Chapter 4: Destined?

600 20 3
                                    

Maagang nag byahe sila Alyssa kinabukasan.

“Ly, mga 10 hours pa daw ang byahe kaya kasama ko si manong Greg siya ang magmamaneho sa atin” sabi ni Kim nang sinundo nila si Alyssa sa bahay nito. 5am pa lang ay nagsimula na sila sa byahe.

Naging maayos naman ang byahe nila, natutulog lang si Ella sa buong byahe at si Kim naman ay kinakausap ang driver para hindi ito antukin at si Alyssa ay nakikinig lang sa player nito habang iniisip parin ang naging paguusap nila ni Bang.

Maaga din nagbyahe sila Dennise. Sinundo siya nila Marge sa bahay nito kasama ang kanilang driver. Sinulit nila ang byahe at nagkwentuhan sila ng kung anu-ano pati narin si Mika ay naging topic nanaman nila.

“Stop over muna tayo, kailangan mag pa-gas, cr narin kayo” sabi ni Kim nang tumigil sila sa isang gas station para magpagasolina.

“Bibili na lang muna ako ng Snacks, nagugutom na ako. Wala ba kayong papabili?” tanong ni Alyssa habang papunta na sa may Convenient Store.

“bahala ka nang pumili ng snacks basta damihan mo” sagot naman ni Ella na papunta sa mag CR.

Tumigil din sila Dennise para magpahangin ng gulong at dahil na naiihi narin si Marge. Naisipan naman niya na bumili muna ng snack habang hinihintay si Marge. Pagpasok niya ay agad siyang pumunta sa may drinks, agad niyang bunuksan ang ref at hindi napansin ang babae sa may tabi kaya nabungo niya ito.

“naku sorry po, hindi ko po kasi kayo na pansin.” Sabi ni Dennise sa babaeng nabanga na kasalukuyang pinupulot ang mga nahulog na binili. Tinulungan narin niya ito.

“Ly, san ka na? tara na daw.” Sabi ng isang babaeeng pumasok sa may store.

Agad naman tumayo ang nabungo niya at tipid na ngumiti sa kaniya.

“It’s ok, sige we have to go” sabi lang nito at agad naring pumunta sa counter para magbayad.

Pagkaalis nila ay dumating naman si Marge at hinahanap siya. nagbayad narin sila at umalis na dahil ayaw nilang gabihin sa daan.

Mga 4pm na nakarating sila Alyssa sa resort ng Tito at Tita ni Kim. Napahanga sila ni Ella sa ganda ng lugar. Nakakarelax talaga at kakaiba, marami din naming mga tourista pero hindi ganong maingay at magulo. Tumuloy sila sa may rest house ng tita ni Kim na mismong nasa loob ng resort. Cottage style kasi ang mga rooms sa resort nila Kim. Agad naman sinalubong ng tita at tito ng kaibigan.

“So how was the trip? Ang haba noh?” sabi ng tita ni Kim at bumeso dito.

“Grabe tita super long trip talaga, kapagod. Pero nung makita namin ang resort na wala ang pagod namin. Ang ganda talaga dito. By the way Tita Grace mga kaibigan ko po si Ella at Alyssa. First time nilang pareho dito sa Pagudpud.” Pagpapakilala niya sa mga kaibigan.

“That’s nice, welcome to pagudpud and welcome to our resort.” Pagbati ng tita ni Kim at bumeso din sa kanila.

“Nasan nga po pala si Tito Ben?” paghahanap ni Kim sa asawa ng tita niya. Ang Tita Grace niya ay kapatid ng Mama niya.

“May mga inaasikasong VIP visitors eh, but I told him to be here by dinner para naman sabay-sabay tayo. Mabuti pa ipasok niyo na ang mga gamit nyo sa loob para makapagpahinga kayo before our dinner later.” Tinuro narin ng Tita ni Kim ang kwartong tutuluyan nila habang nasa resort. Ito ang pinakamalaking guest room sa resthouse ng tita niya kaya sama-sama na silang 3 sa isang kwarto. Nauna nang pumasok si Alyssa para dalhin ang ibang gamit nila habang naiwan pa sa may labas ng bahay sila Kim na kausap pa ang Tita Grace niya at si Ella na kinukuha ang ibang gamit sa mag sasakyan.

Habang nasa labas sila ay may pumaradang isang black mazda. Nagtatakang nagtatanong ang mga mata ni Kim na tumingin sa Tita niya.

“ahh yah, hindi pala nasabi ng Tito Ben mo na dito din magbabakasyon ang pamangkin niya si Marge remember?” sagot ng tita niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer FlingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon