Taking shower 6am
1st day
I'm not excited
Wala naman ako babatiin or what
Buti pa yung uniform ko bago, eh ako kahit bagong kaibigan wala
7:30am
"Ma, Alis na po ako. Bye! "
7:45am Bus stop
Wala man Lang magpapaupo sa akin? Babae parin naman ako ah?
8:30am School
Ang iikli naman ng mga palda ng mga toh.
Oh? Kung makapag kamustahan kala mo naman Hindi nagkikita nung summer
"Hi, Jane? "
Si Jessa.. Lahat ng makasalubong kilala.. Ewan ko Kung malandi ba to o friendly lang..
awkward smile ang naiganti ko..
Teka.. May bagong mukha akong nakita ah. sino kaya to.. Well May bago naman na katatakutan ako. Haha
Aba ..Kumpulan sila ahh.. Ano pinag uusapan? Ako?
May narinig akong boses
"Hi"
Lumingon ako
Tinignan ko lang sila.. Si Jessa, Mike the Pervert at yung bagong classmate ata.
Hindi ko pinansin at humarap muli... Narinig kong bumulong si Mike
"naku!! May topak yun.. Wag MO yun pansinin"
Lumingon akong muli para titigan sila ng masama..
Kaso pag lingon ko..
Naka ngiti yung lalaki..
Walang mata.. Singkit kasi..
Ang Cute nya ngumiti.. Ay wait dapat masungit ako..
Napahinto sila sa pag ngiti dahil napansin nila akong nakatingin..
I feel awkward kaya.. Hindi ko nagawa ang plano ko.. Umalis nalang ako ng mabilis.. #PahiyaMoments
5pm. Uwian
Pumunta muna ako sa locker ko para mag iwan ng ilang books..
Habang papunta ako.. May naaaninag akong lalaki na nakasandal sa locker ko.
Pag lapit ko... Nakita ko na si......
"Hi"
"b-bakit? "
"Gusto ko lang mag sorry"
"Sorry? For what "
"para sa kanina.. Para kasing napahiya kita.. "
"ahh, wala yun.. Sige excuse"
Umalis sya sa pagkakasandal nya sa locker ko..
"Your Name? "
Napahinto ako...
"Ha?"
"pangalan MO? Don't tell me wala kang pangalan. Haha"
Nagseryoso ang mukha ko..
"Joke lang hehe.. "
"Jane "
"haha. Alam ko "
"eh bat mo pa tinatanong? " Loko pala to..
"Gusto ko kasi.. Sayo ko marinig "
"ah"
"Ako nga pala si Jerome.. Jerome Ponce "
Napangiti ako... Konti lang naman
"oh? Napangiti ka? Pangit ba pangalan ko "
"ah.. Hindi naman.. Sorry.. "
"HMm. Name mo Jane me Jerome. Naks pwede love team.. Tatawagin tayong JaneRome"
Hindi ako umimik
"Joke lang hehe "
Katahimikan....
"Number MO? Hinihingi ko kasi number mo kay Jessa kaso wala raw sya number mo. "
"Wala akong Cellphone "
*phone rings
"really ahh "
"Ah. Kasi. Mama papa at kapatid lang laman ng phonebook ko. Pasensya na Hindi ko ibibigay number ko "
kumuha sya ng papel at ballpen at nag sulat..
Iniabot nya sa akin.
Isang cellphone number
"Pag kailangan MO ng kausap text ka lang o tumawag sa Number na yan..sasagutin ko agad agad.. Promise.
At umalis na sya..
Ang sakit ng Dibdib ko.. Damang dama at dinig na dinig ko ang beat ng puso Ko...
My God.. Ano ito...
BINABASA MO ANG
My Heart Beats For Love
Teen FictionI am Nobody..no friends and everyone hates me. pero nung dumating ang lalaki nagpatibok ng puso ko unti unti ako ay nagbago.. ongoing