"'Blag' 'Blag' 'Blag' CYRAAA! 'Blag'"
"hmmm! ano po--zzzzz!"
"CYRA!! GUMISING KA NANG P*NYETANG BATA KA! ANONG ORAS NA! AALIS PA KOOOO!!! KUKURUTIN KO YANG SINGIT MO PAGNAKAPASOK AKO! "
"Edi hindi Ko nalang po bubuksan yung pinto." sambit ko. Kukurutin niya daw singit ko eh. Edi wag ko nalang buksan yung pinto.
"P*NYETA KA TALAGANG BATA KA AT SUMASAGOT KA PA HAA!"
sakit talaga sa tenga yung boses ni Auntie. Nakakabingi. -__-
"Sige po Auntie gising na po ko! Mag-ingat po kayo ha. Babye!" sabi ko nalang ng hindi pinansin yung sinabi nya. Hahaba lang kasi yung usapan. Si Auntie kasi parang isang sirang plaka, paulet-ulit. -__-"
"SIGE! MAG AYOS KANA JAN AT ANONG ORAS NA, MALELATE KANA NAMANG P*NYETANG BATA KA!" Mukang naka alis na si Auntie sa pinto dahil ang layo na nang boses nya, kaya nag gayak na ko para pumasok.
~Kriing Kriing~
"GOOD MORNING BHEE, Ang aga mo ah! Buti nalang nauna ka kay Maam! Haha!" pabirong sabi niya.
"Hay naku Jeddah, tigil-tigilan mo ko ha. Kita mo na ngang haggard ako ngayon eh. 'sign' Paypay nga ang init."
"Yan kasi laging late, Muka Kana namang nirape tsk."
"Oo na. Dami pang sermon! Paypay na lang kasi!"
"Yes mam, bleeh". Aba! binelatan pa ko ng bruha na to.
Yang babaeng yan! Si Jeddah(pronounce as Jeydah) Alonzo yan. Bestfriend ko since nung mga bata pa kami. Natatandaan ko pa yung first meeting namin.........
~F L A S H B A C K~
"Hoy bata! Ibibigay mo ba yan o ibibigay mo?" Maangas na sabi ng batang mataba sa isang batang payat na naglalaro ng kanyang kotseng laruan.
Pinapanuod ko lang sila nun since mahilig akong makipaglaro kung kanikaninong bata pero yung muka naman mapagkakatiwalaan. Nasa gilid lang ako at hinaantay ang susunod na magyayari.
"Bakit ko naman bibigay sayo tong car ko?" Matapang na sagot nung batang payat at tumayo pa. Kala naman niya na matangkad siya eh hanggang balikat lang naman siya ng batang mataba.
"Kasi gusto ko! Bakit ba? Ibibigay mo ba yan o sasabog yang nguso mo?" Nakakatakot na pagbabanta ng batang mataba kaya sa tingin ko naiiyak na yung payat na bata.
"Magpabili ka nalang kasi sa mommy mo." Nanginginig na sinabi ng bata. Lalapit na sana ako ng may lumapit sa kanila ng batang babaae nasa tingin ko eh kasing edad lang namin.
"Hoy Baste! Bakit mo nanaman inaaway si Axel? Isusumbong kita sa mama mo!" Malakas na pagbabanta nung bata.
"Sige mag sumbong ka wala naman si mama umalis. Bleeh!" natatawa akong pagmasdan sila dahil muka silang mga baliw.-_-
"Isusumbong nalang kita kay kuya ko para hindi kana niya isali sa basketball pag naglalaro sila! Bleeh! Bleeh!" ganti ng batang babae. Maganda sya pero mas maganda parin ako. Maputi sya kayumanggi ako -__-
pero mas matangkad ako^__^
"Sige subukan mo lang!" Aambahan na nya yung batang babae kaya napatayo ako at agad na lumapit sa kanila.
"Hoy baboy!" Astig na pagkasabi ko habang lumalapit sa kanila. Nakatingin lang sila sakin.
"Hoy hindi ako baboy!" sigaw niya sakin na mangiyak-iyak. Nakakatawa siya, ang panget nya! Pfft
"Kung hindi eh bakit ka naiiyak?" natatawa na talaga ako pfft..
"Hindi ako umiiyak!" sabay punas ng tumulong luha nya. Pfft. Baklang baboy !
"Hahahahahahahahhha" hindi ko na napigilan yung tawa ko. Yung dalawa naman sa gilid namen tumatawa na rin.
"BAKIT KAYO TUMATAWA HA!?" Ang lakas ng pAgkasigaw niya kaya napatigil kami.
"Bakit? Masama bang tumawa ha?"
"Oo! Lalo na pag ako yung pinagtatawan" bigla siyang lumapit at ang kinabigla ko ay tinulak niya ko ng malakas at napatalsik. Sobrang sakit ng pwet ko dahil sa pagkabagsak ko at hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.
"KUYAAAAA! SI BASTEEEE! OHHHH"
nakakabinging tili ng batang babae. Tumakbo ng mabilis palayo yung batang baboy natakot siguro. Naghihintay ako ng may lalapit saamin pero wala.
"Bata okay kalang ba?"
Tanong sakin ng babae habang inilahad niya yung kamay niya sakin para makatayo at kinuha ko naman ito. Tumango lang ako habang pinapagpagan yung pwet ko.
"Salamat ha!" Nakangiti niyang sabi.
"Asan na yung kuya mo?"
Tanong ko ng hindi pinansin yung sinabi niya.
"Ah si kuya? Wala nasa school pa yun. Uto-uto lang talaga si Baste. Haha!" Muka nga haha!
"Cyra." Nilahad ko yung kamay ko para magpakilala.
Pero biglang kumunot yung noo niya. Hindi niya ata ako naintindihan tss.
"Ako si Cyra. Ikaw anong pangalan mo?" Medyo bossy kong sabi.
"Ahh! Kala ko kung ano na Haha! Ako nga pala si Jeddah." Inabot niya yung kamay ko at nagshake hands kami. Bigla naman akong may napansin may kasama nga pala kami. Lumingon ako sa kanya.
"Aa-- ano? Axel! Ako si Axel hehe!" May nakakatawa ba sa sinabi niya?
~END OF FLASHBACK~
"Hoy! Anong ningingiti-ngiti mo jan? nabaliw kana!"
Napabalik naman ako sa ulirat ng bigla akong paluin ni Jeddah ng pamaypay niya. Loko toh ah!
"Lady Gaga! Nakakatawa kasi yung pagmumukha mo nung mga bata pa tayo HAHA!" Napalakas ata yung tawa ko kaya napatingin saken yung mga classmate namin.
"Kahit~?" Tanong niya.
"Baket? Kahit mas maputi ka? Oy~ mas maganda naman ako sayo noon hanggang ngayon noh! Diba Axel?" Sabay lingon ko sa kanan ko. Bale ako yung sa gitna at nasa kaliwa ko sa Jeddah.
"Ha?" Halatang hindi niya narinig yung sinabi ko. Paano kasi laging nakatitig sa libro niya. Nagrereview ata eh. Kaya binigyan ko siya ng 'umuo-kanalang-look'.
"Ee-- oo nalang." Halatang napilitan -__-
"See?" Pagmamayabang koXD
"Whatever!" Tss. Haha
"Okay class! Get one whole sheet of pad paper and number it one to 30." Ang ganda ng pasok ni maam ah may long quiz agad. Long quiz?
"Hala Jeddah! May long quiz tayo ngayon? Ba't hindi manlang ako nainform? Tanong ko sa katabi kong mukhang relax lAng habang ako naprepressure na.
"Anong hindi nainform? FYI Ms. Santos kanina pa po ako ditong dakdak ng dakdak kung nakapagreview ka. Eh ikaw nga tong parang t*ng*ng nakangiti ng malapad diyan." So? Kasalanan ko nga! OMO kasalanan ko nga! Ghad! It's all my fault!
"Okay number one."
"Wait pengeng papel!"
Shocks!
BINABASA MO ANG
Cyra Cinderella
Teen FictionMeet Cyra! Ang simpleng babaeng mataas mangarap sa buhay! Naniniwala siyang libre lang mangarap. Kaya kung mangangarap ka lakihan at damihan mo na! Paano nalang kung ang kanyang mga pangarap ay para sa kanya talaga.. dati pa at ipinagkait lang sa ka...