CHAPTER 4

40 0 0
                                    

"Ella, may boyfriend ka na ba or manliligaw?" Tanong ni Pat sa akin isang araw.

Interesado siya? Kinikilig ako.

"Uhm, wala at wala. Bakit?" Sagot ko.

Lumaki yung ngiti niya. "Ayos. Pwede." Bulong niya pero narinig ko naman.

Teka lang naman, Pat. Dahan dahan sa pagpapakilig. Jusko

"Wala naman." Sagot niya't umiwas ng tingin.

--
Sa pagkakataong to, magkaharap kami ni Pat sa jeep at hindi magkatabi kasi madaming pasahero.

Ang awkward, 'di ko sya matingnan kasi ughhh. Basta ang awkward.

I was looking at everywhere but him.

"Pakiabot sa driver." Sabi ng katabi ko at inabot niya yung pera kay Pat kaya napatingin ako sakanya.

Matapos nyang ibigay kay manong driver tumingin din sya sakin at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Shet. Parang bumagal ang ikot ng mundo at sya lang ang nakikita ko.

'Hoy, Ella, look away baka matunaw yan.' Saway ko sa sarili ko.

Napataas ang isang kilay ni Pat sakin na para bang nagtatanong. Ayun na, namula na ako ng bonggang-bongga.

Nasense nya yata ang pagka-ilang ko kaya....

kumindat ang loko.
--

Siksikan ulit. Magkatabi kami ni Pat. Sa kabilang side ko naman may isang lalaki.

From the corner of my eye, I can see the other guy. Nakatingin sakin.

Biglang pumreno ang jeep at napasubsub ang lalaki sa gilid ko at nahawakan niya ang hita ko.

Lumayo ako ng konti pero kada break ni manok, nahahawan niya ako. Mukhang napansin ni Pat yun.

"Palit tayo?" Bulong niya. Tumango ako.

Matapos namin magpalit, inakbayan niya ako.

Lord, feels po.

"Natawagan ko na sila Tito at Tita. Papunta na daw sila." napatigil ang pagrereminisce ko ng marinig ko si Lauren.

"Salamat pala't nandito ang girlfriend ni Pat. Pag ako lang, hindi ko alam pano kontakin parents ni Pat eh." Pinilit kong hindi maging bitter ang pagkakasabi ko.

Napatitig si Lauren sa akin ng matagal at bigla nalang ... tumawa.

Huh?

"Anong girlfriend? Pinsan niya ako noh! Hahahaha."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kung sana hindi ako pinangunahan ng selos. Kung sana pinag-explain ko siya. Hindi sana siya mapupunta dito. God, ang tanga ko.

"Pero kung hindi ikaw, sino?" Biglang nabuhay ulit yung hope ko na pwede kami.

"Wala siyang girlfriend pero may may-ari na yung puso niya."

Wala ngang girlfriend, may iba naman gusto. Haay, tumahimik nalang ako.

"Nakakatawa nga eh. Halos isang taon na niyang gusto yun tapos ngayon lang siya nagparamdam. Torpe ni Pat diba?"

Gets ko na, Lauren. Hindi niya ako magugustuhan. Tama na.

"Una daw niya itong nakita sa Waiting shed. Tumatakbo daw yun tapos nadapa. Ang cute nga daw eh. Tutulungan nya sana pero nakatayo agad yung babae. Pagkatapos noon, palagi na syang doon sa waiting shed para abangan yung babae. Nasa loob nga lang ng kotse kasi nahihiya siya."

Parehas pala kami e, sa waiting shed yung lovestory. Ang kaibahan lang, ang akin, siya ang bida na kasama ko pero sa kanya, iba.

"Naging stalker na nga si Pat e. Alam nya yung mga tungkol sa babae. Kung saan sya nakatira, saan siya pumapasok, anong pangalan nya. Pero torpe e, kaya hanggang tingin lang si Pat.

"Pero isang araw biglang lumapit si Patrick sa akin. Sabi niya magpapakilala na daw siya. Halos sumigaw ako sa tuwa noon. Sa wakas, natauhan din siya."

Binigyan ako ni Lauren ng isang makahulugang ngiti. Ano?

"After a year, Patrick made a move. At the same place he first saw her. Sa waiting shed. Napansin na siya, sobrang saya nya nung kinwento nya sakin to. Titig na titig daw sya sa kanya at tinawag pa niya si Pat na weirdo. Doon daw nagsimula ang pagkakaibigan nila. "

Nagugulahan akong nakatingin sa kanya. At sa isang iglap, naintindihan ko na sya.

"Binalak niya pang ipakilala ako sa kanya but then this happened."

Nangingilid ang mga luha sa mata ko habang nakikinig sa kanya.

"Parang familar ba yung kwento ko, Ella?"

It all makes sense now. Ako...

"Oo ikaw yung babaeng gustong gusto niya."

... and then I cried. Because of joy. Because of guilt. Because of regret.

-------------------

Ang corny. Sorry. XD

Unexpected and Instantly ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon