Best Friend

7 1 0
                                    

Best Friend~

-Kylie's POV-

"Hoy. Tulala ka na naman. Iniisip mo na naman ako huh?" Mayabang na saad ni Justin. Sinamaan ko siya ng tingin at binatukan.

"Kapal talaga ng mukha mo ah!" Singhal ko sa kanya.

"Pogi naman." Bulong niya pero narinig ko pa rin. Wala eh, malakas pandinig ko.

"Yabang mo talaga! Bahala ka nga diyan!" Tumayo ako at lumabas na ng convinience store. Tumawid ako at sumakay ng jeep habang si Justin, sigaw pa rin ng sigaw sa pangalan ko.

Pagdating ko sa bahay, nagmano muna ako kay Mama tapos umakyat na ako at nagpalit ng damit.

I was bored so I decided to open my Facebook and twitter account.

Facebook:

Justin Ramos with Kylie Aguilar

Yung iba diyan nang-iiwan. Kapag ako ang nang-iwan, sisiguraduhin kong di mo na ako makikita.

Like°Comment°Share

Charmaine Espiritu, Janine Reyes and 448 others likes this.

Charmaine Espiritu:

Pag-ibig na ituu.

Like°Reply

Janine Reyes:

Ayiee. Ninang ako ah? Hahaha. <3

Like°Reply

Napailing na lang ako. Siraulo talaga siya. Ikalat pa daw sa iba? Tss.

Nag-log out na ako sa Facebook account ko at nag-log in naman sa twitter.

Twitter:

Justin Ramos

@Kylie_Maganda Oy. I deserve an explanation! Tomorrow!

Walanjo talaga. Sasapakin ko na talaga siya. Tss.

"Anak! Kakain na!" Sigaw ni Mama kaya sumunod naman ako.

After kumain, nagligpit lang kami, nagbasa konti ng lessons at natulog na.

--

Umaga na. At dahil wala namang nakakatuwang nangyari kanina paggising ko, dito na lang tayo magsimula sa School.

"Hello Kylie!" Nakangiting bati ni Daniel, kaklase ko.

"Hello rin! Asan na sila? Wala pang nakapila?" Nagtatakang tanong ko. Usually kasi, pagpasok ko, ako na lang ang kulang sa pila namin. Flag ceremony siya kaya kailangan naming pumila since kami ang first section sa School.

"Ewan ko. Hindi pa ako nakakapunta ng room eh. Baka ayaw nila pumila." Natatawang sagot niya. Masayahin talaga 'tong lalaking 'to. Weird nga lang minsan.

"Tara na! Pumila na tayo!" Yaya niya sa akin at hinila ako.

Pagkatapos ng Flag Ceremony, pumunta na kami sa room namin. Tama nga si Daniel, tamad sila pumila.

"Wow! Sipag natin magsi-pila ah?" Pang-aasar ko sa kanila.

"Eh kasi naman Nay! Sinaraduhan kaya kami ng gate!" Nakapout na depensa ni Matt.

"Kasi naman! Ang aga niyo sigurong pumila." Pailing-iling na sabi ko. Para talaga akong nanay dito.

*Kring*Kring*Kring*

Bell na pala. Ang bilis ng oras. Tss.

*Kring*Kring*Kring*

Ayos. Anong oras na ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

★ Different Stories ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon