Ahrirang
Bumaba sila sa isang mabatong bahagi ng Enclimeterra , madilim ang paligid ngunit ang spotlight ay na kay Warren at Black Ripper . Maya-maya isang palakpak ang kanilang narinig buhat sa malayo . Ang mga criminal na nanunuod ay nasa taas nila at pawang mga nag mamasid .
"Bago ang lahat gusto ko muna na mag bigay pugay kayo sa ating Diyos." Sigaw ng announcer .
"Hail Dark , Hail , Hail Dark Hail." Luhod ng lahat habang sumisigaw. Nasa loob ng WOTFA sina Warren dahil sa pulang bahagi ng lupa na naapakan nila .
"Warren, okay ka lang ba ?" Tumango si Warren dito hawak ng mahigpit ang kanyang cursed knife .
"Hello anak at apo ." Tinig na nanggagaling buhat sa malayo.
"Lumabas ka." Sigaw ni Warren dito.
"Shhh~ ito na." Isang ilaw ang bumulaga at isang nakatalokbong at nakamaskarang lalaki ang nakaupo sa wheelchair habang nakapaikot dito ang mga androids . Isang kriminal ang gumalaw sandali sa mga audince at automatikong sumabog ang kinatatayuan nito . Ngumiti ang nasa likod ng maskara at muling bumukas ang isa pang spotlight sa tabi ng mesteryusong lalaki . Si Raven ito nakapako sa cruz at naghihingalo na . Isang latigo ang ipinalo dito ng bantay na nakaitim din ng saklob.
"Raven ." Sigaw ni Warren .
"A-ano bang gusto mo ?"
"Bakit maibibigay mo ba apo?" Ngiti ng matanda sabay harap kay Black na hindi nagpapakita ng emosyon.
"Bakit mo ito ginagawa Ama."
"Bakit di mo tanungin ang sarili mo aking taksil na anak. "
"Pakawalan mo ang lalaking iyan ama ako nalamang ang parusahan mo. "
"Gusto mo ba talaga mahal kung anak?" Ngiti ni Dark kay Black.
" Kung yun yung dahilan ng paglaya ng lalaking iyan ay gagawin ko." Pumalakpak si Dark sa narinig.
" Nagiging mahina na yata ang iyong loob Black ."
" Natutunan ko lang mag mahal ama ." Tumawa ito na parang galing sa ilalim ng lupa ang bawat pag halakhak nito.
"Hunghang , hindi mo ba alam sa ginagawa mo ay isinusuko mo na ang kinabukasan mo sa isang tao. "
"Kung mararapatin isuko bakit hindi ?" Tumahimik bigla si Dark at muling nagsalita .
" Ang pagkamatay ng iyong ina dahil sa mga taohan ng aking kapatid ay hindi totoo , pinatay ko siya gamit ang sarili kong mga kamay. Alam mo ba kung bakit?"
Umiling si Black dito habang nakayuko."Dahil isa siyang taksil na asawa at silaw sa yaman at ginto ng aking kapatid . " hindi nakapagsalita si Black na napatingin kay Warren naumiiyak.
"Napakaganda nga ng iyong anak . Para siyang isang paru- paru sa gitna ng dalawang nag dadalab na apoy. "
"Ama , wala na bang kahit kaunting awa ang namumuo sa puso mo?"
"Tumigil ka Black , mararapatin ko pa na mabulok ang mga ginto at pilak na nakakabit sa katawan ko kesa maging martir at talo. "
"Ama hindi niyo alam , hindi lahat ng tao ay masasama kagaya ng kwento niyo-"
"Tumigil ka Black . " sigaw nito na itinuro ang nagbabantay sa cross na nakatayo at nakasabit si Raven . Isang malakas na palo ng latigo ang lumatay sa katawan ni Raven.
"No~ Raven , Raven ." Hagulgol ni Warren habang nakatingin sa kaawa- awang lalaki.
"Ano ba ang gusto mo ama? Ano at gagawin ko lahat , basta tumupad ka sa pangakong mabubuhay si Raven. " ngumiti ang ama nito sa kanya .
