EPISODE ONE High School - 1st Crush

48 0 0
                                    

EPISODE ONE High School - 1st Crush - year 2003

        First day of high school 2nd year. Sabi nila high school daw ang pinakamemorable part ng pag dadalaga o pagbibinata. Nandiyan yung natuto ka magtipid ng pagkain para may maipang pusta sa counter strike pag uwi, o kaya natutong magtipid para may pang inom kayo bago umuwi. O kaya nandiyan din yung sabay sabay kayong nag 1,123 sa jeep para makatipid o kaya dahil malakas lang talaga kayo mangtrip, meron ding mangilan ngilan na malakas mang bully, kuha baon ng kaklase o kaya hingi pera sa kaklase bilang proteksiyon. Pero siyempre hindi rin mawawala yung ma love-love at first sight ka. Yun yung kahit anong tigas ng mukha mong mangbully lalambot naman yung leeg mo sa kakalingon sa tuwing dadaan siya. 

        Nag ring na yung bell at late na naman ako sa flag ceremony, and as usual tumatakbo ako ng mabilis papasok ng gate or else mayayari na naman ako sa terror naming guard/teacher. Mukhang mabibilad na naman na parang danggit sa init ng alas 9 sayang yung pabango at pulbo ko. Kung bakit kasi sobrang aga ng closing time ng gate ng school, 

        "pag ako naging principal ng school gagawin kong come any time you want ang gate pero mataas ang tuition, malamang maraming drop outs ang pupunta sa school ko para lang pumasok ng walang ginagawa hahaha!".

        Nagmamadali akong tumakbo malapit na ko umabot sa students entrance ng siyempre natanggal sapatos ko. Malay ko bang hindi pantay yung sementong tatakbuhan ko? Nakakahiya man aminin pero gumulong ako. Di ko kasi talaga napansin. Pero ok lang din dahil wala naman akong galos masyado bukod sa bugbog na tuhod kaya ika ika akong pumasok ng school. At Viola! instant excuse hehehe! "bakit ka late? injured po ako sir". So dahil sa matigas ang mukha ko at dahil sa masakit ang tuhod ko binagalan ko pa. Pero nakikita na ako sa malayo ng teacher ko. Sumisigaw siya sa malayo ng "bilisan mo babagal bagal ka idedetention kita mamaya!". Hahaha so binagalan ko pa. Pinagalitan na naman niya ako kahit injured ako. Mahaba na yung pila sa likod ko. Feeling ko badtrip na din sila sa akin.

        May paniniwala nga kami "bakit ka late? Kasi mabagal yung nasa harap"

Minsan kahit wala ng sense basta may masisi lang sa bulok na patakaran pwede na. Pero masaya kahit nagsisisihan kasi gusto din naman nila yung nararamdaman nilang adrenaline rush sa tuwing napapahamak kami. 

        So nakapasok na ako ng classroom. Siyempre gagangster gangster nasa backrow nakataas yung paa sa arm chair desk habang nagmamasid masid sa mga bagong classmates. Katabi ko lang yung bintana kasi presko dun mainit yung buga ng electric fan pag tanghali. Di ako nagpalagay sa aircon room kasi magastos tsaka ang daming rules tulad ng bawal ang mag ingay. Di pwede sa akin yun kasi maingay ako. Naalala ko tuloy, minsan walang teacher so yung sgt.at arms naglilista ng noisy, nailista niya yung pangalan ko ng lagpas 20 ang laki tuloy ng multa ko. Pero ok lang yun donation ko na yun pambili ng chalk.

        After Lunch time balik classroom na. MATH agad ang subject. Eto ang favorite kong subject kasi dito lang talaga ako nakakapagconcentrate matulog. Napasandal ako sa bintana as usual nagmumuni muni sa mga batang naglalaro sa elementary building. Iniisip ko na sana bata ulit ako walang problema at sugat lang sa tuhod ang masakit. Eto ang mahirap pag bagong kain tapos nakakaantok yung subject mabilis akong....

        Pagkagising ko 2 subjects na ang lumipas at kahit na present ako absent na ako sa attendance kasi nakatulog ako. Nilapitan ako ng Vice President ng class. Sabi niya "May meeting lahat ng officers mamaya punta ka sa library after class ah?. Nasabi ko na lang "ok ok". Nang medyo nasa tamang wisyo na ako bigla akong nagtaka? "Officers? bakit ako naging officer?".

        Nang bigla niya akong sinabihan na "inelect ka ng mga classmates natin and you got the majority of votes as class president so hindi ka pwedeng ma late"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon