4th year high school ako ng mapansin ko sya at mapansin nya ako. Walang msyadong klase Kase nagpapractice yung mga studyante para sa intrams.
So lagi akong solo ngayon kasi mga barkada ko my kanya kanyang sinalihan ako lang ang wala kasi hindi ako mahilig.
Mga 15 lang kami na pumapasok sa klase kasi wala naman kaming sinalihan and yung iba mamaya pa ang practice. After ng pasok namin sa math which is 3rd period sa hapon yun yung kauna unahan na kinausap ako ni james na hindi related sa mga subject ang topic.
"Jasmine, nagsosolo ka ata." Sabi nya. Sabay ngiti.
Nag uusap kaming 5 ay my distanya na 2 meters at my mga dumadaan na estudyante. Wala na kasi masyadong pasok.
"Oo nga jasmine, saan mga barkada mo?" Sabi ni michael. Kaklase ko rin.
"May mga practice eh. Kayo walang practice?"tanong ko sa kanila. 4 silang magbabarkada na kaklase ko rin. Si justin and fred yung dalawa pa nilang barkada. Si michael and james ay kasali sa chess, and si fred and justin is sa sepak takraw.
"Kahit di na kami magpractice.matatalo namin yun."Sabi ni michael na proud sa sinabi nya.
"Ah,ganun ba. Haha,bigla atang humagin. Ay oo nga pala diba wala naman na tayong pasok sa MAPEH?"tanong ko.
"Wala na."sagot ni james na hindi nawawala ang ngiti sa labi.
Ah,okey. Sige salamat. Uwi nalang ako. Bye!" Sabi ko sabay kaway at ngiti sakanila.
"Sige. Ingat ka." Sabi ni james. Bago ako tuluyan naka alis ay nakita ko pa na sinisiko ni michael ang tagiliran ni james at si justin and fred ay nakangiti lang habang nakatingin sakanilang dalawa.
Natapos ang intrams ay hindi na ulit kami nagkausap ni james. Hindi na kasi ako nakapunta sa school after ng parade. Hindi na ako nanood ng laban ng barkada ko kasi bantay ako sa tindahan namin.
Nang bumalik na ang normal na klase ay nagsimula din na lagi akong kinakausap ni james. Kung dati ay hindi ko ito nakakausap or nakakatabi sa upuan, ngayon ay bigla bigla nalang akong kakausapin or tatabihan sa upuan minsan naman aasarin nalang ako.
-------
1st period hapon- PHYSICS
" okie class, my activity tayo. Count off 1-5." Sabi ni maam martinez
After ng count off
" group 1 dito kayo umupo, two dito,three dyan sa likod ng 1,four sa likod ng two,and five sa pinakalikod" sabi ni maam martinez habang tinuturo ang mga tables.
"Oh, jasmine kagrupo pala kita.ikaw ha sinundan mo ako no?" Sabi ni james na may nakakalokong ngiti at sinusundot ako sa tagiliran.
Group 5 kami at taglilima sa every group. Sa group ko ay dalawa lang kaming babae at 3 lalaki.
Nakataas ang kilay kung sabi, "wag ka ngang feeling, baka ikaw ang sumunod saakin."
"Wag kana magmaang maangan pa.amini mo nalang kase"sabi nya. Sabay upo sa harapan ko.
"Whatever!" Sabi ko. At nakinig na kay maam.
"Okie class. Settle down. Buong school year ito na yung magiging kagrupo nyo since lagi na tayong my activity. At dyan nadin kayo uupo. Pero every week ay ibang grupo ang uupo dito sa table ng group 1. Kung sino ang nakaupo dito ay sya ang magiging cleaners. So nextweek group 5 naman dito and yung group 1 uupo sa group 2." After sabihin yun ni maam ay nagdiscuss na sya. And nextweek daw my activity.
------
Recess-3rd and last period morning
Kasama ko mga kaklase ko sa music instrument. Nasa curiculum kase kami na SPA( special program in the Arts, ang nga estudyante ay makakapili kung saang specialization nya gusto. Merong music( vocals and instrument), dance, theater, creative writing, at visual arts). Iniwan na muna namin gamit namin sa room bago kami bibili ng pagkain.