Ulan

28 4 0
                                    


Nakatulala lamang ako habang nakamasid sa malakas na buhos ng ulan. Nag uwian na ang mga mag aaral pero andito ako na para may inaantay. Siguro nasanay ako noon na kasama siya pag umuwi at pag umuulan sabay kaming mag lalakad pauwi gamit ang iisang payong.

Bumalik ako sa wisyo ko ng may tumabi sa akin sa sinisilungan ko. Basang basa siya nag labas siya ng panyo at pinunasan ang basang bahagi ng braso niya at buhok niya. Iniwas ko ang tingin ko ang muling tumunganga.

"Grabe.. Bakit ngayon kapa umulan wala akong payong.. Tskk..." umurong lamang ako habang nag papagpag siya ng damit. Ganyan din yung linya niya noon . Ngumiti lamang ako ng mapait. Binalingan ko siyang muli at sumulyap naman siya sa akin.

Nanlaki ang mata ko siya nga , bakit ? bakit pa siya nag pakita ulit . Di pa ako nakakalimot sa pag iwan niya sa akin. Gusto ko siyang sumbatan pero nakasarado lamang ang bibig ko at ayaw bumuka. Nag hahalo halo na ang mga salita sa utak ko.

Umiwas nalang ako ng tingin at dinama ang puso ko. Malakas pa din ang tibok katulad ng dati. Walang nag bago gusto pa din kumawala sa dibdib ko.

"Sana di kana nag pakita.." tanging salitang lumabas sa bibig ko. Sa dinami dami nang gusto kong sabihin .

Di siya nag salita nakatulala din siya lalong lumakas ang buhos ng ulan. Katulad ng mga salitang gusto kong ibuhos sa kanya. Pero di katulad ng ulan napipigilan ko ito.

"Sana ... sana hinayaan mo nalang muna na makalimutan kita katulad ng pag kalimot mo sa akin." unti unti nang lumalabas ang mga salitang gusto nang lumabas. Kusa na silang lumalabas. "Para kasi akong tanga na nag aantay sayo na babalik ka.. babalikan mo ako kasi mahal mo ako. Pero di mo ako binalikan umalis ka lang na di nag sasabi , iniwan mo ako sa ere na parang tanga . Umaasa nang hahawak sa salitang mahal mo ako." naninikip na ang lalamunan ko.

Gustong gusto ko nang umiyak pero ayokong maging mahina . Sawa na ako maging mahina , maging tanga . Tulala lamang siya sa ulan. Siguro alam niya na ang nararamdaman ko.

"Gusto kitang suntukin , sipain at bugbugin alam mo ba yun. Para mabawasan yung nararamdaman ko. Pero kahit gawin ko yun mabigat pa din. Masakit pa din. Biruin mo dalawang taon pero dito parin yung sakit." sabi ko sabay turo sa dibdib ko habang pilit na tumatawa.

"Dalawang taon na ang lumipas pero tang*na ang sakit padin. Masaya kaba ? Nang iniwan mo ako? Masaya ka ba na saktan ako?" tanong ko pero sumulyap lamang siya at muling tumulala.

"Minahal naman kita.. Mahal na mahal kita noon.. Halos wala naman tayong problema. Ang saya nga natin noon diba." unti unting gumagaan ang nararamdaman ko.

Siguro dahil lumalabas na lahat ng hinanakit ko sa loob ng dalawang taon. Lalong lumakas din ang ulan habang gumagaan na ang bigat na dala ko.



"Naalala ko sabi mo walang makakapaghiwalay sa atin . Sabi mo pa hinding hindi mo ako sasaktan tapos sabi mo walang iwanan..." huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya . Umigting lamang ang panga niya. At least di nawala iyon sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko ng muling bumugso ang malakas na ulan. "Alam mo ano yung pinaka linya mo na naging tanga ako kasi ayun yung pinanghawakan ko.?" Yumuko lamang siya at ngumiti ako ng mapait. "Yung sinabi mo na hangang huli tayo at papakasalan mo ako. Lakas makatanga ng linya mo na yun. "

"Sa loob ng dalawang taon di pa din ako nakakahakbang pa sulong.. Andito pa din ako kung saan mo ako iniwan Chase.." sa wakas nabanggit ko nang muli ang pangalan niya na matagal ko nang iniiwasan. Matagal ko nang ayaw madinig.


"I'm sorry.." wika niya

Di ko alam kung iiyak ba ako o tatawa sa linyang binitawan niya. Tang*na sorry? Ayun na yun? Dalawang taon siya nawala sorry? Iniwan niya ako ng walang pasabi sorry? Hayup na buhay naman to oh..

"Ayun na yun? Dalawang taon Chase.. Sorry? Di mo man lang sasabihin kung bakit mo ako iniwan. Bakit di kana nag pakita dalawang taon na ang nakararaan? Sorry? Pagkatapos mo akong paasahin sa matatamis mong salita? Matapos kong ibigay lahat sayo? Sorry? Huh..? Sorry?" Humugot ako ng malalim na hininga ng sabihin ko iyon ng walang hintuan.

"Sumama ka sa akin.." Malamig niya sabi at kinuha ang payong na hawak ko at hinatak ako. Gantong ganto yung eksena namin ng una kaming magkita. Gusto kong pumalag pero ubos na ubos na ang lakas ng katawan ko.

Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan at pinapasok ako. Umikot siya at naupo sa Driver seat. Wala pa ding patid ang buhos ng ulan. Nakatingin lamang ako sa daan halos wala nang makita sa lakas ng ulan.

Huminto ang sasakyan niya wala akong makita sa lakas ng ulan. Lumabas siya ng di gumagamit ng payong bahagyang humina ang ulan. May kalakasan pero di katulad kanina. Pinag buksan niya ako basa na siya kasi walang payong hinila niya ako at tumakbo siya , habang hatak hatak ako sa kamay.



Parehas na kaming basa hawak niya pa din ang kamay ko huminto kami at yumuko siya kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Agad kong tinignan ang tinitignan niya. Halos manlamig ang buong katawan ko sa nakita ko. Parang inugat ang paa ko at di makatakbo palayo kahit gustong gusto ko.

"We will miss you"

"Chase Martin Aquino"

"1994 - 2018"



"You're Almira Garcia my Twin Brother girlfriend" wika ng katabi ko. Tumingin ako sa kanya may malungkot na ngiti siya sa labi. " Namatay siya sa sakit na bone cancer.." ngumiti siya muli habang tumitig akong muli sa lapida.



"Ikaw yung laging kinukwento ng kuya ko. Habang nag papagaling siya .." muli siyang ngumiti pero malungkot ang mata niya. "Sabi niya pag gumaling siya babalikan ka niya. Babalikan niya yung mahal niya. Sabi ko bakit mo pa siya iniwan.. Paano kung makahanap yun ng iba.. Kasi di mo naman sinabi kung bakit ka umalis. Kung ano yung dahilan mo."

Napaluhod ako at umiyak kasabay muli ng pagbuhos ng malakas na ulan. Permanente mo na pala akong iniwan. Masyado kang malihim.

"Sabi ko gusto kitang makilala pero ayaw niya.. Siguro di niya rin sinabi na may kambal siya.." wika niya na parang nasasaktan. "Loko kasi yan si kuya akala naman niya lahat aagawin ko." biro niya pero di siya natawa lalo lamang akong naiyak.

"Pag pasensyahan mo na ang kuya ko. Malihim yan. Nung sinasabi mong iniwan ka niya pumunta siya ng state para mag pagamot pero habang nag papagamot siya lalo siya humihina."

"Bakit ka nag lihim.. " Tanging nasabi ko nalang. Humina na ang ulan hinaplos ko ang lapida niya. "Sana nagsabi ka.. sana nagtiwala ka sa akin."

"Mahal na mahal ka ng kuya ko. Alam kong mahirap sayo to pero kayanin mo. Kasi sabi ni kuya sa inyong dalawa ikaw ang pinakamalakas sa lahat ng bagay. Siguro kaya tayo nagkita para dalhin kita sa kanya. Matagal na kitang hinahapa pero mailap ka, siguro tadhana na ang nag lapit or Baka si kuya na ang naging dahilan kung bakit tayo nag kita." ngumiti siya at hinawakan ang balikat ko.


Ang kaninang malakas na ulan ay naging ambon nalang. Bahagyang lumalabas ang araw .



"Siguro ito na yung way para sabihin niya na mag simula kana ulit. Na wag kanang mag antay sa kanya.. Ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ng kambal ko. Sana mapatawad mo siya."






"I'm Charles Matthew Aquino by the way.. Chase Martin twin brother.." wika niya.






"Mahal kita Chase ..  Hahakbang na ako pasulong pangako.. Tapos na ang kabanata natin tatanggapin ko na kung paano ito natapos.. Mahal na mahal kita.. Tuwing uulan ikaw ang maalala ko ang masasayang alala natin at ang pag mamahalan natin...."

UlanWhere stories live. Discover now