TNPDA 12

19 0 0
                                    

"Tik tak tik tak"

Tinig ng Urasan At Mga luhang pamupatak
Natulala't umiiyak
Sapagkat ang puso koy biak na biak

Mga alaala nating magkasama
Mga luha't ngiti na binahagi sa isa't isa
Hindi makapaniwalang lahat ng iyon ay Wala na
Di kayang tanggapin ang katotohanang nakikita ng mga mata

Sa bilis na nahulog ang aking damdamin
Ay ganoon din kabilis ang pagtatapos ng  pagmamahalan natin.
'Di alam kung paano  sasabihin,
'Di na kayang ilihim,
Gusto ng Aminin;
"Ika'y mahal parin"

Habang lumilipas ang panahon
Dala-dala parin hanggang ngayon
Ang mga Alaala natin noon
Na 'di alam kung bakit di ko kayang Pakawalan ang lahat na 'yon

Ngunit pipilitin parin ang sarili
Ika'y lumitin at huwag ng magsisi
Kahit di alam kung ano ang mali
At Dahilan kung bakit biglang napawi

Unti-unting binitawan ang iyong kamay
Sabay sabing Paalam
Ngayo'y ako ay nalulumbay
Iniisip parin iyong pangalan

Sa pagtalikod ko'y biglang tumulo ang Ulan
Akin itong pinunasan
Upang Hindi mo makitang ako ay nasasaktan
Kahit masakit ay sa ngiti at tawa ko to idinaan

Dahil sa iyong pagsuko
Ang puso ko'y durog at bigo
Ika'y aking hinayaan
Tumalikod ka na rin at lumisan
Habang ika'y pinagmamasadan
Ibang lungkot at sakit ang naramdaman

Ako nalang ang bibitaw
Kahit mahirap ay nagawa kong limutin ang dating "Ako at ikaw'
Kakayanin ko nang mag isa
Ngunit gustu parin kitang makasama
Kahit kaibigan lang sana〽

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULA NI PINK DEMON ANGEL (1)Where stories live. Discover now