Prologue

179 5 5
                                    

We were always a happy family... but that was just before.

Me--Alliah Dela Santos, Kuya--Andrei Dela Santos, Mama--Crissa Dela Santos and Papa--Sonny Dela Santos are always happy when we're together.

Dapat laging gan'to, masaya.

Kahit nga sa school lagi akong binubully ng mga classmates ko kasi nga daw happy family kami, at sila daw, hindi. Naiinggit sila sa akin in short. Pero syempre, andyan si Kuya Andrei at lagi akong handang iligtas sa mga nambubully sa akin.

Kuya Andrei and I were twins. Pero hindi kami magkamukha. Sabay lang kaming pinanganak. Kuya ang tawag ko sakanya dahil sabi nila Mama, siya daw ang unang lumabas sa aming dalawa. So I got used to it.

We are only in grade 6. Pero masasabi mong chic magnet talaga si Kuya. Bakit? Tinitilian yang pilyo kong kapatid! Hindi ko nga alam kung bakit eh. Tignan mo, idedescribe ko siya. Tahimik, cold, medyo mayabang, seyoso, laging malalim ang iniisip, minsan lang tumawa, pero! Mabait na kapatid! Sakin lang naman mabait yan eh. Sa mga nanliligaw sa kanya, masungit siya. Oo babae ang nanliligaw sa kanya. Modern na ang mundo ngayon eh.

Ako? Simple, laging nang-aaway kay Kuya, nangungulit, matampuhin at childish person. We are totally different, pero kambal kami. Galing no?

"Liah, pack your things." Sabi ni Mama sa akin. Nandito kami ni Kuya ngayon sa kwarto ko, gumagawa kasi kami ng assignment. Pero nabigla kami ni Kuya sa sinabi ni Mama kaya napatingin kami sa kanya.

"Bakit Ma?" Tanong ni Kuya sa kanya. Mukhang kinakabahan ako dito ah. Anong meron?

"Basta. Liah, sundin mo si Mama. Mag-impake ka na." Sabi ni Mama habang nilalagay sa kama ko ang nga damit na kinuha niya mula sa drawer ko. Kaya sumunod na lang ako sa kanya at pumunta na sa CR para kunin yung toothbrush ko.

"Ma ako rin po ba?" Tanong ni Kuya. Kahit na sa CR ako, rinig ko parin ang paguusap nilang dalawa.

"*Sigh* Anak, ikaw ang mas matanda sa kapatid mo. Kaya... kaya siya ang pinili ko at hindi ikaw." Sabi ni Mama sa tahimik at seryosong tono. Hininaan niya siguro dahil para hindi ko marinig, pero naririnig ko pa din.

"Ma, a-anong pinili? Anong ibig mong sabihin?" Halata sa tono ng boses ni Kuya na kinakabahan siya.

"Mag-maghihiwalay kami ng Papa mo. A-at humantong sa hatian ng anak. Pero anak, believe me, kung pwede lang sana kayong dalawa ang piliin ko ginawa ko na. Pero hindi pwede anak. Pag-ginawa ko yun, hindi ko na makukuha at makikita ang kahit isa sa inyo. Ana--"

"Ma what kind of words is that? Anak niyo kaming dalawa ah! Bakit kailangan pang pumili? Ma ayusin niyo ni Papa yan. Hindi pwede yan." Naramdaman ko nalang na tumulo ang luha sa mga mata ko. Ayokong mahiwalay kay Kuya. Ayoko.

Lalabas na sana ako ng marinig ko ang ni-minsan ay hindi ko pa narinig na ginawa ni Kuya.... ang sumigaw.

"Anak babalikan kita promise. Uunahin ko muna si Alli--"

"MA! Ayusin niyo yan! Hindi kami pwedeng maghiwalay ni Alliah! Never!" Sabi ni Kuya. Pero bakit parang papalakas ata ang sigaw niya? Papalapit ba siya dito sa banyo?

*SLAAMM!!*

"Alliah, Alliah halika sa kwarto ko at duon tayo gagawa ng assignments natin ha? Yu-yung mga narinig mo, wala yun." Pagkalma sa akin ni kuya. Pinunasan niya rin ang mga kuha sa mata ko. Pero imbis na tumayo at sumunod ako sa kanya, hinawakan ko lang ng mahigpit ang palad niya.

"Ku-kuya.. A-ayokong magkahiwalay ta-tayo." Sabi ko sakanya at nagsimula nanaman ang pag bagsak ng mga luha ko.

"No Alliah. Hinding-hindi tayo magkakahiwalay ah? Halika na." At lumakad na kami ni Kuya papalabas ng CR.

Pagkalabas namin ng CR, nakita namin si Mama na tapos ng ayusin ang maleta ko.

"Alliah, halika na. Aalis na tayo." Sabi ni Mama na hindi tumitingin sa amin ni Kuya.

"Ma sabi ko naman sa'yo na walang aalis, walang hatian na magaganap at walang maghihiwalay." Sabi ni Kuya sa kanya. Nagsasalitan lang ako ng tingin sa kanila dahil alam kong hindi na dapat ako makielam sa usapan nila.

"Andrei, sorry pero kailangan ko to."

"Ma, simpleng misunderstanding lang yang away niyo ni Papa. Ayusin niyo lang yan tapos, tapos na! Wala ng maghihiwalay!" Sabi ni Kuya Andrei. Lalabas na sana kami ng kwarto ng hatakin ako ni Mama papunta sa kanya. Napalakas ang paghatak sa akin ni Mama kaya napabitiw ako sa kamay ni kuya.

"Ku-Kuya.." malakas ang paghawak sa akin ni mama kaya hindi ko na magawa pang lumapit kay Kuya. Bigla kaming lumabas ni Mama sa kwarto at dumeretso sa labas. Nakita ko si Papa sa sala at galit na galit ang hitsura. Halata ngang nag away sila ni Mama. Eto ang unang beses na nakita ko silang nag -away kaya natatakot ako.

"ALLIAH!" Sabi ni Kuya habang tumatakbo siya at sinusundan kami ni Mama. Papasok na kami sa kotse nung nilingon ko si Kuya. Nakita kong pinipigilan siya ni Papa na tumakbo dahil hawak-hawak siya nito. "PA, BITIWAN MO AKO! PA ANAK MO RIN SI LIAH!"

"Anak tama na." Kalmadong sabi ni Papa at dahilan ng pagkagalit ko. Kalmado lang siya? Hindi manlang niya ako sinundan? Pinigilan? Napaka walang-hiya niya! Siguro nga tama lang na kay Mama ako sumama. Pero dapat kasama rin si Kuya.

Sinubukan kong buksan ang pintuan ng kotse para sana puntahan at patigilin sa pag-iyak si Kuya pero..pero naka lock.

"Ma! Ma paki-bukas po nung pinto! Pupuntahan ko lang si kuya please!" Pagmamakaawa ko sa Mama kong nag si-seat belt na. Pinipilit ko padin buksan yung handle ng pinto kahit alam kong naka lock dahil nagbabasakali akong bubuksan pa ni Mama pero hindi niya talaga binuksan. "MA!"

"Sorry nak" sabi niya at pina andar na ang kotse. Napatingin naman ako kaagad kay Kuya sa labas. Napaiyak nalang ako sa nakita ko. Hinahabol niya ang kotse namin ni Mama. Tumatakbo siya at pinipilit habulin ang kotse. Halatang-halatang umiiyak siya.

"KUYA!!!" Alam kong hindi niya ako naririning dahil naka sara ang bintana pero alam ko din naman na nakikita niya ang sinasabi ng bibig ko.

Nakikita kong sinisigaw niya ang pangalan kong "ALLIAH!!! ALLIAH!!" Kahit paulit-ulit na siyang nadapa, sigaw takbo parin ang ginagawa niya.

Napadulas ko nalang ang palad ko sa bintana habang sinasabi ang kanyang pangalan...

"Lalabyuyu at paalam,  Kuya Andrei."

--------------------------

Hey! Wazzup men? Kamusta ang prologue? Tutuloy ko pa ba? Comment mo below ":))

Be a fan :)

_iPink

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon