Naglalakad sa hallway. Walang pake sa paligid. Nakasalpak ang earphone. Malakas na volume.
First day of class. Hindi ko alam kung nasan ang mga kaibigan ko, o kung pumasok ba sila ngayon. First day of class ngayon kaya malamang na tatamarin pa ang mga iyon. Hindi ako nakatingin sa dinaraan kaya hindi ko napansin na may tao pala sa harap ko. Inalis ko ang isang earphone,
"Hi ate Zeisha! Sorry!"
Nginitian ko lang siya, i don't know her name, pero palagi ko siyang nakakasalubong at ugali niyang bumati sakin.
Hindi ako masungit pero hindi rin naman ganoon kabait, may mga nakakilala sakin na hindi ko kilala at hindi ko alam kung paano nila ko nakilala.
"Hey!" Nagulat ako ng may biglang magtanggal ng earphone ko, si Jacen. "Room number mo?"
I stared at him blankly before answering.
"Hindi ko pa alam." binalik ko ang nakasalpak sa tainga ko pero tinanggal niya ulit.
"HAHAHAHA! Ako rin di pa! Pahanap ng pangalan ko sa list ha?"
"Hanapin mo magisa! Agang aga nambubwisit ka!", sinuot ko ulit ang earphone at nilampasan siya.
Inakbayan ako ng gago at inalis na naman ang nakasalpak sa tainga ko.
"Edi sabay tayong maghanap." nagwink pa! Tibay!
Inalis ko ang kamay niya at hinayaang sumabay sakin.
Pinagtitinginan kami ng mga lower grades, nasanay na silang lagi kaming magkasama last school year. Kaya di na ko nag tataka kung ano man yung iniisip nila.
Jacen Shawn Zeigel
Hindi ko alam kung saan nakuha ng mama niya yung name niya. Jacen pero parati siyang nananakit.
Magkaibigan na kami since grade 7. Hindi naman kami ganon kaclose dati, hindi pa rin naman ganon ngayon pero parati kaming mag kasama. May kanya kanya kaming circle of friends. Sadyang masyado lang kaming magkasundo.
Hindi na bago saming dalawa at pati narin sa mga kaibigan namin kapag nababalita na mag-on kami.
Masyadong ma-issue sa school na pinapasukan namin kaya nasanay na rin kami.
Grade ten student kami this year. Merong five sections every grade at magkakahiwalay ng building. Tagdadalawang room ng grade ten sa isang building at puro third floor yon. Gusto kong magreklamo dahil masyadong nakakapagod umakyat pero baka first day palang eh mapatawag na ko sa office.
Hindi ko alam kung aling building ang uunahin kong puntahan pero hinila ako Jacen sa building two kahit alam niyang hindi maglalagay ng grade ten room doom.
"Bobo ka ba? Building two palang 'to ah? Wala diyan yung room naten!"
"Bat pumunta ka na ba dito? Hindi pa diba? Edi pag wala bababa ulit tayo."
I let a heavy sigh. Kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Tingnan mo magisa. Text mo ko pag nandon yung pangalan ko."
Naglakad na ko pero alam kong hindi siya tumuloy don.
Napansin kong may mga babaeng nakaupo sa bench na dadaanan namin.
'Oh! That's why!'
Tinignan ko siya. Halatang badtrip na.
Sumabay rin siya sakin pero napansin kong naka-earphone na rin siya. Gusto kong tawanan pero hindi tugma yung sitwasyon. Pag pinagtawanan ko siya'y ako ang magmumukhang tanga.
![](https://img.wattpad.com/cover/181992103-288-k963503.jpg)