Pangalawang Tula

26 1 0
                                    

CRUSH

Limang letra, isang salita
Mga letrang nakakasakit sa iba
Mga letrang mahirap bigkasin
Ng puso kong nagpapapansin

Kapag dumadaan siya
Hindi ko alam ang aking ginagawa
Kapag nandiyan siya
Puso ko'y lumulundag sa tuwa

Crush kita, alam mo ba?
Crush kita, ako'y crush mo din ba?
Crush kita, may pag-asa ba?
Crush kita o mahal na talaga?

Hindi mo ako pansin
Dahil siguro ayaw mo akong pansinin
Mga tingin mo sa akin
Na nakakagulo ng damdamin

Huwag kang magalala
Crush lang naman kita
Wala nang iba
Kung magiba man, delikado na

Ayaw kong mafall sayo
Dahil walang patutunguhan to
Kaya't sisikapin ko
Na hindi lalalim ang nararamdaman ko

Crush papansin ka kasi
Tingin ka ng tingin ih
Assuming pa naman ako
Lalo na kapag tungkol sayo

Pero kahit na ganun ka
Crush pa rin kita
Dahil ikaw ang inspirasyon ko
Inspirasyon ng puso ko.

Tula para sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon