1

72 2 0
                                    

"Anak, pasensya ka na talaga ah. Ito lang kasi ang nakayanan kong bilhin sa budget na'tin eh. Hayaan mo, kapag nakaipon ako ng malaki-laking pera, bibilhan kita ng masarap na ulam," sabi ng pinaka-mamahal kong Mama sa buong universe.

"Ano ka ba Ma. Hindi ko kailangan ng masarap na ulam," lumapit ako sa likod niya at niyakap siya patalikod, "Bh0xxs mApAgmahAl b3nt3 siet3, ikAw lUnh saqAht nAh!" at sabay kaming tumawa ni Mama sa kalokohan ko.

"Ano? Jejemon ka nanaman?" sabi ni Mama habang tumatawa, "Naku anak, tigil-tigilan mo nga ako sa kalokohan mo ah. "

"Eh kasi Ma ang drama ng get-up mo eh. Di bagay sa aura ko. Wer tutali diperent," sabi ko ng natatawa-tawa pa.

Tumawa nanaman tuloy ng pagka-lakas-lakas si Mama.

"Ano ba anak, mukha na tuloy akong buang. Seryoso at tawa ang drama ko eh."

"Ay nako Ma, in-born na 'yan." sabi ko habang kinukuha yung mga gagamitin ko para sa pag-aapply ng trabaho. "Pag-uwi ko nalang po ako kakain Ma ah? Baka di na ako maka-hanap ng maayos-ayos na trabaho nito eh."

"O siya sige na. Umalis ka na't pag-igihan mo ang paghahanap ng trabaho ha? Good luck at ingat anak!"

"Opo Mama. Lalabyuyu Ma!"

"Lalabyuyu too!"

------------

"Manang pwede po ba magtanong?" tanong ko sa isang matandang babaeng kalalabas lang ng isang malaking bahay.

"Ano yun?"

"Ah.. Saan po ba mag-aapply ng maid dyan sa nakapaskil sa labas ng bahay nyo?" tinuro ko yung papel na may nakalagay na, Wanted: Maid. Lumingon naman si Manang sa direksyon na pinag-turuan ko at nag salita.

"Hindi pa pala natatanggal ni Roba 'yan? Naku hija pasensya ka na ah? May nakuha na kasi kahapon pa, nahuli ka na. Naku sayang, mukhang masipag ka pa naman." sabi ni Manang sa akin habang nilalapitan yung nakapaskil at tinanggal.

"Ay ganun po ba? Sige ho, salamat."

And the tiring day will start again.

-----------

"Ahm, Ms., san po ba mag i-inquire para dyan sa trabahong 'yan? Gusto ko po sanang mag-apply.." Tanong ko sa babaeng kalalabas lang ng isang pet shop.

"Do I look like a sales lady or someone who were working in this pet shop? FYI 'beggar' I AM A CUSTOMER. So if you wouldn't mind, I have to go. Excuse me." At tuloy-tuloy na siyang nag-lakad papalayo sa akin.

Sa tingin nya ba hindi ako marunong umintindi ng English? Sinabihan nya pa ako ng beggar. Akala nya ba hindi masakit 'yun? Masakit din 'yun para sa akin dahil tao lang din ako at nasasaktan.

Pero sabi nga ni Mama, kahit tapak-tapakan ka na ng ibang tao, hayaan mo sila. Maybe, hindi lang nila alam ang ginagawa nila or maybe, may problema lang silang kinahaharap kaya binubuntong nila ito sa pamamagitan ng pag-apak sa ibang tao although masakit at mahirap, just at least accept it for their own good, dahil tayo ang nakaka-kita ng tama..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon