CHAPTER 2

26 0 0
                                    

HALOS dalawang linggo na kaming magkakilala ni Patrick at medyo nakikilala ko na sya ng mas mabuti.

Mas matanda sya sa akin ng isang taon at college student na pala sya. Samantalang, ako ay 4th year high school pa.

Ngayon ko lang sya nakikita kasi di sya madalas mag-commute. Gamit nya ang kotse nya tuwing pumupuntang school, pero nagkaproblema daw ito, nasira ata at pinaparepair pa nya, kaya nagcocommute muna sya ngayon.

He lives 5 houses away from mine. Yung malaking bahay na may pulang gate. Oo, mayaman si Patrick. Halata naman.

Monday ngayon pero hindi ako tinamad pumasok.

Actually, I look forward going to school since the day I met Patrick. Para kasing nakokompleto na ang araw ko pag nakikita ko sya at nakakasabay. Everyday, in two weeks, walang palya, nakakasama ko sya sa waiting shed.

I think we have this unspoken deal na hintayin ang isa't isa tas sabay kaming aalis.

Napangiti ako ng narating ko ang waiting shed ngunit napawi din agad 'to ng mapagtanto ko na wala pa sya.

How weird. Madalas kasi, mas maaga pa sya kaysa sa akin.

Baka nalate lang ng gising. Kumbinsi ko sa sarili ko.

Naghintay ako ng ilang minuto at ng may huminto na jeep sa tapat ko, tumayo na ako.

Napasimangot ako sabay tingin sa paligid.

Asan na kaya si Patrick?

Napatingin ako sa relo ko. 7:40. Lalo akong napasimangot.

"Miss, sasakay ka ba?" Tanong ni manong driver.

Napabuntong hininga nalang ako at sumakay na.

E ano naman ngayon kung wala sya? Baka naayos na yung kotse nya at kinalimutan na ako.

Sht. OA na kung OA pero bakit parang kumirot yung puso ko?

I opted to sit facing outside the window.

Papaalis na yung jeep ng nahagip ng tingin ko si Patrick... na may ina-akbayang babae.

--

Tulala ako pagdating sa school. I just arrived but my mind was left behind.

Is she Patrick's girlfriend? Does Patrick have a girlfriend? Why didnt he tell me? Bobo ka Ella, hindi ka kasi nagtanong. Inassume mo na may gusto rin sya sayo.

O ayan, pati sarili ko inaaway ko na. Baliw na ata ako.

I only assumed because Patrick gave me mixed signals.

Yung pag-alalay niya sakin. Yung pagdala niya ng mga gamit ko. Yung paghintay niya sakin. Yung mga titig niya.

But I was wrong to expect that we feel the same.

Why am I so affected anyway? Its just a freaking crush.

Baka kapatid nya yon o baka pinsan nya o baka talaga girlfriend nya. The girl is probably the same age as Patrick and Its not impossible that she could be his girlfriend.

That simple thought broke my heart into pieces.

"Oh Ella, bakit ka umiiyak?" Napatigil ako sa kaiisip ng nakasalubong ko yung isang kaklase ko.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ko.

Agad akong tumakbo papuntang CR. Hindi ko pinansin ang pagtawag ng kaklase ko.

Sa CR, doon ako nagkulong sa isang cubicle at binuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigalan.

Madalas kong sabihin sa mga umiiyak kong kaibigan dahil sa lalaki na hindi sila iiyak kung hindi nila ito mahal.

Pero fuck, how can I love someone I just met?!

No hindi. Hindi ko sya mahal.

Pero bakit ako umiiyak? Sabat ng isang parte ng utak ko.

It can't be. Hindi pwede.

--

Its already past 12, and I'm still wide awake.

I can't get the picture of Patrick with the girl out of my head.

Mababaliw na talaga ako kakaisip kung ano ba talaga sila.

And.. I'm still confused about my feelings for him. Nagdedebate ang puso at utak ko. Nakakasira ng bait.

Dahil nga hindi ako makatulog. Napagdesisyonan ko na magfacebook muna. Baka sakali mawala muna si Patrick sa isip ko.

Pag-open ko ng facebook ko, may friend request akong natanggap.

Pagbukas ko nun, halos malaglag na yung panga ko sa gulat.

Galing lang naman kay Patrick Sarmiento.

Siyempre, in'accept ko si Patrick.

At sa hindi malamang-lamang dahilan, I started stalking him.

What happened to trying not to think about Patrick, huh, Ella?

While stalking his account, I saw an album, entitled Family Reunion ♡ .

Pinagsisihan ko naman buksan yun nang makita ko ang laman.

Halos lahat ng pictures niya doon, kasama niya yung girlfriend niya.

So.... napakilala na pala ni Pat yung girlfriend niya sa pamilya niya. How nice, they're official and legal.

Bumalik ako sa profile niya. Tiningnan ko yung relationship status nya.

AND CAN I GET EVEN MORE HURT?!

He was in a relationship but he didnt tag anyone. 'The right one' lang ang nakalagay.

Trust me, that hurt more. Kung sana ay tinag nya nalang yung actual girlfriend nya nang matapos na tong kahibangan ko. Nang masampal na ako ng katotohanan.

Nawalan ako bigla ng ganang magfb kaya naglog out nalang ako at sinubukan ulit matulog.

Magmamahal ka na nga lang, Ella, doon sa may girlfriend pa.

Unexpected and Instantly ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon