Prologue

1 0 0
                                    


Galing akong school nang maabutan kong nagsisigawan sina Mama at Papa. Agad kong binitawan ang bag para awatin sila. Naririndi na ako at sobrang nasasaktan.

Hindi na umiimik si Mama habang galit na galit naman sa kanya si Papa. Dinuduro pa niya ito. Agad kong binaba ang kamay ni papa saka siya pinakalma pero tinabig niya lang ako.

"Gaano katagal mo na akong niloloko?!" Sigaw ni Papa. Sa paaran ng pagkasabi niya ito ay puno ng sakit at galit. Napalingon ako kay Mama na ngayo'y nakaiwas ng tingin sa akin.

"Sumagot ka! Gaano na kayo katagal ng lalaki mo!" Nilapitan ko si Mama at hinawakan siya sa braso. Niyugyog ko siya para tingnan ako diretso sa mga mata.

Parang sinaksak ang puso ko nang makitang wala itong emosyon. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa nagababadyang luha. Umiling ako sa kanya dahil hindi ako naniniwala sa mga naririnig ko kay Papa.

"Ma.. 'di ba h-hindi naman to-totoo 'yon?" Tanong ko habang marahan siyang niyuyugyog. Gusto ko pang magtanong pero pinipigilan ko dahil sa oras na magsalit ulit ako siguradong magccrack na ang boses ko.

Hindi siya sumasagot at parang binging walang naririnig dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang isa akong hibang.

"Ma..." tawag ko sa kanya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Gaano na katagal ha, Ellen?" Tanong muli na Papa.

Naririnig ko na ang mga chismis pero hindi ko ito pinaniniwalaan dahil kahit kailan ay hindi ko naman nakita si Mama na may kasamang ibang lalaki. Si Papa, hindi ko alam kung paano niya nalaman. Matagal din siyang nawala dito sa probinsya para magtrabaho sa Maynila. Nagulat na nga lang ako na nakauwi na pala siya. Wala kasi siyang pasabi.

Sinuntok ni Papa ang pinto ng kwarto ko. Napatakip na ako ng bibig dahil sa gulat. Maya maya lang ay narinig ko na ang mga hikbi niya. He's a strong man and seeing him in this state broke my heart. Nakakuyom ang isang kamao niya habang nakasandal ang noo niya sa brasong nakapatong sa pinto.

Binaling ko ang atensyon kay Mama, naghihintay ako ng reaksyon sa kanya pero nanatili siyang walang imik. Sa pinapakita niya parang totoo lahat ng paratang at ng mga naririnig ko mula sa kapitbahay.

May kabit nga talaga siya.

Aalis na sana ako sa eksena pero nanigas ako sa narinig ko mula kay Papa.

"Masakit malaman na ginawa mo akong lokohin para lang ulit sa kanya. Ilang taon kong pinatunayan sa'yo na kaya kong lampasan ang pagmamahal niya sa'yo pero hindi pa rin pala sapat... siya pa rin ang mahal mo." Naguguluhan ako.

"Nakaya mo akong bitawan agad dahil mas gusto mo siyang makasama. Handa kang sirain ang pamilya natin makasama lang ulit siya." Lumapit si Papa kay Mama at hinawakan ang mukha nito. Iniwas ni Mama ang mukha niya.

"Kahit ilang beses kong subukang hilain ka palayo sa kanya hindi ko magawa, kasi bumabalik ka pa rin talaga kung kanino ka noong una." Tuluyan na akong napaiyak nang magsimula nang lumuhod si Papa kay Mama. Idinikit niya ang noo sa talampakan ni Mama bago hinalikan ng matagal.

"Kahit siguro malampasan ko yung pagmamahal na inalay niya sa'yo hindi mo pa rin ako magagawang mahalin.." sabi niya sa pagitan ng mga iyakan namin.

Gusto ko nang umalis dahil hindi ko na kaya ang sakit pero gusto kong malaman ang lahat.

"Kasi hindi ako siya." Dugtong niya na nakapagpadurog sa puso ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crippled HeartWhere stories live. Discover now