...

1 1 0
                                    

Nagmadali akong sumakay ng jeep at hindi ko na inintindi ang magulo kong buhok, ang makapal na usok, maingay at malalakas na busina, mga halo-halong amoy ng pasahero ang importante lang sakin makaabot ako sa deadline at makapagreview

Pagkatapos ng matagalang paghihintay, nakarating na rin ako sa school, wala akong pake sa mga taong grabe kung makatingin sakin

Oo magulo buhok ko, may problema kayo?

Hinalungkat ko ang bag ko at…. Ayos nakalimutan ko pa ang suklay ko

Lakad-takbo na ang ginawa ko makaabot lang talaga ako

Pagpasok ko sa room, lahat ng mata nila ay na sakin at humangin pa ng malakas, para namang grand entrance

"Ms. Guevarra? Hindi ka ba marunong magsuklay?" Tanong ng Science teacher ng makalapit ako sa desk nya

"Pasensya na ma'am, nagmamadali na po kasi ako at naiwanan ko pa po ang suklay ko" sabi ko sabay ngiti

"Pahiramin nga ng suklay to"

Dahil sa sinabi ni ma'am, nagtawanan ang mga kaklase ko

Mga sira talaga

Umupo ako sa upuan ko, si ma'am naman ay sinimulan ng magturo

"Mitosis and Meiosis are blah blah blah"

Bakit ba hirap na hirap ako sa subject na to? Parang gusto ko na lang bumalik ulit sa elementary

*Kringggg!*

"Class dismiss"

Tumayo na lahat ang mga kaklase ko samantalang ako naghihintay na makalabas silang lahat

Nang makalabas na lahat tsaka ko lang inayos ang mga gamit ko, nang mapansin kong parang may nawawala, hinalungkat ko ng hinalungkat ang bag ko pero wala pa rin

"Ugh! Yung diary ko"

Hinanap ko kung saan-saan kagaya ng hallway, canteen, sa may gate pero wala pa rin, nang may dumaan na jeep, may pumasok sa isip ko

Di kaya naiwan ko sa jeep? Kainis naman! Magulo na nga ang buhok ko, magulo pa ang araw ko

Wala akong magawa kundi ang pumunta sa canteen at kumain

Lahat ng sikreto ko nandun, sana naman walang magbasa non

Pagkatapos kong kumain, bumalik na ko sa room at hinarap nanaman ang isa pang nakakaburyong asignatura, ang T.L.E puro computer haist

"Our topic for today is all about blah blah"

Matutulog na lang ako… mabuti pa nga…

Naramdaman kong may parisukat na nakapatong sa ulo ko dahilan para magising ako

Ano naman kaya to?

Nang iangat ko ang ulo ko nakita ko ang diary ko, sino naman kaya ang nagbalik nito? Nilibot ko ang paningin sa paligid, ako na lang pala ang tao dito, sinimulan ko ng ayusin ang sarili ko

Tinignan ko munang mabuti ang diary ko kung may punit ba to o wala, nang malaman kong wala, binuklat ko ang likurang pahina at nagsulat

'Sana makilala ko na ang lalaking magmamahal sakin ng tapat at totoo, yayakapin ako kapag galit, pasasayahin ako pag malungkot, sasamahan ako sa kalokohan ko, at higit sa lahat hindi bibitaw kahit ang sakit-sakit at ang hirap-hirap na. Sana maranasan ko ang lahat ng ito kahit isang araw lang please. Yan ang kahilingan ko'

Bakit ba? diary ko naman to ah

Nang matapos na kong magsulat, lumabas na ko ng room at umuwi

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko at natulog

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary Where stories live. Discover now