Paano ka magmamahal ulit kung sawang sawa kana sa salitang wala namang katotohanan?
Sa pangakong di matupad tupad?
Sa pagmamahal na di naman maramdaman?
Sa tiwalang laging nasisira?
Diba ang hirap, ang hirap magmahal kapag ganito ang sitwasyon.
Pero paano nga kaya kung mayroon pa palang lalaki na handa kang mahalin ng TOTOO?
Ano nga kayang mangyayari?
Sa pag-ibig talaga minsan panalo ka, minsan talo ka. Pag natalo ka, iiwanan ka nalang na sugatan.
Di mo masasabi kung pag-ibig nga ba yung meron ka ngayon. Ang kailangan lang pala, matuto kang sumugal sa pag-ibig.
Kasi minsan ayaw mo tapos pagdating sa huli magsisisi ka, manghihinayang ka.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, kayang ibalik sayo yung pag-ibig na binibigay mo sa isang tao.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, kaya kang pahalagahan ng mahal mo. Kailangan lang pala, ikaw yung unang magpahalaga sa kanya para maramdaman niya. Kasi kung di pa nararamdaman ng isang tao ang pagpapahalaga hindi niya kayang pahalagahan ang isang tao.
Katulad sa pag-ibig. Kapag hindi pa nakakaranas ang isang tao ng pag-ibig, baka hindi niya kayang umibig.
Sa Pag-ibig pala, kailangan mong matutong magsakripisyo, matutong umunawa, matutong magparaya, marunong magpatawad, marunong magtiwala, at higit sa lahat matutong maging tapat. Kasi ito yung daan para gumanda ang isang relasyon.
Siyempre dapat parehas.
-aniR-
BINABASA MO ANG
Lucky to Have You
Teen FictionMasarap magmahal lalo na kung hindi ka lolokohin, magtitiwala sayo ng buong buo, aalagaan ka, magbibigay ng halaga sayo. Masakit din magmahal kung hindi mangyayari sayo yan? Ano kaya kung nagmahal ka tapos, niloko ka, iniwan, pinagpalit, hindi pinah...