DKLA

8 0 0
                                    

Dama ko ang malakas na paghampas ng hangin sa aking balat kasabay ng mabilis na pagtakbo ng motor na aming sinasakyan. "Kumapit ka sakin" Sabi niya habang nagda-drive. Kumapit ako. Hindi sa kanya, kundi sa hawakan na nasa likod ko.

"Nakakapit na 'ko" Sagot ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga kahit medyo maingay ang tunog ng pag-andar ng motor pati na rin ng hangin.

Inangat ko ang tingin ko para masilayan ang kakaunting bituin sa langit. "Ang lungkot" Sabi ko.

"Ha?"

Kumapit ako sa balikat niya sabay lapit ng mukha ko sa bandang tenga niya. Umangat pa ako ng kaunti dahil mas matangkad siya sa'kin. "Sabi ko, ang lungkot ng langit" Bulong ko sa kanya.

Hininto niya na ang motor at saka tinanggal ang helmet na palagi niyang pinapasuot sa akin kapag naggagala kami. "Edi 'wag tayong sumabay sa kalungkutan ng langit" Sabay ngiti niya.

Nandito na naman kami. Sa lugar na lagi naming takbuhan kapag malungkot kami, kapag masaya, kapag wala kaming maramdaman, o kahit kapag wala lang. Umupo ako sa malambot na damuhan. Malapit sa kamatayan. Kitang-kita ko mula sa palagi naming pwesto ang sobrang bangis na pag-agos ng tubig mula sa ibaba—isang bangin. Tila parang kakambal ni kamatayan pero tiga-salba din ng buhay naming dalawa.

Naramdaman ko na siyang tumabi sa akin. "Bechay" Tawag niya sa palayaw ko na awtomatikong kinainis ko. Imbes na sumagot ay inirapan ko na lamang siya. Ayokong magpadala sa inis ngayon dahil baka maitulak ko siya deretso sa bangin. Pero syempre biro lang.

"Ang sarap sigurong magmahal ulit ano?" Tanong niya. Napailing na lang ako. "Saan mo na naman napulot 'yan?" Kantyaw ko sa kanya.

"Sa nararamdaman ko"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Don't Keep Love AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon