Sa loob ng labing limang taon na nabubuhay ako isinarado ko ang aking puso sa kahit na sinong lalaki.
Isa lang naman ang dahilan, ayokong masaktan.
Pero ganun pala talaga iyon no?
Kahit na ayaw mo, kusa siyang dadalhin ng tadhana sa iyo.
Normal naman dati ang lahat, masaya ako, masaya siya. Nag-uusap kami na parang normal na magkakilala. Simple lang naman dati.
DATI
bago niya sinabi na na gusto niya ako.
Namalayan ko na lang na nagbago na ang lahat.
Naging iba na.
Nung time na iyon, syempre I was surprised and at the same time, happy. Kasi gusto ko rin naman siya.
"gusto kita" yun ang sabi niya.
Nung time na iyon gusto kong tumawa na ewan. Ayokong siyang seryosohin dahil hindi naman ako maganda para magustuhan ako ng napakagwapong katulad niya na nag-uumapaw ang sex appeal.
tinititigan ko lang siya
"gusto rin naman kita" bigla kong nasabi, anu ba yang bibig ko nakakahiya!
"seryoso ako" sabi pa niya
"seryoso rin naman ako"
"maraming babaeng magaganda pero ewan ko kung bakit ikaw, liligawan kita" sabi niya
dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sinubukan ko na lang na mag-joke para naman mawala ang awkwardness na nararamdaman ko.
"akina ang flowers at chocolate, haha" pabiro kong sabi
After ko na masabi iyon, bigla na lang pumasok young isang teacher namin sa classroom.
Biglang tumahimik ang lahat
"malalaki na kayo kaya alam ko na kaya na ninyong disiplinahin ang mga sarili ninyo, hintayin niyo na lang ang teacher nyo para sa next subject niyo, okay?" mahinahong sabi ni ma'am
"yes ma'am" sagot naming
ang bait talaga ni ma'am
paglingon ko sa tabi ko, wala na siya
nananaginip lang ba ako?
hinanap ko siya at nakita ko siyang nakikipag-usap sa ibang classmate namin
nag-aassume lang ba ako at nag-hahallucinate?
"kinikilig ako, alam mo bang ngayon ko lang siya nakitang nagseryoso?" sabi ni Diana, yung nasa likuran ko.
Ngumiti lang ako sa kanya. So, ibig sabihin nangyari nga yung kanina, hindi ako naghahallucinate lang.
Aaminin ko na kinikilig ako pero at the same time nalilito ako. Iniisip ko kung seryoso ba talaga siya.
"Alex, okay ka lang ba? Natulala ka na diyan eh"tanong ni Diana.
"ha?"
nagulat pa ako
"sabi ko okay ka lang ba?"
"ah, oo may iniisip lang ako" sabi ko
Naging palaisipan sa akin ang sinabi niya. Yun na lang ang laging tumatakbo sa sa isip ko.
Hindi na kami nag-uusap pagkatapos nun.
Kinagabihan, hindi ako makatulog, ewan ko kung bakit maya't maya ay naiisip ko siya.
Nalilito na talaga ako.
Hinayaan ko na lang na sakupin ako ng mga alalahanin ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan, dala ko pa rin ang pag-aalinlangan.
Ayoko ng ganito.
Pakiramdam ko ang komplikado na ng lahat.
Anyway, naging normal na uli ang lahat sa buhay ko.
Minsan napapasulyap ako sa kanya at ang minsang iyon ay napapadalas na.
I honestly like him from the very first time I laid my eyes on him.
Una ko siyang nakita nung interview, naalala ko pa na nauna siya sa akin sa pila.
Siya, yung kasunod niya tapos ako.
Nakakatawang isipin na hinabol ko pa siya ng tingin ng lumabas siya ng kwartong iyon.
Pagkatapos ng interview ko hinanap ko siya ng tingin pero wala na siya.
Back to present
Hindi niya ako kinakausap at hindi ko rin siya kinakausap.
Did I offend him sa last na sinabi ko? I'm just kidding.
Noon hindi naman talaga kami ganun ka close pero nag-uusap kami, pero ngayon hindi na.
Sa bawat araw na lumilipas lagi ko na lang siyang hinahanap hanap.
At naiinis na ako sa sarili ko, kasi kahit parati ko siyang sinusulyapan, alam ko sa sarili ko na hindi niya ako hahanapin katulad ng paghahanap ko sa kanya.
Nasasaktan na ako.
Ngayon ko lang naramdaman ang sakit na ito. Alam kong kasalanan ko dahil umasa ako.
Nagising na lang kasi ako isang araw na hulog na hulog na ako sa kanya.
Oo, kasalanan ko na. Pero masaya pa rin ako na naramdaman ko ito.
Siguro balang araw, magiging kami rin o kaya naman ay hindi.
Kung ano man ang mangyayari sa hinaharap tatanggapin ko na lang ng buong puso.
The End
a/n: thank you po sa pagbabasa ng story na ito. thank you po talaga. Sana po I support niyo rin po yung iba kong stories:D thank you for reading my stories :D God Bless po:D