#1 WHAT ABOUT US?

67 1 0
                                    

A/N:  this time susubukan kong gumawa ng hearthbreaking love story......

one, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten. . . .   ready or not hear I am.

Destiny nanjan na ako. . . .

Napailing ako sa nakita ko.

hahahahaha.....  si Destiny talaga.....

agad akong pumunta sa likod ng kahoy na upuan....

"BOO!!!  huli ka Destiny!!"  panggugulat ko kay Destiny sa likod ng kahoy na upuan.  Nagulat siya sa akin, napaupo pa siya sa damuhan nang magulat siya.  "hahaha, Halika na nga tayo ka na"  inilahad ko ang kamay ko sa kanya para matulungan ko siyang tumayo sa pagkakaupo sa damuhan. 

"Kainis naman Dave eh, pano mo ako nahanap kaagad ha?"  sabi niya ng makatayo na siya.  Ngumiti lang ako sa tanong niya, ang hindi niya alam kaya nakita ko kaagad siya ay dahil nakita ko ang pula niyang paboritong ribbon na lagi niyang nilalagay sa buhok niya.  Nakita ko ang ribbon na nakasilip sa pinagtataguan niya hindi niya siguro napansin na nakalitaw iyon.

"Tatawa-tawa ka pa jan, ano?"  pangungulit niya sa akin.  "Ano ka ba, magaling lang talaga akong maghanap, at ikaw hindi ka marunong magtago."  sabi ko sabay pisil sa tungkil ng ilong niya.

"Kainis ka talaga, dave!!"  sigaw niya sabay hampas sa braso ko.   "Aray masakit yun ah"  sabi ko sa kanya.  Mukha namang nagsisi siya sa ginawa niyang paghampas sa akin. 

"Ah, alam ko na palitan na lang natin yung laro natin, lagi naman kasing ikaw yung nananalo eh,  habulan na lang kaya"  sabi niya sabay hampas ulit sa braso ko sabay sabi niya  "O TAYA!!"  sabay takbo siya ng mabilis papalayo sa akin.

"Ikaw talaga jan ka magaling eh, ang mangdaya"  pagkasabi ko nun hinabol ko na siya.  Tawa kami ng tawa habang naglalaro kami ng habulan, hindi kami magkandatuto nandung madapa kaming pareho pero patuloy pa rin kami sa paghahabulan.

Masaya kaming naglalaro nang biglang hinimatay si Destiny, nakita ko ang pagbagsak ng katawan niya sa damuhan.  "Tulong, tulungan niyo po kami"  sigaw ko. 

May lumapit na mga nurse para tulungan si Destiny, binuhat nila si Destiny at pinasok na siya sa loob ng ospital para dalin siya sa kwarto niya.  Sumunod lang ako sa kanila, iyak ako ng iyak kasi hindi ko alam kung buhay pa ba si Destiny.

Nang makapasok kami sa kwarto niya nakita ko doon sila Tita at Tito ang mga magulang ni Destiny.  Natataranta silang lahat sa kwartong iyon,  "LUMABAS KA MUNA DITO DAVE!!!"  sigaw ng daddy ni Destiny sa akin, pinalabas nila ako sa kwarto na iyon.  Galit na galit sila sa akin.

Paglabas ko ng kwartong iyon nakita ko si Mama na papalapit sa akin.  "Mama, si Destiny po ano po ang mangyayari sa kanya"  salubong ko kay mama, habang hindi ako tumitigil sa pagiyak.  "Magiging okay lang siya anak, huwag kang magalala"  pagpapatahan sa akin ni mama.

Hindi ako tumigil sa pagiyak hanggang sa makatulog na ako ng tuluyan dahil sa labis na pagiyak.

Nang magising ako nasa bahay na ako sa kama ko ako nakahiga.  Tumakbo ako sa sala kung nasan sila mama.  "Mama punta po tayo sa ospital"  sabi ko kay mama.  Nakita ko ang reaksiyong ng mukha ni mama nang sabihin ko iyon, lumungkot ang mukha niya.  "Anak, makinig ka sa akin ng mabuti, wala na sila sa ospital.  Masyado nang malubha ang sakit ni Destiny kaya lumipad na sila papunta sa states para doon ipagamot si Destiny" 

WHAT ABOUT US?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon