I. In The Beginning There Was Three

73.7K 129 1
                                    

Ako si Ed, tatlo kaming magkakambal, sila si Edd ang pangawala, si Eddy ang bunso at ako naman ang panganay. Kung nagtataka kayo bakit pang cartoons first name namin sisihin niyo tatay namin na hindi naka move on sa kanyang childhood. Pero hindi naman nagpatalo ang nanay namin dinugtungan niya ng mga pang mamayaman na mga pangalan, kaya ayun naging: Ed Tobias de la Vega, Edd Theodore de la Vega, at Eddy Terrence de la Vega ang mga pangalan namin. Bata palang kami na ulila na kami, napatay ang nanay namin dahil sa Brain tumor at sumama ang tatay namin sa isang amerikano. Mabuti nga merong kaming rich kid na tiyahin na nakapag-asawa ng Hapon at wala pa silang mga anak, kaya ayun inampon kami magkakambal. Ok na sana ang lahat kaso lang hindi kami gusto ng asawa niyang Hapon na si "Butsyung" kaya naghirap din kami, pero kinaya namin ang lahat, nag-aral ng mabuti at higit sa lahat nanatili ang aming paniniwala sa Diyos at lagi naming idinadasal na babalikan kami ng tatay namin, hanggang ngayon. 16 years old na kami ngayon at nagaaral sa isang prestihiyosong paaralan, ang University of Thomas Ursus Radford Napoleon or UTURN for short. Pare-pareho kami tatlo mga matatalino pero kahit ang magkakambal meron talagang kami kaibhan sa ugali at libangan. Si Edd ay ang "Heartbreaker ng Bayan", dahil sa ka-gwapohan ni Edd ay nakukuha niya ang gusto niyang babae at pagkatapos ay iiwanan lang sa wala, pero sa ilalim ng ka-babaero ni Edd ay isang duwag na mama's boy. Si Eddy naman ay varsity player sa Football team ng UTURN ang Vicious Parrots, mabait at masunurin si Eddy kaso lang lone wolf siya at laging bigo sa pag-ibig. At ako naman ang Student Body President! Palagi akong busy sa academics at activities sa school, kaya minsan na lamang kami magsama ng mga kambal ko. Kaming tatlo ay kilala sa campus dahil sa kanya-kanyang katangian, ako ay suma-sali sa mga Quiz Bees, si Edd ay laging kinukuha sa mga pageant, at si Eddy naman ay merong mga laro. 4th year na kami ngayon at umaasa na maganda ang kinabukasan namin.

A Threesome StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon