Chapter 7: Nagkaaminan na ♥ ☆

7 0 0
  • Dedicated kay LoloKoPogi
                                    

Pagkatapos ng Intramurals eto kami ngayong mga estudyante. Tamad na tamad mag-aral! Hayy nako buhay estudyante nga naman. Minsan masaya minsan hindi :D

Umaga na, at kailangan ko nang asikasuhin ang sarili ko.

Pero bakit ganon? Bigla nalang akong kinabahan na parang may nangyaring masama, parang may mali?

Tsk! Siguro bagong gising lang talaga.

Sa School, recess na...

1 Message Received

From: Mama

Anak, uuwi kami sa mga Lola mo. Namatay si Lolo dito nalang kayo dumiretso mamaya.

Kaya pala feeling ko may kakaiba kaninang umaga T___T Namatay pala yung Lolo nung Mama ko. Close pa naman ako dun. Haist! Ang hirap naman talaga kapag may namamatayan.

Bago pa ako nagdrama, nagreply na muna ako kay Mama.

To: Mama

Sige po! Makikisabay nalang po ako kay Eugene. Kailang pa po namatay si Lolo? :(

Sent...

1 Message Received

From: Mama

Sige anak. Kanina lang 5 am.

Pagkatapos sabihin ni Mama, hindi na ako nagreply pa.

Habang naglalakad ako papasok ng Room nakita ko ang Tita ko.

"Tita, bakit pumasok ka pa? Patay daw si Lolo ah? :( "

"Mamayang tanghali, uuwi na ako. Magpapasundo ako ikaw ba sasabay ka?."

"Hindi na kay Eugene nalang. Ingat kayo"

"Sige"

Haist! Hindi ako makapag-isip ng matino. Natapos ang klase namin at dumiretso na ako kay Eugene.

"Eugene, pasabay naman ako. Namatay na daw si Lolo alam mo ba?"

"Sige. Mamayang gabi pupunta ako. Ayain mo si Patrick, kwentuhan tayo."

"Ok sige."

Habang nasa biyahe kami ay nagkukwentuhan lang kami ni Eugene.

"Eugene, wala ka bang crush? O kaya special someone?

Lucky to Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon