HELL UNIVERSITY PART 2

13.2K 207 11
                                    

Last chapter

SUPREMO ACE P. O. V

Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. I want to hug her.

Nanatili siyang nakatayo at hindi gumagalaw. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang mukha dahil madilim.

Naglakad ako palapit sa kanya pero nang malapit na ako ay tumalikod sya naglakad palayo.

Sh*t!

Mabilis na hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Hindi ako nag-aksaya ng panahon para yakapin sya. Narinig ko ang mahinang paghikbi nya at pagpalo sa likod.

''I hate you! ''

Napangiti ako. ''I thought you love me? "

"I do, but I hate you now. "

Natawa ako at kumawala sa pagkakayakap. Hinawakan ko ang mga pisngi nyang basa ng luha at pinunasan yon gamit ang kamay ko.

"I am sorry".

Bakit?

Huminga ako ng malalim. "Natakot ako".

Ikaw? Matatakot? Sa pagkakaalam ko sa pusa ka lang takot.

Natawa ako. Hindi ko naman kasalanan na takot ako sa pusa.
Takot ako sa pusa pero mas takot ako na mawala ka.

Sinimangutan niya ako.

Iniwasan kita kasi natakot ako. Natakot ako sa ginawa mo.

Kumunot ang noo niya.

Hindi mo kailangang ilagay sa panganib ang buhay mo para iligtas ako.

Totoong natakot ako sa ginawa ni Zein. Ayokong mapahamak siya dahil sa akin.

So, ganon? Ikaw lang ang may karapatang magsakripisyo?

Natigilan ako nang hawakan niya ang mukha ko.

Handa akong mamatay para sayo.

Natigilan ako at pinigilan ngumiti kahit na sobrang kinikilig ako. Ganito naman ako eh, kaunting kilos lang nya ay kinikilig na ako.

Come on with me. Hinawakan ko ang kamay nya ngunit tinabig niya yon.

May kasalanan ka pa sa akin. Why did you kissed Angel?

Kumunot ang noo ko bago naalala ang nangyari noon. Masyado akong nasaktan, hindi ko alam kung buhay pa ako o patay na. Lasing ako at sakting nakita ko si Angel. Nagulat ako ng halikan nya ako ngunit di ko alam na nakita yon si Zein.

Ze--

Ok lang. Alam ko naman na ako lang ang mahal mo eh,at saka uhmm... Pantay lang tayi.

Magtatanong pa sana ako pero nauuna na siyang pumasok sa kotse

Anong ibigsabihin niyang pantay lang kami?

Kaninong kotse to? Tanong niya pagkapasok ko sa loob.

Sa Boyfriend mo.

Sandali itong natigilan na ikinatawa ko. Kahit na kailan may pag ka slow ka talaga. Binuksan ko ang radio at nag play ng passenger seat.

Pinagmasdan ko siya sa tabi ko. Napangiti ako sa sobrang saya dahil kasama ko pa rin sya hanggang ngayon.

I love you

Napatingin sya sa akin. I know

Tumawa ako. Hindi ba dapat ang sagot mo ay I Love you too?

Yes, I know

Napanguso ako. Kahit kailan napapilosopo mo talaga Zein

Tumawa siya ng mahina. Mahal na mahal din kita.

T*ng*na! Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig.

Isa pa nga.

Mahal na mahal kita, Ace Craige! Supremo nang buhay ko.

Nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi. Napangiti ako. Ipinarada ko ang kotse at sabay kaming bumaba.

Dagat?

Hinawakan Ko ang kamay niya at iginaya siyang papunta sa beach. Naupo kami sa pinong buhangin. Mas romantic sana kung nasaksihan namin ang paglubog ng araw pero gabi na. Di bale na  basta kasama ko sya, ok na ako..

Iniharap ko siya sa akin at tinitigan ang kanyang mukha. Kahit na habang -buhay ko ung titigan, hindk ako magsasawa.

Mula ngayon, hindi kana lalayo sa kin. Wala na tayo sa Hell University, nasa labas na tayo. Mas maramimg lalaki dito.

Tumawa si Zein pero seryoso ako.

Tandaan mo supremo walang bloody night dito makukulong ka.

I dont care. Makakapatay ako kapag may lumapit sayong lalaki. Hindi ako nagbibiro. Sersyo kong wika.

Ngumiti si Zein. Oo na. Kahit naman lumapit sila ikaw lang naman eh. Ikaw at ikaw parin. Maliban nalang kung ikaw na mismo ang mag taboy sa akin.

That will never happen. Hinawakan ko ang kamay niya. Ako lang, Zein. You are not allowed to love another man. Hinawakan ko ang pisngi nya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Darling, you cant do anything about it. Wika ko bago pinaglapit ang ang aming mga labi. Napapikit ako sa sobrang saya.

Hindi ko inakalang magmamahal ako ng ganito. Hindi ko inakalang sa lugar na yon ko matatagpuan ang babaeng pagaalayan ko ng buhay. Sa lugar na kung tawagin HELL UNIVERSITY 

THE END

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HELL UNIVERSITY Part 2Where stories live. Discover now