PROLOGUE

56 0 0
                                    

PROLOGUE

"Where do you think you're going?"

Hindi ko sya pinansin sa tanong nya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"I'm talking to you, woman!" sigaw nya sa akin sabay hablot ng braso ko paharap sa kanya

Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha nya. Seryoso. Galit. Pagsisisi. At hinanakit?

Kung seryoso siya, mas seryoso ako. Kung galit siya, mas galit ako. At kung may dapat mang magsisi dito, ako yun at hindi siya.

"Diba ito naman ang gusto mo!?" sigaw ko din sa kanya

Tinignan nya lang ako na para bang may gusto syang sabihin.

"You want me out of your life? Then, I'm leaving. You want me to be miserable, right?" pagpapatuloy ko kasabay ng pagpatak ng luha ko, "To tell you honestly, you won. You succeeded. So, please...let me go."

Hinila ko ang braso ko na hawak pa rin nya at tumalikod na paalis ng bahay na ito. Ang bahay na naging saksi sa mga pagpapakatanga ko.

Nakalabas na ako pero patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.

Pumara ako ng sasakyan. Liningon ko ang aming bahay at nagpunas ng luha bago tuluyang sumakay at iwan ang lalaking naging parte ng aking buhay.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon