Kinaumagahan nalate ako ng gising dahil siguro sa ginawa ko at iniisip kung anung kahihinatnan nito. Muntik pa nga kong masaraduhan ng gate eh, buti na lang nakaabot ako. Ngayon naman nandito ako sa harap ng classroom namin at hindi makapasok, huminga muna ko ng malalim at pag bukas ko ng pinto parang pinag praktisan ng mga kaklase ko ang sabay sabay na pag lingon.
"sorry maam, Im late"- sabi ko at nag dare daretcho sa upuan ko
Alam kong sinundan parin nila ko ng tingin hanggang sa makaupo ako pati nga si lola basyang nakatitig sakin eh. Pag ka upong pag kaupo ko
"Hahaha" - classmates ko -_-///
Sabay sabay silang nag sitawanan hindi ko alam kung mag tatago ako o kung ano, pero imbis na mahiya ako inisip ko na lang si Ency at ng mapasulyap ako sa pwesto nya... sya lang sa buong classroom namin ang hindi tumatawa at bising bisi mag sulat.
"Hey! class quiet!!"- sigaw ni lola
Nagsitahimikan naman sila though na meron paring tumatawa
"Mr. Renz are you insane?. sinabi ko lang na mahaba na ang buhok mo pero hindi ko sinabi na MAG PAKALBO KA!"- sigaw ni maam sakin
"Ah mag susummer na po kasi maam"- sagot ko na labas naman sa ilong
(Ring/bell)
"Mmm!.. ok class see you tomorrow!"-at sabay alis
"Haha.. Pre bat mong naisipang mag pakalbo?"- tanong na may halong pang aasar ni Mark
"Pwede na bang pag prituhan ng itlog yan?. haha kintab eh"- sabi nung isa kong kaklase
Nag kibit balikat na lang ako at napatingin kay Ency na nag susulat pa rin hanggang ngayon
"Wa epek paren"-sabi ko na lang sa sarili ko
Mag chichristmas vacation na at nganga pa rin ako. Wala parin akong naiisip kung paano ko ba tatapatin si Ency sa nararamdaman ko. Bigyan nyo naman ako ng tips mga readers?.!
Kinabukasan naisipan ko lang pumunta ng covered court malapit samin wala naman pasok at wala naman akong ginagawa eh. Laro na lang ako ng basketball ng solo.
Bago ako pumasok ng tuluyan sa court nagtago muna ako.
"Galing mo talagang mag basket ball" - sabi ni Ency sa kasama nyang lalaki na kakatapos lang mag laro ng basketball at pinupunasan pa ni Ency yung pawis nya!?
"Nandyan ka kasi eh"- sabi nung mukang maniac na lalaki kasama ni Ency
"Haha, bolero sige bili lang ako ng tubig mo huh, ubos na eh"- sabi ni Ency ng nakangite
"O sige ingat ka bilisan mo"- sabi nung lalaki na may pahawak hawak pa sa muka ni Ency
"Rhiency kami din huh!"- sigaw nung iba
"Ah sige!"- at umalis na si Ency
Grabe Boyfriend nya ba yon!?. Bat hindi ko nalaman na may bf sya !
Napatigil ako sa pagmamaktol ng marinig ko yung pinag uusapan ng mga lalaking kasama lang kanina ni Ency
"Pre ganda ng chick mo ah?"
"Mukang mahal na mahal ka"
"Akin na lang GF mo pre"
"Sige sayo na, hindi ko naman type yun eh"- sabi nung lalaking parang kanina lang may pahaplos haplos pa kay Ency
"Grabe ka L.A kala ko GF mo na"
L.A pala ang pangalan tss.. bading
"Sayang ganda pa naman. Eh anong ginagawa nyo? sa lagay na yan hindi pa kayo?"
"Hindi ah. Hindi ko type yung ganon. Type ko yung daring haha"
"Ayos pre hahaha"
At nag tawanan pa sila naaasar ako bakit nya pinag lalaruan si Rhiency!?
Nang mag hapon na nag decide na silang umuwi
"Hatid na kita"-sabi ni U.S-_-
"Ah sige"- sagot ni Ency with smile
Sinundan ko lang sila hanggang sa mahatid nya si Ency. Nang solo na lang si States nang nandun na sya sa walang katao taong lugar tska ako nag pakita sa kanya.
"Sino yan?"-tanung nung L.A ng naramdaman nyang nasunod ako sa kanya
Nagpakita ako sa kanya
"Bakit mo ko sinusundan ? sino ka ba ?"- tanung nya
"Wag mo nang alamin. Igaganti ko lang si Ency"
"Si Rhiency? ahh, yung babaing boring kasama ?"- sabi nya ng natatawa
"Anog sabi mo!?"
Anung karapatan nya para sabihan ng ganon si Rhiency!?
(Ang sumunod na programa ay rated SPG- Istriktong Patnubay at Gabay ng Magulang ang kaylangan xD)
Pagkatapos ko iganti si Rhiency, wag nyo nang itanong kung anung itsura ngayon nung L.A dahil mahirap idescribe
"Ano ka ba nya!? bakit sobrang-"
May gana pa syang magtanong pagkatapos ng natamo nya!? di ko na sya pinatapos at sinabing
"Lagi mong tandaan kahit gaano pa ka USELESS ang tingin mo kay Rhiency
Isa pa din sya sa dahilan
kung bakit
may Masayang tao tulad ko"
~School day again
SH*T ang sakit parin ng muka ko. Oo nasuntok din ako ng L.A na yun pero mas napuruhan ko sya *smirks*
"Ah.. excuse me"-sabi ng pamilyar na boses
Pagtingin ko sa likod ko woah!.. si Ency! >o< (Ang gay ko)
Nakaharang pala ko sa daan papasok sa room namin
"Ah..ah s-sorry" sabi ko at binigyan sya ng daan
Dumaan na sya, napapikit ako at nilanghap ang hangin ang bango nya talaga
"A-ano"
O_o-napamulat ako nandyan pa pala sya
"Thank You :)"
huh?
"Thank You :)"
"Thank You :)"
"Thank You :)"
Kanina pa yan paulit ulit sa utak ko, hindi ko alam kung para san yung thank you nyang yun pero siguro kasi binigyan ko sya ng daan kanina :/