Still Them (HTSTBB Fanfic)

1.3K 15 1
                                    

Still Them (HTSTBB Fanfic)

How To Steal The Bad Boy? by Beeyotch

(c) September 7, 2014

Hi! So... super short lang naman 'to and first time ko gumawa ng fanfic so bear with me, please? May hangups pa rin kasi ako sa breakup ni Gabe at Kelly :( And! Bigla kong naisip ang some 'what ifs' hehe. What if hindi sumama si Kelly kay Theo sa SM Calamba? What if ganito at what if ganyan. Pero I know that 'what if' is just a paasa phrase. So, moving on! Eto yung napipicture ko na magiging scenario nila pag nag-shopping. Gabe and Kelly's shopping together 'dapat' before that heartbreaking moment. If you know what I mean. :)))

To Ate Eydee,

I'm not sure kung nakuha ko po ang ugali ng characters mo, especially si Kelly, for this fanfic. Sorry if I can't be that great like you hehe. Sana po basahin niyo pa rin. Enjoy!

--##--##--##--##--

[from Chapter 22: Half-baked Truth &

Chapter 23: The Hole That Sank The Ship]

<<Kelly's POV>>

Naglilista ako ng lahat ng kasalanan ko kay Gabe sa isip ko habang naglalakad. Kelly naman kasi, e! Pwede mo naman pigilan si Theo kanina pero hindi mo ginawa! Mababaliw na yata talaga ako nito! Ugh!

"Ay palaka!"

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang kotse ni Gabe.

"Babe!" he chirped.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kanya. Ngiti lang, Kelly. Ngumiti ka hanggang hindi ka pa nilalamon ng konsenya mo. Karmahin sana ako!

Lumabas si Gabe sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto. Gabe naman... bakit ba ang bait-bait mo? Lalo ko tuloy nararamdaman ang paglamon sa akin ng lupa. Sobrang makasalanan na ata ako.

"Hindi mo sinasagot yung tawag ko..." sabi niya.

"Sorry, busy sa group meeting," I lied. Pumasok na ko sa loob at inayos 'yung seatbelt ko.

"Kelzone naman!"

Nanlaki 'yung mata ko sa sudden outburst niya. Alam niya na kaya 'yung pagsama ko kay Theo kanina? Bumilis ang tibok ng puso ko. "A-anong problema?" tanong ko.

"Ako dapat nag-aayos ng seatbelt mo. You're my girl, remember?" nagpout siya.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Hindi na talaga ako magsisinungaling kay Gabe o sa kahit na sino. Nakakasunog ng kaluluwa! Hindi ko kinakaya!

"'Yun lang naman pala. Akala ko kung ano na!" I faked laugh.

He smiled and leaned closer. Pumikit ako at hinalikan niya ko sa noo. Wala pa kong ginagawa ang sakit-sakit na. Paano pa kaya mamaya?

"Babe, please open your eyes," binuksan ko ang mata ko. "Wag ka namang ganito... I might really kiss you this time, sige ka," he said.

"Ang manyak mo!" hinampas ko siya sa braso.

Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na kami sa SM Calamba. Pumasok kami sa katabi ng botique na pinuntahan namin ni Theo kanina. Buti na lang at hindi sa parehong botique. Ayoko nang madagdagan pa 'yung kargo de konsensya ko. Baka magtanong pa 'yung mga saleslady dun kung bakit iba na ang kasama ko...

Anong isasagot ko, 'di ba?

Ayoko ng magsinungaling. One lie is enough.

"Kahit ano namang suot mo bagay pa rin sayo." nag-wiggle siya ng eyebrow niya habang ngumingiti ng nakakaloko.

Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon