ENJOY READING!
Aleriah's POV
Nasa room na kami ngayon. Hinihintay namin yung English Teacher namin. Nakakabanas nga kasi ang tagal.
"Mads, pumunta ka na ba sa dance room?" Sky asked me.
"Nope. Hindi pa naman nagsasabi kung kailan pupunta dun eh." Sagot ko. Tumingin ako kay Alli. "Hoy babae, diba boss ka din sa dance troupe? Kailan daw ba pupunta sa dance room?" Tanong ko kay Alli.
"Mamaya ata."
Dumating na si ma'am kaya hindi na kami nakapag usap. Nakikinig ako kay ma'am nang biglang may sumipa sakin.
Kaya galit na tumingin ako kung sino yun at si Axel yun.
"Ano ba?!" Mahinang sigaw ko sa kanya.
Nginitian niya lang ako ng nakakaasar.
"Isa pa." Asar 'kong sabi.
At dahil masunurin siya sinipa niya pa ulit ako kaya hinablot ko na yung buhok niya.
"Hey, stop it! Pag uuntugin ko kayong dalawa dyan!" Galit na saway samin ni Sky. Nasa gitna kasi namin siya.
"Hoy ano ba masakit na ah." Sabi ni Axel kaya mas lalo 'kong hinigpitan yung hawak sa buhok niya.
"Aray ko!" Sigaw niya kaya napatingin samin si ma'am. Patay.
"YOU TWO! GET OUT OF MY CLASS!" Sigaw ni miss.
Tumayo ako at dinala ko yung bag ko.
Nang makalabas ako tinignan ko ng masama si Axel kasi nakasunod siya sakin.
"Ikaw kasi eh!" Sigaw ko sa kanya. Kainis!
Dumeretso ako sa garden ng school. Sinusundan pa rin ako ni Axel. Wala akong pake sa kanya.
Kinuha ko yung phone ko sa bag ko tapos nag patugtog ako ng Solo by Jennie.
Now playing: Solo by Jennie
Sinimulan ko nang sumayaw. Nakita ko sa peripheral vision ko si Axel na nakatingin lang sakin.
Tinuloy ko yung sayaw ko.
Dun na sa part na parang may pinupush ako.
Pagdating sa chorus nakita ko si Axel na napa nga-nga.
Axel's POV
Napa nga-nga ako sa pag sayaw ni Aleriah. Why so sexy? Ohgod.
"Dude, matunaw naman yan hahaha." Napatingin ako sa nagsabi nun. Si Nixon.
"Tss."
"Tara na. Punta na tayo sa room." Yaya niya sakin. "Maddi! Tara na sa room."
Naglakad naman kami tapos si Maddi nasa likod namin.
Aleriah's POV
Kakatapos lang ng 3rd subject namin kaya lunch na namin. Nakaupo na kami sa table habang yung iba naman umorder na.
Si Matt na ang bahalang mag order sakin.
Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog yun.
Mommy Calling...
"Yes, mommy?"
[Can you go home tomorrow? With Matt?] Tanong ni Mommy.
YOU ARE READING
She Looks So Perfect
Teen FictionHindi maganda ang simula namin. Para kaming aso't pusa. Pero one day, Nagustuhan ko nalang siya bigla. Simula nung magustuhan ko siya She looks so perfect para sakin. Magustuhan niya kaya ako? O may hahadlang samin na iba?