Ang Kaluluwa ng nagpakamatay

232 2 1
                                    

Napasigaw na lamang si Irish ng makita ang pagtilapon ng babaneg nabangga ni Eric. Sa lakas ng impact, walang dudang patay ang biktima, sa isip isip ng dalaga. "Diyos ko Eric! Nakabangga ka!" Putlang putla ang binata. "Hindi ko sinasadya. Bigla na lang siyang sumulpot sa gitna ng kalsada. Nakita mo naman diba? Nakita mo!" Alam ni Irish na walang kasalanan ang boyfriend niya. Patag ang kanilang takbo ng walang anu-ano'y bigla na lamang sumulpot ang babaing iyon.

Nanginginig ang mga tuhod na bumaba ng kotse si Irish. Umikot siya sa may pwesto ni Eric na nauna ng bumaba sa kanya. May pagtataka ang mag nobyo na umikot-umikot sa paligid ng kanilang sasakyan at lugar na pinangyarihan. "O, nasan na yung babae?" "Oo nga eh. Wala rito," si Eric na takang taka. Nanginginig pa ang Adam's apple nito na iginala ang tingin sa paligid. Hindi talaga nila makita ang babae.Tinignan ng binata ang hood ng kotse. Sa lakas ng impact kanina, sigurado niyang malaki din ang damage ng kotse niya. Pero ni gasgas ay walang bakas. 

Hindi din malama ni Irish ang sasabihin. Pero kinilabutan siya ng maalala ang kwento ng pinsan niya tungkol sa isang white lady na madalas daw magpakita sa hi-way sa alanganing oras ng gabi lalo na sa mga mag nobyo. Napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Eric. "Hindi kaya white lady ang nabundol mo?" Napatingin sa mukha niya si Eric na halatang kinabahan din sa narinig. "N-naniniwala ka rin ba sa white lady?" Hindi na nagawang sumagot ni Irish. Hindi na magawang gumalaw ng kanyang panga dahil sa nakitang nakatayo ilang metro ang layo sa kanila.

Isang babae. Naka bestidang puti. Nakaladlad ang mahabang buhok. At higit na nakakatakot ay hindi nakasayad ang mga paa nito sa lupa! "Diyos ko Eriiic!" Napasigaw si Irish sabay subsob sa dibdib ng nobyo. Pero bigla ding nawala ang white lady. "Halika na! Pinaglalaruan tayo. Dali!" sabi ni Eric sabay pasok sa kotse niya. Halos lumipad ang kotse sa bilis ng pagmamaneho ni Eric pero mas nakakatakot ang mga sumunod na pangayayari. Nasa loob ng kotse ang mahiwagang babae! Nagpanic si Irish at hinimatay.

+++++

Mabuti na lamang at nadaanan sila roon ng mga byahero ng mga gulay. Sa pag aakalang naaksidente sila ay hinintuan sila noon. Nakahinga ng maluwag si Eric dahil nagkaroon sila ng kasama sa gitna ng karimlan. Nagkwento si Eric sa mga byahero. "Baguhan ho ba kayo rito?" tanong ng isa. "Oho. Umattend lang ho kami ng party ng isang kaibigan kaya ginabi kami at dito na kami dumaan para mag short cut. Papunta po kaming Manila."sagot ni Eric. "Nagpapakita talaga yung white lady sa mga baguhan lang dito lalo na sa mga mag nonobyo." iling ng isa sa mga byahero. Nanginginig pa din si Irish sa takot. Ito ang first time nya na maka-encounter ng ganon. Nagmagandang loob ang isa sa mga byahero na samahan sa kotse ang mag nobyo hanggang sa makarating sa Manila. 

+++++

Bahagyang napawi ang takot kina Eric at Irish ng matanaw ang mailaw at mataong Manila. Bumaba na ang byaherong sumama sa kanila at lumipat na sa trak ng kanilang mga gulay na kasunod lang nila. 

Hinawakan ni Eric ang kamay ni Irish, "Wag ka ng matakot, ligtas na tayo." "Hinding hindi ko makakalimutan yung nangyari sating yun." sambit ng dalaga. Nasa kalagitnaan ng pagyayakapan ang mag nobyo ng may narinig silang kaluskos sa backseat. At sabay nilang nakita ang babaeng prenteng nakaupo na akala mo ay isang ordinaryong pasahero. Sabay na napasigaw ang mag nobyo. Mas matindi ang kanilang takot na nararamdaman sa ikalawang pagkakataon. Lalo na ni Eric. Nawalan siya ng control sa manibela. Sumunod ang eksena ng isang matinding aksidente. Bumangga sina Eric sa kasalubong na AUV. 

Dead on the spot si Irish. Bali ang braso at may malaking sugat sa noo si Eric ngunit sinuwerteng nabuhay. Walang gustong maniwala sa pahayag ni Eric. Ang opinyon ng mga imbestigador at driver ng AUV ay posibleng nakatulog si Eric habang nag mamaneho lalo na at pasado hatinggabi naganap ang aksidente. 

"Hindi ako nakatulog!" giit ni Eric. "Gising na gising nga ako at nag uusap pa kami ni Irish nang makita ang babae sa backseat. Sa takot ay nawalan ako ng control sa manibela."

Naka weelchair si Eric ng ihatid ang mga labi ni Irish sa memorial park. Sinisisi niya ang white lady na nagpakita sa kanila. Kung hindi dahil doon, buhay pa sana si Irish. Sakit na sakit ang kalooban ni Eric. Sa gitna ng iyakan ay isang babaeng nakaputi ang natanaw ni Eric di kalayuan. Naka suot ito ng wedding gown. Unti- unti ay parang namumukhaan ni Eric ang babae. 

"Hindi. Hindi maari," bulong ni Eric sa sarili. Ang babaeng dahilan ng kanilang aksidente ay ang dati nyang kasintahan na iniwan niya sa mismong araw ng kanilang kasal. Napag alaman ni Eric sa isang kakilala na makalipas ang anim na buwan mula ng iniwan niya ito sa simbahan ay natagpuan itong patay sa loob ng kanyang kwarto na suot pa ang wedding gown nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Kaluluwa ng nagpakamatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon