Vs

18 3 4
                                    

Lia's POV

Hay? Habang tumatambay ako sa quadrangle may nag tanggal ng earphones ko. Kumakanta pa naman ako. Hayst! Itong malditang to ang sarap patayin! Siya si Miranda. Wala syang friends dahil natatakot sila sa kanya.

"Bakit ba?!" Sigaw ko.

"Hoy! Ano sinisigawan mo ko?! Tumigil ka kung ayaw mong i tape ang bibig mo! Ang lakas ng boses mo akala mo naman ang ganda! Kaya kung pwede sana itigil mo yan at gumawa ka na lang ng bagay na hindi maka iistorbo sa maganda kong tulog?!"

"Ikaw? Maganda ba ang boses mo?! Kaya tumigil ka rin? Kung ayaw mong isumbong kita sa teacher na natutulog ka."

"O sige subukan mo?! Kapag ginawa mo yun? Hindi ka na maka uuwi ng buhay..panget na nga yung itsura at boses...sumbongera pa." Sabi nya ng naka pamaywang at naka taas ang isang kilay.

"Hindi ako natatakot sayo Miranda!" Sigaw ko sa kanya at tumayo. Bigla nya na lang akong sinabunutan kaya gumanti ako sa kanya. Ang daming nanonood sa amin. Inawat kami ng best friend kong babae at lalaki na sina Roxy at Ash.

"Ano ba Miranda?!" Tanong ni Ash.

"Sya lang naman ang nauna..kaya gumanti ako sa kanya!" Sabi nya. Wow?

"Wow ha! Kahiya naman sayo?! E ikaw ang nauna diba? Kung maka panlait ka nga sa akin? Wagas! Akala mo kinaganda mo!" Sabi ko. Sasabunutan nya sana ako pero biglang nags i alisan ang mga students. Nandito ang...

PRINCIPAL?!

Aka Ms. Jove Linn Santos or Ms. Jove.

"Ipinapaalala ko lang sa inyo may roon tayong boxing room or gym..pwede kayo run. Kaya wag kayo dito sa quadrangle. Ang daming pwedeng masira nyo rito."

"Sorry Ms. Jove" sabi ko ng naka yuko.

"Sayo?"

"S..sorry po" sabi nya.

"Miranda..ipinapatawag ka ng teacher mo..." Di kami mag classmates. Pero kilala namin ang galawan ng isat isa.

Umalis na sya..

"Inaasahan pa naman kita na ikaw ang magaayos ng school na ito dahil President at top 1 ka pa..." Sabi ni Ms. Jove at umalis na.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Roxy.

"Oo, thanks" sabi ko.

"O sige. Tara na?"

Umalis na kami. Bwiset! Na late kami sa next class kaya pumunta na lang kaming café. Yun nagkwentuhan...

"Eh?"

"Ano?" Tanong ko kay Roxy.

"Bakit ba kase ayaw mo pa akong sagutin Roxy?" Kinilig naman ako kina Roxy at Ash.

Pinalo lang ni Roxy si Ash.

"Eh ayoko e! Bakit ba?!"

"Oo na..kumain ka na Baby! Ayoko kaseng nagugutom ka!"

"Ano ba?! Wag mo kong tawagin na Baby! Leche ka!"

"Alam nyo? Ang sweet na ng cake na to. Tapos sobrang sweet nyo pa! Lagot tayo sa mga langgam!" Pagbibiro ko. Sumimangot lang sila. Tumawa ako.

"Tara na nga! Uwian na!"

"Shonga! Bes? Pupunta pa tayo sa Dorm Assistant.." Sabi ko.

"Oo nga pala! Tara na?"

"Ghe"

Kulit vs MatarayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon