The8 : 50

296 10 0
                                    

Graduation na namin ngayon, and yet, hindi rin ako ganung kasaya, dahil ramdam kong may kulang...


Kulang ang presensya ni Ming-ming. Hays..


Although buong gabi kaming magkachat kagabi... Iba pa rin talaga kapag kasama ko siya ngayon at sabay kaming aakyat sa stage.


Masmasaya siguro ako ngayon kung kasama lang naming gagraduate si Minghao.


Ramdam ko din naman kasi sa kanya habang ka-chat ko siya kagabi na malungkot siya, dahil nga sa hindi siya makakaattend ngayon. Kahit pa ba anong subok niyang gawing okay yung usapan namin ay alam ko at ramdam kong malungkot din siya.


After the successful ceremony ay masayang nagkanya-kanya na ang lahat papunta sa kung saan man sila magcecelebrate ng graduation nila. Habang ako... Halatang hindi kumpleto yung saya ko, dahil dun sa kulang.


Napatingin ako kay Jun nang tapikin niya yung balikat ko. "Wag ka na ngang mag-emo diyan. LDR lang kayo. Hindi naman kayo nag-break."


Inirapan ko siya gaya ng madalas kong gawin kapag alam kong nagiging sarcastic siya o nang-aasar lang.


"Gusto ko mang magpakasaya dahil sa wakas ay graduate na tayo, pero hindi ko talaga magawa yun dahil hindi natin kasama si Ming-ming." –ako


"Hayaan mo, babantayan ko siya para sayo pagdating ko dun." –Jun


Taka ko siyang tiningnan. "Huh?... So aalis ka din??"


Marahang tumango si Jun bilang sagot.


"Iiwan mo din ako?" –ako


"Ano ka ba? Bestfriend mo pa rin naman ako kahit nasa malayo na ko eh. Wala namang magbabago dun." –Jun


Actually taga China din talaga si Jun. Pareho sila ni Minghao. Nagmigrate lang sila dito nung... I think... pre-school palang siya.


Dito na nag-aral si Jun nung kinder garten siya while his parents are flying back and forth sa China dahil nandun yung main branch nung business nila. Although may branch din dito yung office nila, pero nasa China kasi yung main office nila.


Ewan ko ba sa parents ni Jun. Ang lalakas din ng tama.


Hindi ko malaman kung bakit naisip nilang manirahan dito samantalang palagi din namang bumabyahe yung parents niya sa China para sa business nila.


Naisip ko tuloy na... trip lang ng parents ni Jun na pagudin yung sarili nila sa paglipad papunta dun at parito eh. Tsk!


Pero wag na natin silang pakealaman sa trip nila. Dun sila masaya eh.


Pero nakakalungkot din dahil isa na naman sa mga pinapahalagahan kong tao ang malalayo sa 'kin.


Kahit naman kasi may pagkaabnormal si Jun ay naging mabuti din naman siyang kaibigan sa 'kin. Sadya lang talaga siyang malakas mang-asar at mangtrip, pero mahal ko din naman yung bestfriend ko na 'to eh.


"Pero sabagay... ayos na din palang malayo ako sayo, atleast, mababawasan ang mga abnoy sa paligid ko." biro ko.


"Ah ganun? Di bale... gwapo naman." Pagmamayabang niya kaya inirapan ko lang siya. Then ginulo niya yung buhok ko. "Hayaan mo, pupunta-punta pa rin naman ako dito kapag bakasyon or kapag marami akong oras magliwaliw, kasi alam ko namang mamimiss mo ang kagwapuhan ko eh."


"Ano ba? Bitaw nga!" angal ko sa panggugulo niya ng buhok ko. "Asa ka namang mamiss ko yang kagwapuhan mo! Samantalang hindi ko nga matukoy kung saang banda eh." biro ko ulit at nginisian ko siya ng pang-asar.


"Ang sama mo talaga sa 'kin. Magkakahiwalay na nga tayo eh, di mo pa magawang maging mabait. Kahit ngayon lang oh?" –Jun


"Sige try ko.. mga one minute." –ako


"Tsk! Bahala ka na nga. Pag ako namiss mo.. wag kang iiyak ah!" –Jun


"Sige ba! Yun lang pala eh. Hindi talaga ako iiyak noh! Asa!" –ako


Matapos naming mag-asaran ay pareho din naman kaming nangiti atsaka niya ko niyakap.


Kahit papaano malulungkot din naman ako sa pag-alis ng abnoy na 'to noh. Ayoko lang ipaalam sa kanya kasi paniguradong aasarin na naman niya ako ng todo. Tsk!

My Infinity Hao //The8 FF// [COMPLETED]Where stories live. Discover now