Mga Tanong

44 0 0
                                    

        Nangyari na ba sayo yung tipong feeling mo ikaw yung pinakapangit na lalake sa mundo? Yung tipong parang hangin ka lang na dumadaan kapag nasa harap ka ng mga magagandang nilalang na nakikilala mo? Ako? OO naman, sabi nila wala daw sa itsura yan nasa pag uugali lang daw yan. Ang sabi ko naman "hindi rin", dahil kung nasa ugali yan "bakit hanggang ngayon wala pa rin akong girlfriend"? Yung hirap kang makipag kompetensiya sa lahat ng mga nakakasalubong mo? Yung para bang lahat na lang ng gusto mo nawawala sayo? Yung nakayuko ka na lang lagi at ginagawang katatawanan ang sarili para lang kahit papaano eh mapasaya mo na lang sila?

        Sabi nila hindi daw talaga nakukuha ang pagmamahal sa itsura. Pero ang akin naman pano ka mapapansin ng taong gusto mo kung hindi ka gwapo? Tsaka ang hirap naman makipag kompetensiya sa atensiyon ng ibang tao pag wala kang mala anghel na itsura. Bakit ko nasabi ang lahat ng yan? At bakit tila may #HUGOT ang lahat ng sinasabi ko? Based from experience siyempre. Ikwekwento ko ang mga nangyari sa akin sa nakaraan.

Ito ang SIMULA ng MAHABANG KWENTO sa detalyadong pahina ng buhay ko.

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon