migy, may gusto sana ako sabihin sayo, hindi ka sana magalit, hindi mo sana ako iwasan."

Sabay silang nag salita, as in sakto talaga ang kanilang sasabihin.

"Aay! Ikaw muna, ladies first eh!" Sabi ni Migy

"Hindi! Ikaw muna!" Sabi ni Shey

Ayun! Nag paulit ulit silang dalawa na hindi alam kung sino ang mauuna, nag tuturuan sila.

"Sige na nga! Ako na ang una! Ladies first naman eh." Pagkasabi ni Shey.

"Sige, tungkol at ano ba iyan?" Sagot ni Migy.

Tumayo si Shey. Bali tapos na silang kumain nun.

Hinila ni Shey si Migy papuntang tapat ng fountain at dun sila nag usap.

"Kasi ano ehh-- Ano kasi--" Hindi malamang, nag papanik si Shey kung ano ang sasabihin niya.

"Ano nga!?" Sabi ni Migy, na parang naiinip na siya.

"MAHAL KITA!" Sabi ni Shey na pasigaw.

"Ano? Ano sabi mo?" Sagot ni Migy.

"Mahal kita ! Binge ka ba? Mahal kita!" Unti unti siyang parang paiyak na, si Shey.

"Huh? Sorry--" Sabi ni Migy.

"Hindi! Sorry ako ang may pag kakamali, minahal kita kahit na mag kaibigan lang ang turing mo sa akin." Pumatak ang unang luha ni Shey, at nag sunod sunod na.

"Shey, sorry talaga! Sorry!" Sagot  ni Migy.

Dahan dahang umalis si Shey habang nakatakip ang kanyang mga mata ng kanyang mga kamay, unti unti na rin siyang bumebwelo para tumakbo at iwanan si Migy sa tapat ng fountain.

"Teka! Saan ka pupunta!?" Sabi ni Migy.

"Lalayo muna ako! Sorry Migy!" Sabi ni Shey habang pumapatak ang luha niya.

Hinabol ni Migy dahil tumakbo na siya, pag kasabi niya nun.

"Teka muna! Hindi naman ako galit ah! Hindi rin naman ako iiwas sayo ! Pero sorry talaga!" Sagot ni Migy habang hawak niya ang balikat ni Shey dahil nahabol na niya ito, hindi naman mabilis ang pag kakatakbo ni Shey.

"Para saan ba ang pag s-sorry mo? Ako ang may kasalanan! Ako ang nag mahal! Hindi ikaw! Kaya wag kang mag s-sorry!" Sabi ni Shey at inalis ang kamay niya.

"Sorry naman !! Sorry talaga!!" Patawang sinabi ni Migy at tumawa siya.

"Oh bakit ka tumatawa?" Napahinto si Shey sa pag lalakad. 

"Sorry talaga!! Kasi ....

MAS MAHAL KITA! SORRY MAS MAHAL KITA!!"

End of "Sorry talaga!"

 -- 

Ano sa tingin nyo ang sunod na nangyari? Comment your opinon =)

C'mon guys ! =D Wag kasi paasa masyado, mag tapat ng maaga para hindi umiiyak ang babae o lalaking nag tapat sayo! 

Payo ko lang ha ! =D 

Ito nga pala ang una kong one-shot story. Sana po ay nagustuhan ninyo. =)

Vote narin =)

Sorry talaga! (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon