tulang hindi alam ang pamagat

3 0 0
                                    

Breakthrough poems.

Saan na to patungo?
Patungo sa pagbabago
Pagbabago, pagbabago ng ating relasyon.

Relasyon at ng ating pinagsamahan
Ay aking Kakalimutan para lamang maibsan ang sakit na nararamdaman
Nararamdamang muling tumatatag.

Subalit, kahit anong pilit.
Pilit na ayusin, ay iyong pinagsasawalang-bahala,
Parang wala lang at hindi mo makita
Hindi mo nga ba makita o sadyang ikay nagbulag bulagan lamang!

Bulag ngunit may nararamdaman kung kaya't patuloy na lumaban
Lumaban sa lahat nang pasakit, Kahit na masakit, mapatunayan lamang ang nais na makamit

Ngunit, alam kong ito na ang huli. Kung kaya't ibinigay ko na ang aking sarili kahit alam kong wala na, Wala ng pag-asa pa.

Wala ng pag asa na ikay babalik dahil nasa piling man kita ramdam ko na ikay unti unti nawawala at lumalayo
Para bang ikay kayhirap abutin

Sana man lang naisip mo kung pano kita ipinag laban. Sana man lang naisip mo ring lumaban.

Marahil'y naisip mo ngang lumaban ngunit ginawa mo ba? Hindi pa tapos ang giyera'y sumuko ka na! Natalo ka man sa laban ay sana man ipanalo mo ang digmaan!

Maaaring  hindi kita maintindihan subalit, sana'y sinabi mo
Para di na umasang may tayo pa sa huli.

Di na umasang tayo parin
Di na umasa sayong mga pangako na napako
Na syang labis kong ikinamatay

Sabagay, pakiramdam ko nagkulang ako kung kaya't nararamdaman mo'y naglaho

Naglaho ang pagkakaibigan, di na maibabalik. Pagsusumamo nang puso'y di maiwasang ulitin.
Ulitin sapagkat ako'y may pagtingin pa rin kahit kaibigan lang ang iyong turing

Masakit man isipin ngunit yun ang katotohanan
Akoy isa lamang kaibigan na dapat laging nandayan
At iyong karamay

Nasaktan man ako sa laban kong ito, asahan mong pagtingin ko sayo ay hindi mag lalaho. Kahit na mag isang nagmamahal at mag isa ring nasasaktan.

Nasasaktan? O nasaktan?
Tanong ko saaking sarili.
Tuluyang nalimutan
Pagsintang pinilit

Pagsintang pilit na ipinaglaban
Kahit akoy mag isa lamang sa gyera
Damdamin ko ma'y iyong binalewala, ikaw pa rin laman ng puso aking sinta.

Puso'y nagdusa, luha'y umagos.
Isip ay napagod, apoy ng pag-ibig ay naupos
Tubig ay nahibas
Langit ay dumilim
Katulad ng buhay na nalungkot
At nabahiran ng pagdurusa

Pag sintang ipinilit
Naging dahilan
Upang sarili'y mabalot ng kalungkutan

Kalungkutang hatid nang iyong paglisan.
Bakit?
Bakit mo sinira ang samahang ating binuo?
Bakit mo hinayaang masira ang pagkakaibigan ng dahil sa walang kwentang dahilan?

Maari bang sabihin mo sak'in kung saan?
Saan ako nagkulang?
Ako nga ba ang nagkulang? o sadyang sumuko ka lamang

Nakakapagod
Nakakapagod ang sakit.
Nakakapagod, nakakapagod ang lahat nang bagay na tungkol sa iyo.
Ayoko na, nakasasawa na ang mag-hinagpis

Dahil simula palang ipinaramdam mo na sa'kin na kaya mo. Kaya mo, kahit wala ako. Wala ako sa tabi mo. Nakakalungkot man ngunit wala akong magagawa. Hindi kita pwedeng pilitin na mahalindin ako tulad ng ginagawa ko sayo.

Dahil wala akong karapatan dahil damdamin mo yan
Wala akong karapatan sayo
Ngunit may karapatan din akong masaktan

Gustuhin ko mang maging iisa ang ating nararamdaman walaring saysay sapagkat ibang tinitibok ng iyong puso

Ibang tao na hindi magiging ako kailanman. Ibang taong naging dahilan nang aking pagkawasak. Pagkawasak nang mga puso't samahang nabuo. Nabuo noong mga oras na ako'y bigo. Bigo sa buhay at pagibig na inayos mo. Inayos mo't ako'y muling nabuo. Ngunit muli mo ring winawasak sa tuwing ika'y lalayo

Hay kailan ba ko susuko kailan ba ko magsasawa
Sa mga pasakit
Na ako rin mismo ajg nagbibigay
Kailan ba ako matututo
Na ikay hindi na akin
Kailan ba ako gigising sa mga ilusyon ko
At pangarap na kasama ka
Na magiging hanggang pangarap lamang
Dahil sayoy mayron ng nagmamay ari
At iyoy hindi ako
At kailan man ay hindi magiging ako

Isip ay sumuko na,
Damdamin ay lumalaban pa,
Isang malakas na tulak ang aking kailangan,
Hindi pagiwas sa mga tingin na sayo'y ibinibigay

At sa bawat pag iwas mo
damdamin ay nasasaktan
Ngunit alam kong
ikay masaya na sa piling nya
Kaya malaya ka na!.

Credits to all maskarangginto

PoemsWhere stories live. Discover now